Ang mga magulang ni Jester ay bumalik sa kanilang opisina pagkatapos dumalo sa pulong ng mga shareholder ng kumpanya. Napuno sila ng mga ideya at mungkahi tungkol sa mga isyu ng kanilang anak sa mga solusyon pagkatapos ng lahat. At ang mag-asawa ang nagpasya na makipagkita sa kanilang manugang upang pag-usapan ang tungkol sa mga papeles ng diborsyo. Sa katunayan, ang balangkas ay naplano nang mabuti, hanggang sa masigasig na pag-apruba ng pangunahing tagapagmana.
Nagmamadali ang nanay ni Jester sa napili niyang meeting location. Hindi ito klasiko, ngunit tiyak na isa itong kakaibang lokasyon na mas gusto niya. Saglit na nakatayo roon si Jane, naghihintay na lumapit ang mayamang babae na may dalang maleta. Walang ideya ang dalaga kung ano ang layunin ng pagdating ng ina ni Jester noong una. Nang mapansin niyang may abogado ang middle-aged woman, naisipan niyang baka mag-alok iyon sa kaniya ng kontrata o pera kapalit ng kaniyang pananahimik.
Habang papalapit sa kaniya ang mayamang babae, diretsong binigay sa kaniya ang isang papel na may panulat.
"Pirmahan mo kung ayaw mong makulong," sabi nito.
Nag-aalinlangan si Jane kung ano ang gagawin. Bukod sa kinilabutan sa mayamang babae, nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang papel. Alam niyang divorce paper iyon matapos niyang basahin ang pamagat nito, ngunit marahil, hindi nakahanay sa kaniyang plano na tatapusin na niya ang kaniyang paghihiganti sa pamamagitan lamang ng pagpirma sa isang kasunduan nang paghihiwalay.
That was why she said, "I don't want to sign any paper with you. At saka, sinira ng pamilya mo ang buhay ko simula nang ikasal ako sa anak mo, na hindi man lang ako pinansin. Paano ako papayag sa kaniyang gawin 'to kung hindi niya ibinalik ang best asset ko, which is my child? So, stop fooling me."
Nabulabog ang galit ni Madam Helson nang marinig ang sinabi ni Jane dahil biglang nag-transform ang awra nito sa kaniyang harapan bilang isang taong leon na babae. Nagtaas pa siya ng kilay bago sinenyasan ang kaniyang abogado na ipaliwanag ang lahat sa isa pang papel na naglalaman ng isang kasunduan sa pananalapi at pinagsamang pangangalaga ng isang bata. Kasabay nito ang pagdating ng kaniyang mga body guard na kumpleto sa armas.
Binuksan ng lalaking abogado ang mga pahina ng isang kasunod na liham at sinabing, "Ms. Jane, basahin mo ang mga pahayag na nakasulat dito. Sigurado akong makakatulong ito para sa inyong magkabilang panig. Ginawa ito ni Jester para maiwasan ang gulo sa inyong dalawa, at pareho kayong may karapatan sa anak mo. Ano pa, sa halagang limang milyon na ibibigay bilang cash gift ng Helson family, puwede ka nang magsimula ulit at maaayos mo ang buhay mo nang sakto."
Maingat na binasa ni Jane ang mga pangungusap na nakasulat sa papel. Bawat salita, binibigyang pansin niya. May iilan na pumabor sa kaniya, at may iilan na hindi niya nagustuhan. Gaya ng joint custody bilang mag-asawa para sa kanilang anak, malinaw na nakasaad sa kasunduan na si Jester ang magpapaaral at magpapalaki sa kanilang anak. Ihahanda din niya siya para sa negosyo, dahil siya ang nagsagawa sa lahat ng mga planong ginawa niya dati.
Ang tanging karapatan ng ina ay suportahan, bisitahin, at makasama ang kaniyang anak kapag pinayagan siya ng ama ng bata. Kaya, pinunit ito ni Jane. Itinaas niya ang kaniyang noo at matapang na sinagot ang abogado na may halong galit patungkol sa babaeng nasa harapan niya.
"Hindi ko na kailangang ayusin ang buhay ko dahil sa pera na 'yan. Mas maganda kung wala akong makain, basta nasa poder ko ang anak ko. Sa totoo lang, wala akong pakialam sa tatay niya, pero inagaw niya sa akin ang anak ko. Kaya, pasensya na. Ipaglalaban ko ang karapatan ko kahit ikamamatay ko pa, Mrs. Helson," matapang na sabi ni Jane na may luha sa mga mata. Tatalikod na sana siya nang binato siya ng insulto ng kausap.
"Kung ayaw mong pirmahan ang mga 'yan, well, habang buhay mong mami-miss ang anak mo kung mananatili kang ganiyan. Hindi na interesado si Jester sa 'yo, kaya 'wag ka nang umasa. Tingan mo iyang sarili mo, basura ka pa rin sa paningin ko."
Ngumiti ulit si Jane sa masungit na babae, kahit nasasaktan ang kaniyang kalooban. Galit niyang tiniis dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa mga salitang ibinabato sa kaniya. Pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay at humagalpak ng tawa. Naguguluhan ang kaharap niya kung bakit ganoon ang ugali niya. Gayunpaman, sinampal niya ito ng mga salitang mas nakakabit bago niya iwan ang mayamang babae.
"Eat your trash, Mrs. Helson," aniya habang hinahagis ang mga piraso ng papel sa mukha ng babae. Muli siyang tumawa at sinundan ng pangungusap na, "For your information, hindi ako babaeng baliw sa pag-ibig. Hindi ako katulad mo, na naluluha na sa pagmamahal sa anak mo. Sa kahibangan mo halos pinatay mo na ako roon sa tulay, remember Madam?"
Patuloy siyang tumalikod habang umuusok na sa galit ang babaeng nasa likuran niya. Nakonsensya siya sa kaniyang ginawa, kaya hindi niya sinaway si Jane. Nagdagdag din iyon ng mga puntos sa plano ni Jane na sundin.
Sa unang hakbang, sinubukan siyang sundan ni Madame at sa kasamaang palad, natapakan nito ang isang butones na bumubula ng putik. Bumuhos ang maraming putik sa buong katawan nito kaya naman humingi siya ng tulong sa kaniyang mga alalay para linisin ang kalat sa kaniyang damit. Sa dami ng dumi, tanging mukha lang ang naggawa niyang linisin. Ang baho ng dumi ay bumalot sa kaniyang buong pagkatao.
Napasigaw na lang siya, "Jaaaane? Magbabayad ka rito sa ginawa mo, bruha ka!"
Sa di kalayuan, nakangiti lang si Jane na parang natutuwa sa resulta ng kanilang palabas. Planado ang lahat. Bago pa lang siya pumayag na makipagkita kay Mrs. Helson, mayroon na silang plano ng mga kaibigan niya. Hindi naman sila nahirapan sa paggawa ng automated mud shower dahil dalubhasa rito ang boyfriend ni Arianne.
Naisip ng grupo, kung sakaling may mangyari na masama sa isa nilang kasamahan, mas mabuting paghandaan nila ang maaaring mangyari. Kaya, roon nila nakuha ang ideya na totoo rin ang sinabi ng mayamang babae kay Jane na siya ay basura. Sa kabaligtaran, ang mga salita ay bumalik sa mayamang babae.
Samantala, kinabahan naman sina Lila, Henry, at Arianne sa magiging resulta ng plano nila ni Jane. Hindi sila pumunta sa meeting place dahil maraming bodyguards sa paligid. Ang mga tauhan ni Helson ay nagmamasid sa paligid. Kaya, naghintay na lang sila sa hideout nila.
Umuwi si Jane na malungkot ang mukha, na nagkukunwaring matandang lalaki na kamukha ni Madam Helson. Pagkatok niya sa pinto ay agad itong binuksan ni Lila. Napatalon ang babae sa kaniyang nakita, sa takot na baka masaktan siya o kunin ng matandang Helson. Pero, tumawa lang si Jane at tinanggal ang plastic niyang mukha.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
RomanceAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...