"Hi, Ladies and gentlemen. I am Jane Helson, the wife of your Ceo in the company you are working with. I took this video, to inform you all that whatever happens, you are my mass witness of his adultery towards me.. ." anunsyo ng asawa.
Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay may iba't ibang reaksyon. Nagulat ang iilan, pero tinawanan lang siya ng mga shareholders. Naguguluhan si Jane kung bakit parang hindi katulad ng iba ang mga koneksyon niya sa kumpanya. Bilang tugon, nagbigay ng pahayag si Jane sa kanila.
"At anong nakakatawa sa sinasabi ko?" sabi niya, nakikipag-usap sa grupong iyon.
Sinigawan siya ng isang lalaki roon, "Hindi na bago sa amin 'yan. Mukha ka lang tanga riyan, hahaha." Sunod-sunod silang nagtawanan habang nagagalit na si Jane.
Sinagot sila ni Jane ng, "How dare you!"
"How dare you too!" galit na sigaw ng isang lalaki na kararating lang.
Dinala ng lalaki ang mga pulis nang muling pumasok sa venue ng party. Alam na alam niya ang susunod na gagawin ng asawa. Iniligtas din niya ang okasyon para sa kaniyang mga empleyado.
"Itigil mo na ang mga kalokohang isyu mo sa akin, Jane; una at higit sa lahat, wala na akong anumang ugnayan sa iyo; kaya, itigil mo na ang kabaliwang gawain na patungkol sa akin," galit na sagot ni Jester.
"Jester, how could you—" mahinang sabi ni Jane.
Ang babae sa entablado ay pinigil at dinala kaagad sa himpilan ng pulisya. Ang pagdiriwang ng kumpanya ng pamilyang Helson ay muling naging tahimik kahit na ang pinakamahalagang bahagi ng palabas ay na-miss para kay Jester. Umuwi si Jenny nang hindi nagpapakilala sa audience. Doon na natapos ang hindi masayang gabi ng lalaki.
Samantala, umapela si Jane sa mga nakatalagang pulis ng istasyon. Sinabi niya ang lahat ngunit ang pulis ay hindi nakinig sa anumang kaniyang kadahilanan. "Miss, nahihirapan akong palabasin baka pagkatapos ay bumalik ka roon," paliwanag ng pulis. "Siguro, mas mabuting manatili ka muna rito para kasuhan ka ng iba pang mga Helson. At saka, nakalaban mo pa ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa," he added.
Sasagot na sana ang nakakulong na babae nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa paningin ng mga pulis ang mga pamilyar na mukha.
Ngumiti pa si Arianne sa kanila habang kumakain lang ng lollipop ang kasama nitong bading. Ang huling pumasok sa istasyon ay isang babaeng nakasuot ng pormal na kasuotan at nagpapalabas ng aura ng isang mayamang babae. Ngunit, siya ang unang nagsalita sa harap ni Jane at ng nakatalagang opisyal.
"Sir, name your price. I am willing to give any amount as long as you will let my friend out of this stinky cell," Lila said in a social speech.
Kumuha ng ballpen ang pulis sa kaniyang drawer at binuksan ang kaniyang logbook. Ngumiti siya at nagsabing, "Pakilista ang inyong mga pangalan upang madali para sa akin na ayusin kayong lahat sa iisang selda."
Nagpalitan nang tingin ang magkakaibigan na parang hindi makapaniwala sa narinig nilang sinabi ng lalaki. Nababahala sila na makukulong sila sa maliliit na dahilan. Dahil dito, binago nila ang tono ng pagsusumamo nila para makauwi kaagad ang kanilang kaibigan. Noong una, hindi pa nila nakumbinsi ang mga pulis. Ngunit nang magsalita ang kapatid ni Jane na si Arianne, lumambot ang puso nila.
"Sir, ang daming trahedya na pinagdaanan ng ate ko sa asawa niya. Kung ikaw ang nasa posisyon niya, tititig ka na lang ba kahit alam mong masaya ang partner mo sa iba? Kinuha ng lalaking iyon ang anak niya, at hanggang ngayon hindi pa pinakita ang bata sa kapatid ko. At kanina pa, ipapakilala na sana ni Jester ang dyowa niya sa harap ng mga empleyado niya. So, nagpakita si ate roon para makita at makilala siya ng audience bilang legal wife."
Naghintay ng tawag ang nakatalagang alagad ng batas, ngunit hindi na siya nakakatanggap ng tawag mula sa mayamang pamilya. Kaya naman, iniutos niya sa jailer na palayain ang kaibigan ng mga kumausap sa kaniya base sa kanilang tuntunin: Kung walang maiulat sa maikling panahon sa kanilang ebidensya o seryosong reklamo sa akusado, agad nilang ipapawalang-bisa ang kaniyang pagkakakulong.
Nakauwi silang lahat nang payapa, at sakto. Nang wala na sila sa istasyon ng pulis, tinawagan ni Jester ang numero ng istasyon upang tingnan ang kaniyang ipinadakip na babae. Simpleng sagot ng lalaking guard sa kaniya, "Wala na po sila. Anong oras na po? Huli na po kayo sa pagtawag sa akin."
Agad na ibinaba ni Jester ang telepono. Hating gabi na nang tumawag siya. Siya ay lasing at umiiyak. Ang tanging naisigaw na lang niya ay ang pangalang, "Jenny" sa mga oras na iyon. Mahal na mahal na niya ang babaeng iyon kaya gusto na niyang wakasan ang relasyon nila ng legal niyang asawa. Sinamahan siya ni Theo sa mga sandaling humihibik siya. Inalo siya ng kaibigan niya at sinabing, "Jester, malalampasan mo rin 'yan."
***"Nakakainis talaga ang Jester na 'yon. Ikukulong ba talaga ako? Ang kapal ng mukha!" galit na sabi ni Jane habang hinihigpitan ang hawak sa basong naglalaman ng alak.
Hindi na niya nakayanan at nabasag niya ang basong gawa sa glass. Ang kaniyang mga daliri ay namamaga at dumudugo dahil sa isang basag na sugat nito. Agad namang nagbigay ng paunang lunas ang mga kasama niya na nakatingin lamang sa kaniya. Nasaktan man siya, naggawa pa rin niyang ngumiti nang mga oras na iyon, iniisip ang mga sandaling muli niyang nalampasan ang mga hadlang sa kaniyang plano. She added, "Simula pa lang ng palabas ko, Jester. Next time, sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko!"
Nagreact si Henry sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya gusto ang ugali ng babae lately. So, naisipan niyang sabihin na, "Besh, what if you pursue your case against your husband? It's the easiest way to end this. Siguro mas preferable 'yon..."
"Ano ang ibig mong sabihin, Henry?" Sa pagitan nila, sumabat si Lila.
"I'm sorry, but I didn't mean to overthink the outcome of our plan. Nag-alala lang ako para sa kaligtasan ni Jane, at para sa ating lahat."
Tumango lang si Lila at umupo sa tabi ni Jane. Muling naging emosyonal ang malungkot na mukha ng isang ina nang makita sa kaniyang bulsa ang isang bagay na nagpaalala sa kaniya, ang pananabik sa kaniyang anak. Isang dosenang luha at higit pang tumulo mula sa kaniyang mga mata habang hinihimas ang balikat niya ng kaniyang kaibigan. Pinatulog siya ni Lila at kinantahan para sa kaniyang kaginhawaan.
***Alas onse ng umaga, naggising na lang si Jester nang tawagan siya ng isa pa niyang babae. It was Kate on the phone, inviting him to lunch. Dahil gutom na gutom na rin siya, tinanggap na lang niya ang imbitasyon.
Makalipas ang kalahating oras, nakarating na siya sa restaurant na nakalaan para lang sa mag-asawa. Pumasok siya sa loob at hinanap ang table number na binigay ni Kate sa kaniya through messenger. Pagdating niya sa reserved table, nagulat siya nang may babaeng nakaupo rito, naka-expose ang likod at kulot ang buhok. Akala niya ay bago ang ayos ng buhok ng kaniyang kasintahan, kaya umupo siya sa tabi nito
Ngunit nang humarap sa kaniya ang magandang babae, halos hindi siya makahinga nang makita ang kaaya-ayang aura ng...
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
RomanceAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...