Chapter 36: Lock Vs. Unlock

14 1 0
                                    

"Open me up here, you beast woman!" ang sigaw ng isang babaeng nakulong sa loob ng comfort room.

Matapos isinuot ni Jenny ang kaniyang panty, dahil marami itong white blood, Galit na galit siyang makita na nakasarado ang pinto nang kaniya itong sinubukang buksan. Anuman ang kaniyang naging pagsigaw ay animo'y walang nakakarinig sa kaniya. Paano nga ba naman ay nilagyan ni Jane ang pinto sa labas ng "OUT OF ORDER" plaque, isang pamamaraan ng kalaban Niya upang walang sinumang sumubok na pumasok nito.

"Hello, is there anyone out there? Open the door, please? I want to get out of here." Sinabayan niya pa ng isang sigaw ng "You bit*h woman, if I see you again, I pledge to hit you harder." Sumigaw siya nang sumigaw, nagmamakaawang pagbuksan siya subalit walang pumaroon para tulungan siya.

Sinubukan niyang tawagan sa telepono ang kaniyang nobyo, ngunit nakailang tawag na siya'y wala pa ring sumasagot sa kaniya. At ang pinakaiinis pa niya'y isang bar na lang ang natitira sa baterya ng kaniyang cell phone. Naghintay na lang siya, nagbabaka-sakaling dumating ang lalaking makapagliligtas sa kaniya roon. Subalit, ilang minuto pang lumipas, hindi pa rin nagparamdam ang pinakamamahal niya. Instead, ang ina ni Jester ang nasa kabilang linya para tawagan siya.

Pagmamadali niyang sagot sa tawag, "Hello Auntie."

Hinihingal pa siya bago nadugtungan ang pangungusap, subalit ang taong kausap niya ay panay salita na. Naisip niya, mukhang importante naman ang mga sinasabi ng babae, kaya nakinig na lang muna siya, at nang baka pagkatapos nitong magsalita ay maaari na siyang makahingi ng tulong. Ngunit, medyo mataas ang pagsasalita ng ina ng minamahal niya dahilan ng walang pagkakataong sumabat pa siya. Higit pa roon, hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi nito kung kaya't matindi ang kaniyang panlulumo.

"Jenny, within ten minutes. You should be here in the meeting hall. We'll introduce you to the board members. You shouldn't miss it, okay?"

"But can you—"

The call was hung up on. Natapos na lang ang pag-uusap nila ng babaeng nasa kabilang linya nang hindi man lang nakahingi ng tulong si Jenny patungkol sa kalagayan niya roon. Sobrang depress na siya at nabahala. Kasunod pang sinubukan niyang tawagan ay ang mga katrabaho niya, subalit hindi niya makuntak ang mga iyon. Ni-isa'y walang naging available para sagutin siya. Oras din kasi iyon ng trabaho, kaya malamang abala ang mga iyon sa kani-kaniyang tungkulin.

Ang iba'y itinago ang mga cell phones sa drawer nila, kaya iyon ang unang dahilan kaya 'di nila raw napansin ang parating na tawag. Napaupo na lang si Jenny sa may lababo habang panay sulyap sa hawak niyang gadget. Tinawagan na niya nang paulit-ulit ang kasintahan, ngunit hindi pa rin magawang buksan ito dahil sa abala masyado sa trabaho.


Ilang sandali pa'y, ipinasa ni Jane ang dalang folder sa sekretarya ng may-ari ng kompanyang pinupuntahan. Hindi kasi siya pinayagang pumasok dahil ang kaniyang nakausap ay 'di siya kilala. She went straight to the elevator after handing it over. Nang naroon na siya'y, may narinig siyang mga bulung-bulungan tungkol kay Jester kung saan balak daw nitong ipakilala sa board ang mistress nito.

Medyo kumirot ang kaniyang damdamin sa balitang iyon. In the first place, hindi pa naman sila hiwalay.

Sa kabilang banda, she was envious dahil hindi pa iyon kailanma'y naggawa ng asawa niya sa kaniya. Hindi siya pinahintulutang makipag-usap at makipagkita sa sinumang employees nila. Bilang resulta, nakaagaw- pansin sa kaniya ang tsismis na iyon. Ang nakaakit sa kaniyang interes ay ang katotohanang sigurado siyang ang kabit ni Jester ay hindi makadadalo sa pulong dahil naka-lock iyon sa comfort room.

"It's good that I am wise when it comes to playing love birds. Goodluck Jenny, for your journey," she whispered to herself.

Nakatingin lang sa kaniya ang mga taong nakasalubong niya. Nginitian lang niya ang mga iyon at dumiretso sa ground floor.


MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS...

