Tahimik lang akong nakaupo sa kulay itim na sofa katabi ang aking inay, nakapatong sa hita ko ang bag ko na may lamang mga damit ganun din si inay. Tumingala ako at sa kaloob looban ay nagtatalon na sa pagkamangha, ang laki ng bahay na titirhan namin ni inay simula ngayon may malaking ilaw na nakasabit sa itaas at napapalibutan nang mga diamonds na kumikinang, may dalawang hagdan sa magkabilang gilid ng wall kaya kapag may dalawang taong baba sa magkabilaang hagdan ay kapag nasa baba na sila magkakasalubong sila. Maganda ang sofa na kinauupuan namin kanina nga ay parang ayoko pang umupo dahil baka madumihan lang ang sofa nakakahiya naman lalo na at hindi maganda ang kasuotan ko, naka simpleng tshirt lang akong puti at shorts na hanggang tuhod.
Ang laki ng pagkakaiba ng bahay namin sa bahay na ito, parang yung sa bahay namin langgam lang at ang bahay na ito ay dambuhala ngunit hindi ko naman kinahihiya ang tinitirhan namin ni inay noon dahil kahit maliit man ang bahay namin nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw galing sa magandang trabaho ni inay na taga gawa ng tsinelas habang ako kapag walang pasok ay nagbebenta ng turon o di kaya ay lumpia na gawa ko.
May isang babaeng naglapag ng juice sa harap namin at nginitian kami ni inay kaya ngumiti kami pabalik, umalis na ito kaya naiwan nanaman kami ni inay sa malaking sala na kasya na ata ang isang buong barangay.
Sa ilang minutong paghihintay dumating na din ang hinihintay namin, tumayo ang inay at sinalubong ng yakap ang kakapasok palang sa pintuan, nakangiti ang dalawa kitang kita ang saya sa mga mata nila, marunong talagang pumili ang inay akala ko ay mapupunta nanaman siya sa lasinggero o di kaya ay basugulero.
Uncle Rick ang pangalan ng kasintahan ni inay ngayon at siya ang may ari ng napakalaking bahay na ito, ang kwento ni inay sa akin ay limang buwan na siyang nililigawan ni Uncle Rick, nagkita daw sila sa simbahan kung saan doon ang pwesto ni inay sa paggawa ng mga tsinelas, nung una akala ni inay pinandidirian na siya nito dahil sa uri ng tinging ibinibigay sa kaniya pero nagulat nalang siya nang araw araw na daw nagtutungo si Uncle Rick sa simbahan at pupwesto kung saan nakikita niya ang inay, dalawang linggo na itong pabalik balik hanggang umulan daw ng malakas kasabay ng pagkasira ng sapatos ni Uncle Rick dahil mabait ang inay binigay nalang niya ng libre ang bagong gawang tsinelas dito at doon na nagsimula ang lahat.
Ang tawag ko nga sa love story nila ay "ang tsinelas."
"I'm very sorry hindi ko kayo nasundo" lumapit sakin si Uncle Rick at niyakap ako
"Pinasundo mo naman kami kaya wala nang problema" sabi ni inay
"Ang laki na ng anak mo Solenn at kamukhang kamukha mo" napayuko ako dahil sa hiya
Isang taon na nung last naming pagkikita ni Uncle Rick, hindi ata siya tumatanda, malinis ang pagkakagupit sa itim na buhok, kulay asul ang mata, matipuno at maganda ang ngiti niya. nakakahawa.
"Gusto mo na bang makita ang kwarto mo? para makapagpahinga ka na din" ani nito sakin
Tumingin ako kay inay na nakangiti
Nahihiya ako, ang bango bango kasi niya, nahiya tuloy ako dahil hindi ako naligo nang pumunta kami dito ni inay dahil sa pagmamadali, palihim kong inamoy ang sarili buti nalang ay wala akong amoy sa katawan.
Tinawag ni Uncle Rick ang isang katulong
"Samahan mo si Noah sa kwarto niya"