"Hahaha. Nabigla ka ba sa mukhang 'to, besh? Ako lang."
"Nakakatakot ka naman, Jane. Nabigla mo ako no'n ah. Pasok ka," anyaya ni Lila sa kaibigan.
Tinalakay ng mga kaibigan kung gaano kahusay ang naging resulta ng kanilang ideya. Napangiti si Jane habang inilarawan ang mga pangyayari sa kanilang pagkikita ng kaniyang biyenan. Nagbunga rin ang kanilang pagsisikap na ipaghiganti ang pamilya Helson. Gayunpaman, naalala ng babae ang mga papeles ng diborsyo na dapat niyang pirmahan. Nanginginig siya sa galit dahil hindi pa niya lubos na naipaghihigantihan ang kaniyang asawa.
"Ang kapal ng mukha ng Jester na 'yon. Naggawa pa niyang makipaghiwalay sa akin gamit ang divorce paper na iyon, kahit hindi pa niya ibinabalik ang anak ko? Pagbabayaran mo 'to. Someday, I will bring you into your worst situation," sabi ni Jane sa kaharap ng mga kasama sa bahay.
Ang paghahayag niya ay hindi naging maganda sa pandinig ng mga tagapakinig. Paanong ang kaibigan nila ay marami nang pinagdaanan na katarantaduhan na ginawa ng kaniyang asawa na katatapos lang nilang gawin ang kanilang plano, at saka sila kumuha ng divorce papers? Dahil dito, hindi nila pinayagang magpatuloy ang kahangalan ni Jester.
"Besh, kahit anong mangyari, 'wag mong pirmahan ang papel na 'yon. Lalaban tayo hanggang dulo. Nandito lang kami. Tutulungan at susuportahan ka namin," pagpapalakas ng loob ni Lila.
***Samantala, sa pag-uwi ng ina ni Jester, siya ay nagalit at naiirita. Habang nakangisi siya sa bata, nakangiting sinalubong siya ng kaniyang apo. Hindi pa rin nawawala ang pagwiwisik ng dumi sa kaniyang damit, na isa sa mga plano ng kampo ni Jane. Kung tutuusin ay kinasusuklaman niya ang dumi na dumidikit sa kaniyang katawan. Pagpasok niya sa bahay ay agad siyang naligo at naglinis ng sarili.
Nang matapos na siyang nag-ayos ng sarili, naisipan niyang tawagan ang isa niyang utusan. Ipinaliwanag niya ang kaniyang mga plano at mabilis na inorderan ang kausap.
"Dennis, ipapadala ko sa 'yo ang address na pupuntahan mo. Ihanda mo ang iyong mga alaga dahil malaking trabaho ito para sa inyo," malinaw na sabi ng mayamang babae.
Ang sagot ng kabilang linya, "Yes madam. We are always ready to serve you."
"Good. Sundin mo lang ang plano at ako na ang magdedeposito ng bayad kapag naging successful ang mission mo."
"Masusunod po, Madam."
Ibinaba niya ang telepono at humigop ng isang baso ng alak, iniisip ang mga kahihinatnan ng kaniyang diskarte. Hindi niya agad sinabi sa anak ang lahat dahil ayaw niyang maistorbo ang pamumuno ni Jester sa kumpanya. Ang katanyagan at kalidad nito ay lumago hanggang sa punto na ito ang pinakasikat at pinakamabentang kalakal sa bansa.
***Sa gabi, si Jane at ang kaniyang mga kaibigan ay natutulog nang payapa sa iisang silid. Ganoon lang sila, nagtitipon sa iisang kuwarto para protektahan ang isa't-isa. Napapaligiran nang mga tauhan ng ina ni Jester ang maliit nilang taguan. Walang kamalay-malay ang mga tao sa loob na nagkalat na pala ng gasolina ang labasan nila.
Sa kalaunan, sinindihan ng pinuno ng mga armadong lalaki ang damo ng gasolina at madali itong nasakop ang paligid. Sakto namang paihi si Henry pagkagising niya, at nakalanghap siya ng usok mula sa labas. Nagtaka siya kung bakit at saan nakapasok ang usok, kaya binuksan niya ang pinto. Laking gulat niya nang makitang nasusunog ang kanilang labasan.
Sumigaw siya, "Sunog, apoy, aaaah! Gumising kayo, mga beshies. Nasusunog ang labasan natin," pagulat na winika ng bading sa pangyayari sa paligid niya.
