Nanginginig ang tuhod ni Jane na parang hindi maintindihan ang nararamdaman. May halong selos at galit o parang inaasahan niya ang kaniyang nakita. Nakita niya sa sarili niyang mga mata ang halikan ng dalawang magkasintahan ay tila napakagandang tingnan.
"J-Jester," wika niya.
Huminga siya nang malalim, parang pinipigilan ang pag-iyak sa harap ng asawa at ng ibang babae nito. Nakatitig lang ang lalaki sa kaniya habang walang reaksyon ang kasama. Magkahawak pa rin sila ng kamay kahit may nakakita sa kanila.
"B-bakit si Kate—" mahinang sabi ni Jane habang kinuyom ang mga kamay sa pagtatangkang ilabas ang galit, pero pinigilan lang muna niya ang init ng ulo.
Hindi kinaya ng misis na makita sina Jester at Kate na nagdiwang ng kanilang anibersaryo. Napaka-social date nila noong gabing iyon, kaya nagpasya ang babae na umalis na lang sa lugar. Pagtalikod niya ay biglang sumigaw ang lalaki, "Jane?"
Malakas ang tawag ng lalaki habang tumatakbo, sa pag-aakalang maaabutan niya ang asawa, ngunit nawala na iyon sa kaniyang paningin. Noong gabing iyon, walang ibang sinisisi si Jester kundi ang sarili niya, dahil muntik nang matuklasan ang matagal na niyang itinatagong sikreto. Gayunpaman, inaliw pa rin siya ni Kate kahit papaano, para lang maibsan ang sakit ng kaniyang nararamdaman.
Nang tuluyang nakalayo na si Jane, tumigil siya habang tumutulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Ibinuhos niya sa hangin ang lahat ng hinanakit niya. Iyak siya nang iyak hanggang sa mapagod at napaupo na lang sa semento habang humahagulgol pa rin. Hinawakan niya ang wedding ring at kinuha iyon sa daliri niya.
"Nagsakripisyo ako dahil sa 'yo. Naniniwala ako sa mga nakatagong kasinungalingan mo dahil umasa akong matagpuan at maayos ko ang sarili sa 'yo. Pero, nagsisinungaling ka talaga sa akin hanggang ngayon. Kaya, mas gugustuhin kong itapon ka kaysa lumaban ng wala," buong puso niyang sinabi sabay nang hinanakit.
Inihagis niya ang singsing at nakahinga siya nang maluwag sa kaniyang napakahirap na pagsubok. Napagtanto niya sa simula pa lang ng romantikong relasyon nila ni Jester na madalas siyang pinahahalagahan ng lalaki, ngunit hindi palagi. Kahit noon pa man ay tinalikuran na niya ang kaniyang career para pakasalan si Jester at mamuhay sa marangyang pamumuhay, hindi pa rin nasuklian ng mister ang lahat ng kaniyang pagmamahal.
Siya ay humakbang pasulong, patungo sa madilim at mapanganib na daan. Huminto siya sa tulay at pinagmasdan ang malinaw na tubig. Pagkatapos, hinubad niya ang kaniyang sapatos na suot, at umakyat sa guardrail at tumalon nang akma nang walang pag-aalinlangan.
Kasabay ng pangyayaring iyon, kinuha ng mayaman na gustong makalanghap ng sariwang hangin, ang isang gintong singsing. Hindi siya masaya dahil naalala niya ang death anniversary ng yumaong asawa at nang yumuko siya ay biglang bumungad sa kaniya ang isang gintong singsing. Nagtaka siya kung saan nanggaling ang bagay na iyon, kaya tumingin muna siya sa paligid at tinanong ang mga tao roon.
"Ma'am, nawalan po ba kayo ng singsing?" tanong niya sa babaeng mag-isang nakaupo sa bench.
"Ahm... sorry, pero single pa rin ako. I don't have any rings," nakangiting sagot ng babae.
Iyon din ang tanong niya sa lahat ng naroon, lalaki at babae, ngunit walang nag-claim ng mahal na singsing. Hanggang sa napagdesisyunan niyang ilagay ito sa kaniyang ring finger. Habang iniikot niya ito, napansin niyang may nakaukit na inisyal. Dahil dito, lalo siyang na-curious kung sino ang tunay na may-ari ng singsing.
Pagkalipas ng dalawang araw, iniulat ng telebisyon ang misteryosong pagkakita ng isang mamamayan sa gitna ng dagat, malapit sa tulay ng pinuntahan ni Jane isang gabi. Naglalayag daw ang lalaking nakakita sa kaniya nang tumambad sa kaniyang bangka ang damit ng isang babae na may palasingsingan na daliri na naiwan sa bulsa ng damit. Ang daliri ay pinaghihinalaang isang by product ng pagkain ng isang endangered marine species. Ayon sa pulisya, may marka ng kagat na kasing-tiyak ng pating.
Ang balita ay napanood ng lalaking nakapulot ng singsing, at hinala niyang ang dalirng ibinalita ay maaaring daliri ng hinahanap niya. Pumunta siya sa Police Station at tinanong kung susubukan niyang sukatin ang singsing sa daliri na nakita niya sa isang damit. Pinayagan siya ng mga pulis, ngunit nang makumpirma niyang umakma ang singsing sa daliri, ginawa siyang pangunahing suspek sa insidenteng iyon.
"Sir, I'm not a criminal. I just picked this thing up somewhere and am trying to find its owner. Why did you made me her main suspect?" sabi ng mayamang lalaki.
Hindi siya pinaniwalaan ng mga awtoridad at sa halip ay ikinulong siya sa kulungan. Nakiusap pa siya sa kanila at inulit ang kaniyang paliwanag, ngunit hindi siya pinakinggan. Wala siyang naggawa kundi tanggapin ang pagkakakulong at maghintay ng isang miyembro ng pamilya na magligtas sa kaniya.
Kinabukasan, nakalaya na rin siya sa tulong ng abogado ng kaniyang pamilya dahil walang sapat na ebidensya ang pulisya sa kanilang mga alegasyon. Umuwi siya dala ang singsing at hindi pa rin nagdalawang isip na hanapin ang may-ari nito.
Sa kabilang banda, labis na nalungkot ang mga kaibigan at kamag-anak ni Jane sa sinapit ng babae. Batay sa imbestigasyon ng FBI, nakumpirma na ang mga damit ni Jane ay natagpuan sa dagat at positibo ang resulta ng kaniyang DNA sa daliring iyon. Hindi man nakita ang buong katawan ng babae ay pinagbasehan lamang nila ang mga ito, dahil inisip nila na baka kinain siya ng gutom na pating.***
"Ate... Bakit mo ako iniwan nang walang pasabi? I will miss you forever. We will also meet someday," sabi ng nakababatang kapatid ni Jane habang umiiyak sa harap ng pekeng urn ng kapatid.
Si Lila, Henry, ang nakababatang kapatid na babae ni Jane, at iba pang mga babaeng kaibigan ay nagsagawa ng seremonya ng paglilibing para sa pormal na pamamaalam ni Jane. Sila lang ang nandoon at hindi na sila nag-imbita pa ng mga kasama. Gustong dumalo ni Jester sa seremonya, ngunit hinarang siya ng mga kaibigan ni Jane.
Kumbinsido ang lalaki sa pagkamatay ng kaniyang asawa, ngunit mayroon pa rin itong tanong sa sarili: paano at saan dinala ni Jane ang kanilang anak bago ito nawala? Kumuha si Jester ng mga secret agent para hanapin ang kinaroroonan ng kaniyang anak. Ngunit, makalipas ang ilang araw, wala pa ring pahiwatig o clue mula sa kaniyang mga tauhan tungkol sa kanilang mga imbestigasyon.
Pagkatapos ng tatlong buwan,
Ang mga kritisismo ng mga miyembro ng board ay nagbigay ng pressure kay Jester. Sinubukan niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mahanap ang bata, ngunit sa kabila ng kaniyang pagsisikap, hindi pa rin niya nahanap si Jason. Dahil dito, wala siyang choice kundi maghanap ng paraan. Dahil dito, napilitan siyang gumawa ng estratehiya. Doon niya naalala si Jenny, ang love at first sight niya. Ang gusto lang niya ay magkaanak at pakasalan siya dahil hindi na bahagi ng buhay niya si Jane.
Habang umiinom siya ng kape ay may biglang tumawag sa kaniya sa phone. Unknown number ang lumabas sa screen ng phone niya, pero sinagot pa rin niya ito.
"Hello Jes, namiss mo ba ako?" tanong ng isang babae na matagal na niyang gustong marinig muli ang boses.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
RomanceAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...