"It's Yvo, are you ready?" Bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Kuya Yvo
"Ready na po" kagabi pa
"8am bumaba ka na aalis na tayo" gumawa siya ng korteng baril gamit ang hinlalaki at hintuturo at pabirong pinatamaan ako "boom"
He chuckled at sinarado na ang pinto, napakamot ako sa ulo, minsan hindi ko na maintindihan ang mga pinagagawa ni Kuya Yvo pero kahit na ganun sobrang bait niya at inaalagaan ako ng mabuti at tinuturing talagang kapatid, he's everyone's light. Swerte ang magiging girlfriend ni Kuya Yvo dahil nasa kaniya na ang lahat, gwapo, matangkad, matalino, mabait.
Sinuot ko na ang backpack ko at tinignan ang sarili sa salamin, im wearing a pink tshirt na may disenyong isang character ng lego at puting shorts, naka sandals ako at may puting cap din na suot. Excited na akong pumunta sa beach! Nakakamiss mag beach eh, doon kasi sa probinsiya once in a blue moon lang kami mag beach ni inay yung last nung birthday ko last year at hindi na nasundan pa, open ang paliguan doon sa probinsiya kaya maraming mga naliligo karamihan ay mga dayo at mga bata.
Lumabas na ako ng bahay at may malaking van sa harapan ko, tinapik ni Kuya Alex ang balikat ko bago pumasok sa loob ng van, ang laki.....ang taas.....ngayon lang ako nakakita ng higanteng van, ilan ang upuan sa loob? Baka madami! Napangiti ako at umakyat pa sa mini stairs upang makapasok sa loob, si Kuya Stephen ata ang driver namin ngayon dahil nakaupo siya sa driver seat at chinecheck ang manibela, sino kaya ang may ari nito?
May pinto sa tabi ng driver seat at sinabihan ako ni Kuya Stephen na buksan ko iyon para makapasok ako sa loob, nagpasalamat ako at binuksan na nga.
My jaw dropped.
May dalawang bunk bed sa magkabilaang side ng van at medyo sa dulo iyon nakapwesto, may kusina, may kainan, may mahabang couch na up and down parang bunk bed lang din at may mini chandelier sa kisame pagitan ng dalawang bunk bed may hagdan din patungo sa itaas at nang silipin ko kung ano ang meron doon ay may kama na hugis bilog at flat screen.
Pinakita sakin ni Kuya Alex ang maliit na cubicle sa itaas lang din ng van, kami palang tatlo ang nandito sa loob ng van dahil nasa loob pa ang iba, binuksan ko ang maliit na ref katabi ng mini kitchen at kumuha ng gatas na nasa babasaging bote na good for only one person.
"Isasama ba ni Christ si Chantel?" Kuya Alex asked Kuya Stephen
"Hindi mo ba nakita kanina? Mag kasama silang dalawa, kaya isasama niya yun." Sagot ni Kuya Stephen "Steel! Get in! This punk tsk"
Pumasok ang batang mini version ni Kuya Stephen, halatang pasaway ito dahil sa uri ng ngiting binibigay sa nakakatandang kapatid. Nakasuot siya ng tshirt na itim at jogging pants, kagaya ko may sumbrero din ito at backpack ang gamit.
"Hindi pa naman aalis, excited" bulong nito sa sarili na narinig ko naman dahil tumabi siya sa akin "im Steel, ikaw pala yung kinukwento ni Kuya Stephen sakin, Noah diba? Buti naman may kasama na akong kaedad ko dito"
"Hello"
"Huwag kang mahiya sakin" siniko niya ako at inagaw ang bote ng gatas na hawak ko "pahingi ah? Parehas naman tayong lalaki"
Ang daldal niya, makulit ang tono ng boses halatang sakit ng ulo ng mga magulang hehehehe, naalala ko tuloy yung mga kaibigan ko sa probinsiya na hindi din nauubusan ng salita laging madaldal at may mga birong dala.