Chapter 37: Isang Baso ng Wine

14 1 0
                                    

"What the fu*k! I checked this car yesterday properly, but why has it harmed me now? This is impossible," pagsisigaw niya habang tinitigan ang mga gulong ng kotse. Nakita niya ang isang vegetable vendor malapit sa kinatatayuan niya na nakatitig lang sa kotse niya dulot ng pagkabahala sa muntikan na nitong mabangga niya. Halatang nanginginig sa takot ang lalaki na napayakap na lang sa mga paninda. 
 
Inatras ni Jester ang kaniyang kotse at tiningnan kung mayroong napinsala sa alinmang bagay na pagmamay-ari ng tindero. At doon nakumpirmang wala namang nangyari. Ang problema nga lang ay may nakita siyang gasgas sa hood ng kotse niya dulot nang pagkabangga sa handrail ng kalsada. 
 
"Fuc*. My fate really tested me, ah. Ngayong nagmamadali ako, saka naman nagkaroon ng aberya. Matawagan na nga lang ang bodyguard ko para mag-ayos nito," wika niya sa sarili. 
 
Agad niyang tinawagan si Marco, ang head bodyguard niya, na matiyagang naghihintay sa labas ng kaniyang kumpanya. Alerto namang kumilos ang inutusan niya at dinalhan siya ng isang sasakyan. Dalawampung minuto siyang naghihintay bago dumating ang rescue. 
 
Pagkatapos ay nag-iwan na lang siya ng direksyon sa bodyguard niya at pinaandar na ang dinala ng kotse nito. Sa kabilang banda, nagsisi naman si Jane sa ginawa niya dahil palpak ito.
 
Naggawang lusutan ng asawa niya ang aksidenteng iyon nang hindi nasasaktan, kaya hindi pa siya kumbinsidong nagtagumpay na. Nilagyan niya ng CCTV cameras ang mga properties ng pamilya ng asawa niya, kaya makikita niya kung saan nagpupunta ang asawa niya. Ngunit, nalampasan ni Jester ang trahedya sa kabila ng hirap nito. 
 
"Bullsh*t! Kinampihan pa talaga siya ng panahon," bulyaw niya nang napakalakas. "Jester... I can still get revenge on you. Just wait for me a little longer." 
 
Nag-aalab na sa galit si Jane sa asawa niya. Naalala lang naman niya ang mga nakaraang pangyayari, dahil doon nabuhayan siya ng loob para lumaban. At naisip pa niyang, kung hindi man niya madadala sa simpleng panakot niya ay mapipilitan siyang gumawa ng biolenteng kilos upang magimbal niya iyon sa susunod niyang pagkakataon. 
 
Nang sumunod na araw, parehong iisa ang pinuntahan nina Jane at Jester na comedy club. Stress pa kasi masyado ang lalaki dahil sa matinding pinagdaanan lately, so nakipag-inuman siya kay Theo. Inaasahan niyang darating ang kabet niya roon. Subalit, tatlumpung minuto na ang nakalipas, wala pa ring Jenny ang nagpakita sa kaniya. 
 
"Where are you, Jenny? Bakit hindi ko makuntak ang phone number mo?" wika niya, habang panay on or off ng kaniyang phone. 
 
Habang siya'y balisa, ikinagagalak naman iyon ni Jane na makita sa may distansya lang. Sinadya niya talagang sundan si Jester doon para makita ang reaksyon ng lalaking pinaka-hate niya sa lahat na naghihintay lang sa kaniyang mesa sa wala. Subalit, unti-unting tumitindi ang pagkabagot ni Jester sa pagkakataong iyon. Mukhang mababasag na niya ang basong hawak sa labis na hindi mapigilang emosyon. 
 
"Wala pa rin? Bakit hindi ko makita si Jenny, budz sa panahong kailangan ko ng solusyon sa problema?" pagtatanong niya sa kaibigan. 
 
Tumikim muna si Theo ng kaunting wine bago sinabing, "Just think about that. Maybe she's just in traffic, or she had an emergency." 
 
Tumango lang si Jester, pagkunwaring iniba na ang mode niya. Uminom siya ng wine nang pagsunod-sunod hanggang sa kaya niya. Ngunit, hindi pa rin siya kuntento sa sarili. Ramdam pa rin niya ang sakit sa hindi pagsipot ni Jenny sa gabing iyon. Maya-maya pa'y naalala niya si Jane sa mga araw at panahong lugmok siya lalung-lalo na kapag may problema sa kumpanya. Nandoon ang asawa niya para samahan siya palagi. 
 
Naalaala niya sa isipan ang bawat scenario na kasama ang asawa. Ang lambingan at awayan nila ay pawang hindi maintindihan. At napasabi na lang niya sa sarili nang lumuluha, "I am sorry, Jane. I'm sorry. Kung malaya lang akong mahalin ka, ginawa ko na iyon noon pa. Subalit, hindi ako pinayagan ng pagkakataon. Sinaktan kita nang labis," pagkatapos ay umiyak dama ang sakit sa dibdib ng totohanan. 
 
Tunay ang kaniyang paghikbi. Mabuti na lamang ay kinomfort siya ni Theo at inalalayan. Sina Jester at Theo, ay sobrang emotional nang hindi naman iyon narinig ni Jane ang pag-uusap nila. Tumayo lang naman si Jane nang nakaramdam ng boredom at inakit ang lalaking nasa harapan niya malapit lang sa mesa nina Jester at Theo. 
 
"Hey, gusto n'yo bang makasama ako? I'm available," alok niya sa guwapong lalaki na interesado rin sa hubog niya. Naging maayos naman ang pag-uusap nila. 
 
Napakasweet nila sa isa't-isa at maya-maya'y may ibinulong sa kaniya ang lalaki. Pinanood lang sila ni Theo. Natulala siya, kaya naggawa niyang tapikin ang balikat ng kasama na nakatukod ang ulo na sa mesa. Sa kaunting tsansa ay napasulyap kaagad si Jester sa kanila, at halos bumulusok na ang kaniyang mga mata nang makita si Jane na may kasamang iba. Parang pinukpok ng martilyo ang kaniyang puso sa 'di niya maintidihang rason. 
 
Mas nag-init pa ang kaniyang ulo nang kasunod niyang nasaksihang hinalikan ng lalaki sa cheek, si Jane. 
 
"Anak ng— Sino siya para halikan ang asawa ko? Hey man, lumingon ka!" 
 
Tumayo siya at dahan-dahang nilapitan ang dalawang pinariringgan niya na nagdulot sa kaniya ng selos. Agad siyang sinagot ng kabila, 
 
"Who are you? Ang kapal ng mukha mo para pagsalitaan mo ako nang masama. Hoy! Wala kang asawa rito. Baliw!" 
 
Doon nagsimula ang kaguluhan. Dahil dito, natigil ang musiko. Ang ingay kasi nila ang dahilan nito. Hindi na rin maggawang magtimpi ni Jane sa pangyayari, kaya nakialam na siya sa suntukan ng dalawa. Pero bago iyon, sumipsip muna siya ng isang basong wine bago sinumbatan si Jester. 
 
"Hey man, I don't know you, so don't make a scene here. Tingnan mo, ikaw lang ang tinitigan ng mga tao rito. Hindi ka ba nahihiya? Wala kang asawa rito, kaya manigas ka. Paikutin mo iyang mga mata mo at nang klarong makita mo na ang asawa mo. Lasing ka na, kaya mas mabuting umuwi ka na," wika ni Jane sa malumanay na boses nang may halong kaunting insulto sa tono nito.
 
Tinawanan lang ng mga tao doon si Jester, at nagpatuloy ang saya. Nakatalikod din si Jane sa kan'ya sabay hawak sa kamay ng lalaking kilala niya ng isang beses pa. 
 
Kaya naman naiinis si Jester sa pagpapahiya nito, kaya sinigawan pa niya ang babae, "Hindi pa tayo hiwalay, kaya asawa pa rin kita. Pumirma ka sa kontrata kung gusto mong maghiwalay tayo ng legal." 
 
Malinaw sa pandinig ni Jane ang mga salitang iyon. Imbes na dumiretso siya sa dancefloor, ay bumalik siya sa kaniyang nilakaran. Kumuha siya ng alak sa malapit na mesa at lumapit kay Jester. Kinabahan siya sa sandaling iyon, ngunit nalampasan niya ang kaniyang takot at walang kabang hinarap ang lalaki. Wala siyang maisip na sasabihin, kaya ang una niyang ginawa ay binuhusan ng bourbon ang mukha ng asawa sa sobrang pagkagalit. 
 
"Alcohol makes you even more drunk. Wow, naaalala mo lang ang asawa mo kapag lasing ka. Best actor of the year," ani Jane. Pinalakpakan niya ang lalaki at idinagdag pa, "Remember this Jester, I will soon sign those divorce papers in your hand. Basta maghintay ka lang ng kaunting oras. Maliwanag ba iyon?" 
 
Inihagis ni Jane sa paanan ni Jester ang hawak niyang baso na naging dahilan nang pagkabasag nito. Tumalsik ang mga bubog sa binti at paa ng lalaki. Nasugatan siya nito, at nakaramdam siya ng kaunting sakit dulot ng mga basag na piraso ng salamin na tumama sa kaniyang mga binti. 
 
Agad na dumating ang waiter upang linisin ang kalat at sinabihan ang lalaki na bayaran ang kaniyang sirang gamit ng sampung beses sa presyo nito ayon sa kanilang patakaran doon. Hindi naman big deal sa kaniya ang presyo. Marami lang siyang sugat sa basag na salamin na iyon.      

My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon