Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan ng makarinig nang mga tawanan sa baba, i bend my knees at humawak sa gilid upang silipin kung sino ang mga bisita ni Kuya August, si Kuya Simon, Kuya Alex at Kuya Christ....at may dalawa silang kasamang babae, bakit kailangan pa nilang magdala ng babae kapag pupunta sila dito? Hindi ba nila kayang hindi magsama ng babae?
Pinagpatuloy ko na ang pagbaba ng hagdan, napatigil si Kuya Alex nang makita ako, napangiwi ako ng hilahin niya ako at mahigpit na niyakap....na miss ata niya ako, i tap his shoulders dahil sa higpit ng yakap niya hindi na ako makahinga, matapos niya akong yakapin ay ginulo naman ni Kuya Christ ang buhok ko habang si Kuya Simon ay hindi man lang ako tinignan.
He's busy facing his phone.
Baka may katext
Tinanguan at tipid kong nginitian yung mga babaeng nakaupo sa sofa, bahala sila diyan...hindi ko na kailangan pang magsayang ng oras sa mga taong halatang pinipilit ang sarili na magustuhan ka, halata naman sa mga mukha nila na naistorbo ang pag tatawanan nila dahil bumaba ako, pumunta kaya sila sa comedy bar.
"Tumatangkad ka!" Sabi ni Kuya Alex "matatangkaran mo na ako"
Sinungaling.....
Ilang talon pa ang kailangan kong gawin sa New Year para ma achieve ko ganiyang tangkad nila.
"Magbabakasyon din po ba kayo dito?" Tanong ko
"Birthdaty ni Christ bukas dito na lang kami mag c-celebrate, hindi kasi maaya si August pumunta Manila...." sinulyapan nito si Kuya August na sumisimsim sa kape "kaya naman pala ayaw" ngumisi ito
"Birthday ko bukas" sabi sakin ni Kuya Christ
"Advance happy birthday po" bati ko
Ngumiti ito kita na ang gilagid, mukhang ang happy niya ngayon sabagay birthday niya bukas dapat kailangan masaya lang.
Sabay sabay na kaming kumain ng tanghalian, katabi ko si Kuya August at sa kabilang tabi ko naman ay si Kuya Simon, si Kuya Alex at Kuya Christ ay nasa harapan namin, yung dalawang babae katabi ni Kuya August at Kuya Christ.
Mahalagang paalala lang po mga binibini, nasa harap po tayo ng mga pagkain wag sanang magkalat ng malas, respesto naman po at mamaya na kayo makipaglandian sa mga lalaking yan dahil masagana silang kumakain----sinamaan ko ng tingin si Kuya August ng kainin niya din ang nilapag ng babaeng katabi na karne sa plato niya.
Sunod sunod ang subo ko dahil gusto ko ng makaalis dito, umiiba ihip ng hangin eh
Binaba ko ang tinidor at kutsara
"Tapos na po ako kumain, aakyat na po ako" paalam ko sa kanila
"Ang unti ng kinain mo" hinawakan ni Kuya August ang kamay ko at marahang iginaya papaupo
"Damihan mo kain mo para hindi mag alala si Kuya August" sa huling sinabi ni Kuya Alex may halong meaning
Kumunot ang noo ko, kanina pa siya ah....
"Alex!" Saway ni Kuya August sa kaniya
"Busog na ako" itinago ko ang inis na nararamdaman at inalis ang pagkakahawak niya sa akin "inaantok pa ako kaya aakyat na ako"