Talagang pinaghandaan ni Jester ang mahalagang pulong na dadaluhan ng mga shareholders ng kaniyang kompanya. Katunayan nga'y maaga siyang nakarating sa venue at naghihintay na mapuno ang mga upuan. Nang makita niyang puno na ito, nakatitig lang siya sa mga nakaupo nito habang balisa dahil hindi pa nagpakita roon si Jenny. Hinikayat niya ang sarili na siguradong a-attend ang dalaga dahil inutusan niya ang ina niyang kuntakin iyon. Ang problema, iniwan niya lang ang phone niya sa drawer kung kaya't hindi niya maggawang i-check ang mga mensahe nito.

"Jester, it's ten minutes late. Why isn't your partner coming yet?" one of the board members asked him.

Luminga-linga lang siya at sinulyapan ang kaniyang relo habang napaisip kung bakit kay tagal naman dumating ang kanyang hinihintay na kasintahan. At pagkatapos ay sumagot sa nagtatanong, "Maybe there's an emergency I don't know about. Let me just contact her for a while."

Akmang tumayo si Jester mula sa pagkakaupo, subalit pinigilan siya ng kaniyang ama. Malapit na rin kasing matabunan ng araw ng buwan kaya kailangan na nilang magmadali sa pagpupulong. Sinabi rin ng kaniyang ama na lalaktawan na lang ang pagpapakilala sa ina ng pangalawang tagapagmana ng kompanya at simulan ng pulong sa susunod na agenda.

"Jester, as Ceo you must be the assigned person on selecting the best law firm in our company since no one has been holding us for several years due to serious problems. Next week, the bidding and presentation will be held in each law firm, and you have to choose the really best who will defend and serve us," sabi ng kaniyang ama.

Ipinaliwanag pa ng maigi ng kaniyang ama ang espesyal na okasyong iyon. Ilan sa mga shareholders ng kompanya ay nagmungkahi tungkol sa pinakamagaling na law firm at sumang-ayon lang si Jester sa kanila kahit ang kaniyang isipan ay tila wala roon. Paano ba kasi ay talagang nanlumo siya sa babae niya sa hindi pagsipot nito sa kanila na sana'y pagkakataon na nitong makilala ng mga bigateng tao ng kanilang kumpanya.

Natapos na lang ang pulong ngunit si Jenny pa rin ang nasa kaniyang isipan. Nang bumalik na siya sa kaniyang opisina, una niyang kinuha ang phone niya at chineck ang mga emails dito. Hinanap niya ang mga mensahe ng kaniyang minamahal. Binasa niya lahat at napag-alamang naka-lock pala sa comfort room ang dalaga.

Iniwan niya kaagad ang phone sa lamesa at nagmamadaling puntahan sa kinaroroonan ng babae. Inutusan niya ang utility man na buksan ang pinto ng comfort room at pinagalitan ito dahil sa kapabayaan sa trabaho. Nakita niyang nakahandusay habang natutulog sa lababo si Jenny at dinig niyang pagkulo ng mga tiyan nito dahil sa labis na pagkagutom. Nataranta siya at ginising niya iyon sabay yakap sa babae.

"I’m sorry that I’m late, babe. I'm sorry kung hindi ko kaagad nabasa ang mga mensahe mo sa akin," sabi niya, habang pinanood ni Jane ang tagpong iyon gamit ang kaniyang phone.

Jane installed a covert camera in the comfort room before she locked Jenny there. Sinadya niya iyon para makitang reaksyon ni Jester at paano niya maresolba ang pinakamahirap na situwasyong iyon.
Narealize niyang mas mahal na talaga ng asawa niya ang kabit nito. Nahalata kasi niyang napakalambing nito kay Jenny sa sobrang pag-alala rin nito. Nasaktan talaga siya sa kaniyang nakita. Napaluha siya nang sobra, subalit, ang kaniyang mukha ay puno ng galit hanggang sa nakaisip siya ng matinding estratehiya para makaganti nang sobra sa dalawa.

Nang sumunod na araw, nakaisip si Jane ng paraan para mapigilan ang maligayang araw ni Jester. Pumunta siya nang maaga sa garahe ng mga Helson at kinunan ng hangin ang gulong ng kotse na ginagamit ng asawa niya. Nakapasok siya sa bahay na iyon dahil everytime na lumabas ang isa sa mga maids ng mansion para magtapon ng basura ay dagliang pumuslit siya sa loob ng bahay nang walang nakakakita.
––––

Malapit nang malate si Jester sa trabaho. Minadali niyang pinaandar ang kotse. Nagmaneho siya nang kay lakas dahil sa nagmamadali siyang makahabol sa oras. Subalit, ilang minuto lang ang tagal nang takbo nito at ang sumunod nito'y parang nagbounce- bounce na lang ang gulong nito. Muntikan na niyang mabangga ang nagbibinta ng mga gulay kung hindi lang niya naapakan kaagad ang brake nito.

My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon