Chapter 19: Family Reunion

29 0 0
                                    

Si Jester ay matalim na nakatitig sa gilid ng mesa, nakaupo sa kaniyang upuan, at mag-isang nagmumuni-muni sa kaniyang opisina. Hindi niya makakalimutan ang fantastic romance nila ni Jenny, ang babaeng kakakilala lang niya sa bar. Hindi siya makapaniwalang sa ganoong klase ng babae, siya ang unang gumalaw sa pagkababae nito. Pero, hindi rin niya maitatanggi na unti-unting  nahuhulog na siya sa bitag ng pag-ibig. Sa katunayan, tinawag itong "Love at first night."
 
Dahil sa malalim niyang imahinasyon, halos hindi niya marinig ang katok mula sa labas. Kaya naman, dumiretso ang kaniyang ina sa opisina dala ang mga file na hawak nito na mangangailangan ng pirma ng lalaki.
 
"Anak, ano bang iniisip mo at para kang nabingi sa mga katok ko sa pinto mo?" sabi niya.
 
"I'm sorry mom, may naalala lang ako," sagot niya.
 
Napangiti na lang ang babae sa reaksyon ng lalaki. Inabot niya ang mga pinagsama-samang papel para pirmahan ng anak at natapos na ni Jester na pirmahan ang lahat ng iyon. Bago umalis ang babae, binigyan niya ng back up na tanong ang kaniyang anak.
 
"Jester, what happens between you and your wife? Naayos mo na ba ang kailangan mong ayusin sa kaniya? Naghihintay na ang board para sa mga resulta."
 
Napabuntong-hininga ang lalaki at napakamot sa ulo bago sinabing, "Ma, kailangan ba talagang magkaroon ng pangalawang tagapagmana sa kumpanya? Hindi ko alam kung paano humingi ng tawad sa aking asawa, kahit na iniwan ko siya."
 
"Anak, hindi lang baby ang hinihingi namin sa inyo ng asawa mo, dapat maayos din ang relasyon ninyong dalawa. Nagkamali ka, okay lang, suportado ka namin ng papa mo. Basta palagi mong unahin ang bagay na iyon, para sa kapakanan ng kumpanya," paliwanag ng kaniyang ina.
 
Tumango lang si Jester sa paalala ng ina. Base sa napag-usapan sa board, kailangang ayusin ni Jester ang relasyon nila ng kaniyang asawa para muli silang magkaanak. Kaya, nagpasya ang lalaki na lumipad pauwi ng Pilipinas kasama ang kaniyang anak na si Jason.
 
Habang nagwawalis ng bakuran ang kapatid ni Jane na si Arianna, napansin niyang nakabukas ang gate nila sa entrance. Nakalimutan niyang isinara iyon. Noong una, hindi niya masyadong pinapansin ang lalaking may hawak na bata, pero lumapit ang lalaki at nagpakilala.
 
"Hello, kilala mo pa ba ako, Arianna?"
 
Nakatitig lang ang babae sa lalaki habang pilit na inaalala kung sino ang lalaking nasa harapan niya.
 
Nang nginitian ni Jester ang babae ay umiling ito na para bang hindi niya ito kilala at tuluyang nakalimutan ang mukha nito.
 
"It's Jester. Your sister's husband," malinaw na pakilala ng lalaki.
 
Maya-maya, naging positibo ang reaksyon ni Arianna. Nakilala na niya ang kaniyang bayaw. Medyo pumayat si Jester kaya hindi agad siya nakilala ng babae. Simula noon ay pinapasok na siya ng babae at hinintay nilang umuwi si Jane galing sa trabaho.
 
Makalipas ang isang oras, dumating si Jane sa kaniyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, lumapit sa kaniya ang cute na bata, naglakad papunta sa kaniya sabay tawag ng, "Mama." Nangingilid ang mga luha sa kaniyang mga mata nang makitang ang sumalubong sa kaniya ay ang kaniyang anak. Binuhat niya ito at niyakap nang mahigpit sa sobrang pagka-miss niya sa bata.
 
Hinalikan pa niya ang pisngi ng anak pagkatapos. Hindi siya makapaniwalang sa ganoong instance at  sa mahabang panahon ay parang kilala pa rin siya ng kaniyang anak kahit na sa murang edad pa iyon kinuha sa kaniya. Tuwang-tuwa siya nang makasama niyang muli ang kaniyang anak sa hindi inaasahang pagkakataon.
 
Nang ituwid ni Jane ang kaniyang tingin, nakita niya si Jester na nakaluhod sa kaniyang harapan. Nagmakaawang tanggapin muli at patawarin ang kaniyang mga kasalanan. Lalong lumakas ang hikbi niya nang lapitan siya ni Jane at magsalita nang masasakit na salita sa kaniya.
 
"Wala kang karapatang bumalik sa buhay ko pagkatapos mo akong pinaghirapan para mahanap ka. Minahal kita Jester, pero inilayo mo sa akin ang anak ko sa loob ng tatlong taon. Anong klaseng asawa ka?" Galit na salita si Jane habang umiiyak din siya sa sakit na nararamdaman.
 
Sa totoo lang, hindi pa masyadong nakaka-move on si Jane kaya ang sakit pang makita ang asawang nagmamakaawa na balikan. Ngunit, hindi tumigil sa paghingi ng tawad si Jester. Sincere 'yon at may pinangakuan pa siya.
 
"Jane, I'm sorry. Alam kong mahirap para sa iyong patawarin ako, sa halip, tatanggapin ko ito kung para lang sa anak natin. Inaamin ko, nagkamali ako at naging manhid sa nararamdaman ko pero mahal pa rin kita. Sa totoo lang, pumunta kami ni Jason dito para sunduin ka. Pupunta tayo sa States para mamuhay nang matiwasay at magsimula ulit tulad ng dati. Please Jane, patawarin mo ako this time. Give me a chance," mahinang pakiusap niya.
 
Matigas ang puso ni Jane, ngunit nang sabihin ng kaniyang anak na "Tanggapin mo muli si papa, mama?" biglang lumambot ang kaniyang puso.
 
Mahirap para sa kaniyang magpatawad, ngunit napagtanto niya na malayo ang kaniyang nilakbay para muling mabuo ang kaniyang pamilya. Kaya naman, para hindi na siya maghirap pa at mag-invest para mabuo muli ang nasirang relasyon, naisip niya na mas mabuting ayusin na lang niya ito habang ang biyaya ay dumating na sa kanya.
 
Tinanggap niya si Jester at nagsimula muli kasama ang kanilang anak doon sa United States.
 
Dinala ni Jane ang kapatid niya sa nasabing bansa para samahan siya sa pang-araw-araw na buhay. Doon nakahanap ng trabaho si Arianna bilang engineer sa isang kumpanya. Naging mas mapayapa ang buhay ng mag-asawa, ngunit mas mahigpit si Jester sa kaniya. Hindi siya pinapalabas ng bahay kapag walang bantay, ni hindi siya nakapupunta sa kumpanya ng asawa at lalo siyang napalayo sa media.
 
Nagtataka siya kung bakit pinagbawalan siyang pumunta sa opisina ng kaniyang asawa, kung saan sa katunayan, siya ang asawa ng may-ari. Humingi siya ng paliwanag, ngunit ang tanging sagot ni Jester ay bawal doon ang mga hindi empleyado. Inintindi niya ang asawa at napilitang naniwala na nagbago na ang lalaki. Hindi na siya nag-iisip nang masama sa tuwing napapansin niyang lahat nang kakaibang kilos ng lalaki.
 
Ngunit, sa kabila ng kaniyang pagmamaktol, hindi niya maiwasang magtaka kung ang kaniyang asawa ay uuwi nang gabing-gabi, at halos tatlong araw sa isang linggo ay umaalis ito ng bahay. Palaging nagpapaalam sa kaniya ang lalaki sa kadahilanang may mga meeting daw sila sa labas ng bayan, ngunit ang katotohanan sa hindi malinaw na dahilan, hindi maalis sa kaniyang hinalang maaaring kasama ng kaniyang asawa ang ibang babae nito dahil lagi itong inaantok at pagod kapag umuuwi.
 
Hanggang isang araw, galit na galit si Jane dahil may naamoy siyang pabangong babae sa jacket ni Jester. Ginising niya ang lalaki mula sa pagkakatulog at pinagalitan.
 
"Jester, kaninong pabango ito?" galit niyang tanong.
 
Mabagal na sagot ng lalaki, "Mula kay Andi."
 
Malinaw sa pandinig ni Jirah na ang pangalan ng babae ay binibigkas ng kaniyang asawa. Kaya, mas inimbestigahan niya ito sa sunud-sunod na tanong.
 
"Sino si Andi? Siya ba ang babae mo? Siya ba ang lagi mong binibisita araw-araw? Sabihin mo sa akin ang totoo, Jester. Sagutin mo ako!"

My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon