Ang babaeng nakaupo sa kabilang kotse ang nagsaboy ng sili sa mukha ni Jester. Naramdaman ng lalaki ang init at ang maanghang ng likidong bagay na halos masunog ang buong mukha niya. Walang kamalay-malay si Theo sa nangyayari sa kaibigan dahil sa kaduwagan nito. At saka tinakpan niya 'yong mata niya gamit ang mga kamay niya.
Pagsigaw ni Jester, "Aah, maanghang. Ang init ng mukha ko. Tulungan mo ako, Theo, tulong?" Agad namang nag-react ang isang kaibigan niya nang narinig at nakita siya, at binigyan siya ng agarang paunang lunas sa pamamagitan nang pagwiwisik ng tubig at likidong gatas sa kaniyang mukha. Pagkatapos, nagpapalitan sila ng upuan para si Theo na ang magmaneho ng kotse pauwi.
Pagdating nila sa bahay, walang sinabi si Jester kundi ang pangalan ng asawa. Hindi lang siya pinansin ng kaibigan niya noong una, akala niya nagbibiro lang siya. Ngunit, umiiyak na si Jester sa sakit na nararamdaman sa banayad na paso ng kaniyang mukha. Medyo init lang, pero kahit ganoon, nasira pa rin ang flawless niyang mukha.
Umupo si Jester sa sofa at sinabing, "Theo, Nakita ko mismo sa nang klaro. Jane did this." Tinuro niya ang mukha niya.
Naawa sa kaniya ang kaniyang kaibigan, ngunit iniisip pa rin niya kung paano ito nangyari nang matagal pagkatapos ng balita nang pagkamatay ng babae. Sayang nga lang dahil hindi nakita ni Theo ang buong pangyayari kaya hindi niya mapatunayan sa sarili niya na totoo ang sinasabi ng kaibigan. Pero gayunpaman, nagbigay pa rin siya ng opinyon sa kaibigan.
"Wala ba siyang kamukha? Isipin mo Jes, baka ma-distract ka lang."
"Hindi ako maaaring magkamali dahil lumingon siya sa akin bago pa niya ako sinabuyan ng sili. Siya talaga," paniniguro ni Jester sa kaniyang iniisip.
Hinikayat niya ang kaibigan na maniwala sa kaniya. Binalak nilang bumalik doon bukas para tingnan kung ganoon pa rin ang kanilang senaryo. Akala nila ay naghihiganti si Jane sa lahat ng pananakit na ginawa sa kaniya ni Jester. Sa kabila noon, tanggap naman ng lalaki kung sakaling bumalik siya para maghiganti, pero isa lang ang gusto ni Jester na mangyari: ang ipagpatuloy ang kanilang hiwalayan.
Kinabukasan, sinabi ni Jester sa kaniyang mga magulang ang nangyari sa kaniyang mukha. Nalaman nilang si Jane pala ang gumawa noon kaya naalarma sila.
"Paano nabuhay si Jane?" tanong ng kaniyang ina.
Hindi ma-analyze ng kaniyang ina ang misteryo sa likod nang pagkawala ng babae, kahit na sigurado siyang tugma ang DNA ng pulis sa daliri ni Jane na natagpuang lumulutang sa dagat. Kaya, tulad ng ideya ni Jester, kailangan nilang hanapin ang kinaroroonan ni Jane upang malinawan ang lahat at upang mahanap nila si Jason hanggang sa kailanganin niyang bumalik sa kaniyang ama.
Ngunit, imbes na matuwa si Jester na sa wakas ay wala na siyang kasalanan kung nabubuhay pa si Jane, nasa isip pa rin niya ang pag-aalala sa sarili na paano kung bumalik ang kaniyang asawa para maghiganti? Pinagtagpi-tagpi niya ang bawat anggulo nang makatanggap siya ng mga pagbabanta, at doon niya napagtanto na kagagawan talaga ito ni Jane.
Kasabay ng hindi magandang karanasan ni Jester ay ang kasiyahang makasama ang bago niyang lover sa kumpanyang kaniyang pinamahalaan. Naging malaking kliyente nila si Jenny sa isang proyekto kung saan umorder ang kampo ng babae ng libu-libong kagamitan sa ospital mula sa kumpanya ng lalaki. Ang tanging kumpanyang pinamamahalaan ni Jester ay isang producer ng iba't ibang kagamitan.
Hindi makapaniwala ang mayamang lalaki na malakas pa rin ang pagkakaugnay niya kay Jenny, lalo na nang hilingin ng babae na makasama siya sa pangangasiwa sa produksyon para matiyak ang kalidad ng mga produkto. At, pumayag ang kumpanya sa kahilingan ng kanilang malaking kliyente.
Isang araw, habang abala si Jester sa pag-check ng mga papeles niya sa kaniyang opisina, dumiretso doon ang kaniyang mistress. Habang papalapit iyon, sinabi ni Jester sa kaniya, "Bakit hindi ka kumakatok?"
"Ah... kailangan pa ba 'yon? Pag dumating 'yong araw na magiging akin ka na, kakatok pa ba ako?" sagot ni Jenny habang diretso itong umupo sa mesa ng lalaki.
Napatigil sa pagsusulat ang lalaki nang makitang naangat ang hiwa ng damit ng babae. Tumambad sa harapan niya ang mapuputing legs kaya naakit siya rito. Gusto niyang hipuin at halikan si Jenny, ngunit mas marami siyang nakitang trabaho ba nakaantabay sa unahan niya.
"Jen, marami pa akong gagawin. Mamaya mo na ako istorbohin."
"What, Jen? It's Babe. That's what you'll call me from now on," paglilinaw ng babae na dahan-dahang humalik sa batok ng lalaki.
Kasunod ng halik na iyon ay tinanggal niya ang kurbata sa polo nito. Balewala lang iyon kay Jester noong una, ngunit habang mas tumitindi ang halik ni Jenny, hindi na ito napigilan ng CEO. Nilingon niya ang babae at hinawakan ang paa nito habang hinahaplos ang v*gina nito.
Sabi niya, "Aah, masahiin mo pa, babe. I love it, Ugh."
Sinubukan pang imasahe ni Jester at sinunggaban niya ng halik sa labi ang babae. Ibinaba niya ang halik sa dibdib ng babae at dinilaan ang mga utong ng dibdib nito. Napakasarap na sana ng kanilang mga damdamin at halos maulit na naman ang abot-langit na saya, ngunit may kumatok sa pinto.
"Sino 'yan?" tanong ni Jester na naiinis sa katok ng babae.
"It's your secretary, sir. I will show you new schedules for you to check," sabi ng kan'yang sekretarya.
Pinigilan ni Jenny ang mga labi ng lalaki bilang tugon at inayos ang kan'yang damit. Pinuntahan niya ang babae sa labas at kinausap ito. Pinagalitan niya ang babae sa labas dahil naiirita siya sa pagkaputol ng romansa nila ni Jester.
"Ms. Secretary, ipaubaya mo na sa akin 'yan at pakibantayan mo na lang ang pinto sa loob ng trenta minuto. 'Wag mo nang makialam at harangan mo ang sinumang pumasok dito, okay? May gagawin kami ng boss mo na inistorbo mo," bilin ni Jenny sa isang mala-striktang tono.
Agad ding ipinarating ng tsismosang secretary ang balita sa kapwa niya secretary. Gumawa siya ng sariling isyu sa dalawa base sa kaniyang obserbasyon sa mga kilos at salita ni Jenny. Nagdagdag siya ng iba pang impormasyon upang gawin itong talagang nakakaintriga sa nakikinig.
"Uy, Pia, alam mo bang napansin kong magulo ang buhok ni Ma'am Jenny? Baka may ginawa sila ng amo natin sa loob, hehe," sabi ng babaeng sekretarya na kasamahan niya.
Natawa pa sila sa kung ano mang sinabi ng sekretarya. Hindi na nila natapos ang kanilang trabaho dahil naririnig nila ang ingay sa loob ng opisina mula sa labas. May tunog ng kung anong nahuhulog, may mga kalansing, at iba pang bulungan ang narinig ng mga tsismosang iyon. Hanggang sa makarinig sila ng ungol na nagpaggising sa kanilang mga tenga, na nagdulot ng inggit at mas pinili nilang makinig sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
Любовные романыAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...