Chapter 15: Trip to Canada

29 1 0
                                    

Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang pangalan ni Jester at ng anak na nakarehistro sa listahan. Naiiyak siya sa frustration, dahil kung nakarating siya nang mas maaga sa runway ay naabutan sana niya ang kan'yang mag-ama. Ang rutang nakalista roon ay patungo sa Canada, isang bansa na hindi nabisita ni Jane kahit isang beses.
 
Umuwi siya nang may mabigat na pagkabigo at  halos mawalan nang pagtitiwala sa sarili. Sinalubong siya ng kanyang ina at mga kaibigan nang makarating siya sa kanilang bahay. Napansin nilang tahimik si Jane at natanaw nila ang kaniyang aura na blangko lamang. Iyon ang sandali na nagpasya si Henry na sabihin ang katotohanan.
 
"Sorry, beshy. Kasalanan ko iyong lahat." Lumuhod ang bading habang hawak nang mahigpit ang mga kamay ng babae.
 
"Ano?" singhal na pagtatanong nang nanghihinang ina.
 
Nagsimulang tumulo ang mga luha nang pagkabalisa. Nauutal na ang bading sa sasabihin niya. Ayaw niyang ibuka ang bibig para sabihin ang totoong nangyari. Maya-maya ay lumapit si Jane sa kaniya sabay tapik sa balikat habang nakatitig sa mga mata niyang curious.
 
"I... I lead him to your son's whereabouts. I'm sorry beshy, I had no choice to—"
 
Isang malakas na sampal ang binigay nang hopeless na ina sa bading na binibigkas ang kaniyang sentensiya. Hindi napigilan ni Henry ang ginagawa ng kaibigan dahil may kasalanan siya rito. Nanginginig ang kamay ng desperadong ina pagkatapos habang nakatitig sa mukha ng bakla. Napaiyak si Henry sa ginawa ng kaibigan, saka siya iniwan ng babae at pumasok sa bahay.
 
"I'm sorry, Jane. I didn't mean to do that to you. Sana mapatawad mo ako," aniya sa sarili habang nakaluhod sa mabatong lupa.
 
Kinabukasan, nag-book si Jane ng flight papuntang Canada. Isinama niya ang kaibigang si Lila sa pag-alis upang gabayan siya sa mga ruta roon. At saka, may nobyo si Lila sa Canada, kaya madalas siyang magbakasyon sa bansang iyon. Kabisado na rin niya ang bawat Nayon, Lalawigan at iba't-ibang sulok maliit man o malalaking lugar sa buong nasabing bansa.
 
Pagdating nila sa Canada, sinundo sila ng boyfriend ni Lila sakay ng isang mamahaling sasakyan. Namangha si Jane nang makita niya ang sasakyang iyon dahil hindi niya akalaing yayamanin pala ang syota ng kaniyang kaibigan. Ibinaba sila ng lalaki sa isang lugar kung saan makikita ang isang malaking bahay na nakatayo at napakalawak ng paligid.
 
Noong una, nahihiya si Jane na pumasok sa bahay. Malapit lang ang gate dahil may mga nakatayong guwardiya habang karamihan sa mga gamit sa pagbukas ng pinto ay computerized. Nang in-unat ni Lila ang kaniyang kamay nang nakangiti, hinimok ni Jane ang sarili na huwag mahiya, sa halip ay nilalabanan ang lahat ng insecurities para sa kaniyang pangunahing layunin sa Canada.
 
Nang buksan ng nobyo ni Lila ang main door sa pamamagitan ng password sentence, nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang napakalawak ng loob nito at maraming maids ang nakapila sa bawat aisle.
 
"Lila, napakayaman ng syota mo. Bakit hindi mo sinabi na ganito ang madadatnan natin dito? Nahihiya na ako."
 
"Shut up, Jane. Mayaman din ang asawa mo. Nahihiya ba ako sa pagpunta roon sa bahay mo?"
 
"H-hindi," nauutal na sabi ni Jane.
 
Dumiretso sila sa kanilang mga silid na itinuro ng lalaki. Maluwag, puno ng appliances at home furniture, maging ang disenyo ng bawat sulok ay nakakatuwang tingnan. Bago pa man nagpaalam ang nobyo ni Lila ay may iniwan na siya sa dalawang babae.
 
"Ladies, feel free in my house. If you need anything else, just ask Divine, the lady in formal suit over there for your assistance." Tinuro ng lalaki ang mayordoma na tinutukoy niya.
 
"Sige. I would say goodbye to my love and Jane. I have to go. Marami pa akong aasikasuhin sa office. Just call and text me for emergency purposes, okay?" dagdag pa ng lalaki.
 
Tumango lang ang dalawa bilang pagsang-ayon sa lahat nang sinasabi ng lalaki. Binigyan din ng halik si Lila ng syota bago ito umalis. At sabay na silang nagpaalam sa isa't isa.
 
Habang isinasara ni Lila ang mga kurtina sa bintana, napansin niyang hindi siya tinutulungan ng kaibigan. Sa sobrang curious niya sa ginagawa ng babae ay hindi man lang siya sinamahan sa trabahong iyon. Paglingon niya ay napansin niyang hindi maganda ang pakiramdam ni Jane. Nilapitan niya iyon at kinausap.
 
"Besh, anong problema?" pagtatanong niya sa babae, habang nakatulala lang na nakatitig sa sahig. "Anong iniisip mo?" dagdag niyang tanong.
 
Sa pagkakataong iyon ay umirap ang babae at sumagot, "Wala besh, namimiss ko lang ang anak ko."
 
"Anak mo lang ba o kahit asawa mo? Napansin kong iba ang tingin mo sa boyfriend ko kanina. Parang iba ang iniisip mo. Sabihin mo nga, partner kita, what are you thinking this time?"
 
Bago pa makasagot ang babae ay tumulo na ang luha sa kaniyang mga mata. Kasabay nito ay ang panaghoy nang dalamhati. Ang kaibigan niyang iyon ay hindi marunong tumahan. Kaya, kumuha na lang siya ng tubig at pinainom si Jane.
 
"Salamat besh..." sabi ni Jane habang umiiyak pa rin.
 
"Alam mo, nagseselos ako sa inyo ng boyfriend mo. Napaka-caring niya at lagi ka niyang inaalala, samantalang ako... simula pa lang. Pakiramdam ko, hindi niya ako pinapansin. Pero, ang tanga ko pa rin. Pinipilit ko pa rin nag sarili ko sa kaniya. I want him to stay with me kahit malabo na. Huhuhuhu."
 
"Jane, hindi ka tanga. Mahal na mahal mo lang siya. Baka lang hindi kayo nagkakaintindihan o baka may problema ang asawa mo kaya hindi ka na niya napapansin."
 
Hinaplos ni Lila ang likod ng kaibigan habang patuloy na umiiyak ang babae. Pinasandal niya sa balikat, pinunasan ang luha at marahang tinapik ang balakang ng babae hanggang sa makatulog iyon.
 
Alas siyete y medya ng umaga, nang magising si Jane sa kaniyang kama, nakarinig siya nang katok mula sa labas ng pinto. Wala na si Lila sa tabi niya. Nag-iwan lang ng sulat ang kaibigan niya. Pero, bago niya mabasa ang nakasulat sa papel, binuksan niya muna ang pinto.
 
Bumungad sa kaniya ang mukha ng tatlong katulong na may bitbit na mga bagay. Pinapasok niya ang mga katulong at hinayaang ilagay ang mga inihandang pagkain sa mesa. Umalis agad sila nang walang sinasabi.
 

My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon