Chapter 6

1.1K 99 6
                                    

Iniwan ko na sa loob ng sasakyan ang backpack ko at kasabay na pumasok si Kuya Yvo sa loob, mini party lang talaga dahil puro coke in can ang nasa mahabang lamesa at mga chichirya. May tatlong claw machines sa gilid at may nakasabit din na ring sa wall kung saan may isang lalaking naglalaro doon, iginaya ako ni Kuya Yvo sa sofa umupo ako doon at inipit ang dalawang kamay sa ilalim ng lap ko, may mga babae na nasa labas kitang kita ko sila dito dahil transparent ang isa sa mga walls ng bahay na to, may Jacuzzi sa labas at pool na kasya ang walong katao. Napasunod ang tingin ko sa girlfriend ni kuya August na lumabas ng isang kwarto kasama ang girlfriend ni Kuya Christ naka bikini na ang dalawa at nagtatawanan papalabas at sumali sa mga kapwa babaeng nasa Jacuzzi.








Napaigtad ako ng maghiyawan ang dalawang lalaki na nasa harapan ko, naglalaro sila ng dart game at naka bullseye.








"No alcoholic drinks for him" tinuro ako ni Kuya Yvo "by the way he's my little brother Noah"







Pagpapakilala niya sakin sa lahat ng mga lalaki dito sa loob, nginitian at kinawayan nila ako kaya ngumiti ako pabalik. Ako lang ang bata dito, nangako naman si Kuya Yvo na uuwi kami ng maaga.







"Hi, Noah right?" lumapit sakin ang isang babae na naka hoodie at sa ilalim nun ay bikini, umupo siya sa tabi ko







Lumayo ako unti upang bigyan ng espasyo ang gitna, natawa ito sa ginawa ko.







"Huwag kang matakot hindi ako nangangagat" ang lambing ng boses niya ang sarap pakinggan "Im Rose, first time?"








"Po?"








She chuckled "first time mo lang bang makadalo sa party? you look lost"








Tumango ako







"Wala talagang magawang maganda ang mga lalaking iyon" nailing niyang sabi, sila Kuya Yvo ba ang tinutukoy niya? "here" kinuha ko ang binigay niyang coke in can








Pareho naming nilingon ang labas dahil nagtilian ang mga babae, doon ko na kita sila Kuya August pati na din ang mga kaibigan nito na nakikipaghabulan sa mga babae ang iba ay may karga karga nang mga babae at tumatalon sila sa pool, bati na ata si Kuya August pati ang girlfriend niya dahil nagtatawanan na sila at naghahalikan. Umupo si Kuya Yvo sa harapan namin at kinausap si Ate Rose at nalaman ko na binusted pala ni Ate Rosw si Kuya pero magkaibigan nalang daw sila ngayon hindi naman sinabi kung ano ang dahilan at binusted niya ito ayoko ding magtanong dahil ayokong pagkamalang chismoso.








Sumimsim ako sa hawak at pinalobo ang pisngi







"Yvo, chess tayo" aya ng isa sa mga lalaking nandito sa loob








"Pass" Kuya Yvo said







"Play with your friends"







"Play with your friends" balik na sabi ni Kuya Yvo kay Ate Rose







"Im going home, tatlong oras na akong nandito and im a law student so yeah im busy" tumayo si Ate Rose "bye Noah, have fun" kinindatan niya ako







Anong oras uuwi si Kuya Yvo? gusto ko nang umuwi dahil wala naman akong magawa dito at hindi ako sanay sa ganitong lugar, nasa backpack yung cellphone ko kaya hindi ko magawang iabala ang sarili sa panonood sa youtube, napakamot ako sa likod ng ulo bago tumayo at naglakad patungo sa sliding door sumandal ako sa gilid at pinanood na lamang ang mga nagkakasiyahang mga tao.







Stolen HeartWhere stories live. Discover now