Chapter 14

1K 78 3
                                    

May sakit ako ngayon kaya hindi ako pinayagan ni inay na makapasok ng school, nilutuan niya ako ng lugaw at tinimplahan ng calamansi juice dahil inuubo din ako, ok pa naman ako kagabi magkasama pa kami ni Kuya August na nanonood ng spongebob at malakas pa naman ang energy ko pero nang magising ako kaninang umaga umikot ang buong paligid at may mga black dots akong nakikita, sumakit din ang ulo ko baka siguro dahil ito nung isang araw, nabasa ako ng ulan.






Sana hindi mahawa si Kuya August sakin, dahil magkatabi kami matulog kagabi tsaka siya ang nagpaalam kay inay na may lagnat ako, hindi din sana siya papasok upang samahan ako kaso nagalit si inay sa kaniya at pinagsabihan. Ayaw kasi ni inay na umabsent si Kuya August lalo na at college na siya hindi na highschool student.






Hindi matigil ang pagpatak ng ulan pero mahina nalang iyon, ayon sa balita marami ang nasiraan ng bahay dahil sa malakas na hangin at baha na dulot ng bagyo hindi pa alam kung kailan titigil kaya kailangan laging maging alerto at handa sa mga susunod na araw, buti nalang hindi nababaha ang bahay na ito at hindi nawawalan ng kuryente.







Naalala ko noon na kawawa kami ni inay kapag sobrang lakas ng bagyo, tumutulo sa loob ng bahay kaya nababasa mga gamit at minsan kama namin, pumapasok din ang tubig sa loob ng bahay noon kaya maputik at hirap naming linisan.






"Noah, matulog ka na bakit nakadilat pa yang mata mo? Kailangan mo magpahinga para naman magkaroon ka ng lakas" pinahiga ako ni inay at kinumutan ang buong katawan "mamaya gigisingin nalang kita kapag iinom ng gamot"






"Inay kaya ko na po ang sarili ko"







"Ayaw mo na bang inaalagaan kita? Kung hinahayaan kita ngayon baka hindi ako mapakali"







Hinaplos nito ang pisngi ko at hinalikan ang aking noo, napaswerte ko talaga sa kaniya.







"Lumabas ka na inay baka mahawa pa kita"








Tumawa ito at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga







"Matulog ka na"







Tumango ako at tumagilid, bibisita ba mamaya si Kuya August? Dito ba siya matutulog? Pero baka mahawa lang siya kapag bumisita siya, itutulog ko nalang to dahil nararamdaman ko nanaman ang pagsakit ng ulo ko, sana naman gumaling na ako mamaya para makapasok bukas.






"Sino sa mga characters ng Spongebob yung pinaka gusto mo?" Tanong sakin ni Kuya August habang sinasalpak ang CD na spongebob




Nilapag ko ang throw pillow sa ibabaw ng lap at pinagdikit ang palad






"Gusto ko po si Spongebob"






"Maliban kay Spongebob?" Patakbong lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko





"Siguro po si Squidward" nagkatinginan kami "sino po gusto niyo?"




"Plankton, wanna know why? Gusto ko malaman ang laman ng secret formula" tinaas baba nito ang dalawang kilay





He spread his arms over the back rest, napasulyap ako sa braso niyang halos nasa balikat ko na, namula ako at nag iwas ng tingin. Tinuon ko ang buong atensyon sa flat screen nang magsimula na ang Spongebob.





Natatawa ito kapag naririnig ang tawa ni Spongebob kapag si Plankton naman ang nalabas sa screen ay titignan niya ako at parang mayabang na pinakikilala sakin kung sino ang paborito niyang characters sa Spongebob.





Stolen HeartWhere stories live. Discover now