Agad namang naggising ang lahat ng kasama niya. Si Jane na inaapoy ng lagnat ay nahirapang imulat ang kaniyang mga mata dahil nanghihina siya. Pagod na pagod siya, kaya mataas ang lagnat niya. Tinulungan siyang tumayo nina Arianne at Lila at kumuha sila ng kumot, ibinabad ito sa tubig, at nagtalukbong palabas ng bahay.
Nakalanghap sila ng kaunting usok, ngunit sa kabutihang palad ay nakaligtas sila sa nagliliyab na apoy. Nang nasa malayo na sila, sumigaw si Jane, "Aaah... Bul*hit talaga! Kahit anong gawin ko, sinisira nila ako. Jester, sana mamatay ka na kasama iyang pamilya mo!" galit niyang sabi.
Napaiyak silang lahat sa nangyari sa kanila. Hindi sana matatanggap ng bading ang malapit niyang kamatayan doon kung hindi lang siya naggising, siguro lahat sila ay nagiging abo. Kaya naman, iba ang naging reaksyon niya sa reklamo ni Lila.
"Paano na kami, Jane. We don't have a place to stay now. My boyfriend and I built this small cabin," ani ni Lila na nag-aalalang may kaunting hinanakit sa pangyayari.
Nang marinig iyon ni Henry ay agad siyang nag-react, "Exactly Besh Lila. Lahat ng hindi magandang nangyari sa atin ay may kinalaman sa ginawa natin sa mga kalaban ni Jane sa buhay. Ano pa ang susunod na mangyayari sa atin?"
Iba ang tono ng usapan nila. Ang dalawang indibiduwal na iyon ay nagsalita nang higit pa bilang paninisi kay Jane. Gayunpaman, nagbibgi-bingihan ang babae dahil sa kaniyang sakit. Hindi nakatiis si Arianne na nakisali na siya sa usapan.
"You two must stop talking about my elder sister. Akala ko hindi ni'yo kami iiwan, whatever happened, pero bakit parang ang bilis ninyong nagbago sa simpleng problemang ito?"
"Simple lang ba, Arianne? Marami pa akong pangarap sa buhay kasama ang pamilya ko. Pag-asa lang naman nila ako. Ayoko pang mamatay," sagot ni Henry na trauma pa rin sa apoy na iyon.
Pinutol ni Jane ang kanilang pag-uusap at pinatahimik muna sila. Hindi pinansin ni Lila at Henry ang kaniyang mga salita at sa halip ay iniwan sila roon. Walang sumagip o tumulong sa kanila. Nagyakapan lang ang magkapatid at umiyak ramdam ang sakit. Wala silang ginawa kundi manatili roon at tiisin ang pangyayari, dahil wala silang matitirhan na malapit. Malalim na ang gabi, at madilim na sa daan, baka mapahamak sila kung hahabulin nilang maglakad at makahanap ng masisilungan.
Kinabukasan, pumunta roon ang boyfriend ni Arianne at dinala sila sa condominium ng lalaki. Maliit lang ang condo unit ni Allan pero kasya sila roon. Kumportable ang magkapatid doon noon at nanatili nang panandalian. Si Arianne ang nag-aalaga sa kaniyang ate dahil hindi pa rin humupa ang lagnat nito. Doon sila namalagi ng dalawang araw at nang lumakas ang kalusugan ni Jane, naghanap sila ng condo unit at doon sila tumira pansamantala.
Makalipas ang ilang araw, unti-unting nauubos ang ipon ni Jane sa ATM. Nagtitipid na sila sa pang-araw-araw nilang konsumo bilang magkakapatid. Umaasa muna si Jane sa suweldo ng kaniyang kapatid noong panahong iyon habang nag-aaplay pa siya ng trabaho. Bumagsak siya sa kan'yang aplikasyon dahil walang kinalaman ang trabaho sa kan'yang kurso. Ayaw na rin niyang bumalik sa pagkapulis dahil marami siyang alaala noon at gusto niyang sumubok ng ibang larangan.
Bagama't marami siyang tinanggihang aplikasyon, mayroon ding ilang kumpanya na interesado sa kan'ya. She was seen as a qualified applicant kung saan nasubok ang kaniyang tapang at diskarte, kaya iyon ang naging dahilan para matanggap siya sa isang kumpanya. Inilagay siya sa isang law firm dahil may kaalaman din siya sa mga batas. Buong-buo niyang tinanggap ang trabaho at niyakap ang bagong kapaligirang pinasok niya.
Gayunpaman, inutusan pa rin siya ng kaniyang amo na kumuha ng ilang yunit sa law ng libre, para sa kaniyang makuha ang legibility nito.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
RomanceAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...