"Kulang tayo ng karne!" sigaw ni Kuya Stephen na nasa kusina
Nakapameywang si Kuya Christ na lumapit sa pwesto namin ni Steel, may dinukot ito sa likod ng bulsa at kumuha ng limang libo sa wallet at binigay sa aming dalawa, napataas si Steel ng isang kilay habang ako naman ay nagtatakang tinignan ang pera.
"Kayo na bumili ng karne sa bayan, mag bike kayo...." utos nito
"Busy kami" ngumuso si Steel at humiga sa sofa "papadilim na din, sila Dandilia nalang may kotse naman"
"Excuse me? lalabas kami at bibili sa bayan ng ganitong oras? paano kung may bumastos sa amin?" nanlalaking matang sabi ni Dandilia kasama ang mga kaibigan na nasa pool side katabi lang ng salang ito
"Sige na" sinipa ni Kuya Stephen ang tuhod ng kapatid "para maluto na"
"Ayoko, pagod ako" mas nilubog ni Steel ang katawan sa sofa
May after party kasi si Ate Pepper at gaganapin sa pool side, gusto ng mga boys na sila ang magluto ng kakainin at sila ang mag iihaw ng BBQ para naman may magawa sila. Ngayon ko lang nasilayan na sama sama silang nagtutulungang magluto sa kusina kaso makalat sila, puno na yung sink ng mga hugasin at nagkalat ang mga ingredients sa mahabang table, tumayo na ako at tinignan si Steel uiling ito at pinababalik ako sa pagkakaupo, gusto niyang gayahin ko siya pero kami nalang kasi ni Steel ang walang ginagawa nakakahiya naman kapag nakaupo lang kami habang busy ang lahat.
Inalis ni Kuya Simon ang suot na jacket at pinatong sa balikat ko nagpasalamat naman ako at tumakbo papunta sa likod ng bahay, pinili ko muli ang pulang bike at nagpedal na...
Binuksan ang gate ng makita akong lalabas, papadilim na buti nalang ay may mga lamp post para naman magkaroon ng ilaw ang daan at iwas na din sa disgrasya. Habang nag pe-pedal ay sinalpak ko ang headset sa tenga gamit ang isang kamay at pinili ng magandang kanta para mabawasan ang pagkatahamik ng paligid, habang nakikinig ay sumisipol ako at napapasabay sa kanta.
Mabilis ang pagpedal ko kaya nakarating kaagad ako sa bayan, pinabantayan ko ang bike na gamit sa babaeng nagtitinda ng kakanin bago ko hinanap ang bilihan ng karne.
Kagat labing napatingin ako sa paligid, ang daming carinderia at lahat iyon ay puno ng mga tao, may mga nag iinoman at nagkakantahan.
Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang na dalawang babae sa akin yung isa ay dalaga habang yung kasama niya ay may edad na, pareho silang nakasuot ng pekpek shorts at strapless na damit, naka hoop earrings din sila at nakalugay ang mahahabang buhok.
"Saan niyo ako dadalhin?" hinawakan nung matanda yung braso ko at dahan dahan akong hinihila