Chapter 15

951 75 10
                                    

"Apat na araw kang absent, Mr. Toledo" napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagharang ni Ms. Ramos sa daan





Kakalabas lang niya ng kaniyang opisina ako naman ay papasok na sa classroom, apat na araw na akong hindi nakakapasok kahit kahapon ay magaling na ako pero pinilit ni inay na magpahinga muna ako ng isang araw upang hindi mabinat, salamat kay Kuya August dahil nagbibigay siya sakin ng notes tungkol sa mga na missed kong lessons habang absent pa ako, kung hindi dahil sa kaniya baka humabol ako.





Bumati ako ng magandang umaga kay Ms. Ramos at i-explain na sana ang dahilan ng pag absent ko ng sabihin nito na alam na niya dahil sinabi sa kaniya ni Kuya August at Kuya Yvo, ngumiti naman ako at sabay kaming dalawa na nagtungo sa classroom.





Natahimik ang classroom ng pumasok kami, nagsibalikan na ang mga nakatayong estudyante sa kanilang mga upuan at ang iba naman ay pinagpupulot ang mga paper planes at crumpled paper na nasa sahig at teacher deak, napailing nalang si Ms. Ramos sa nasaksikhang kalat.






Pinanliitan ako ng mata ni Maddy habang si Dandilia naman ay tinaasan ako ng kilay, umupo na ako sa upuan at inayos ang sarili, nagsimula na ang klase, halos unti lang ang nakikinig kasama na ako doon, patang pumasok lang sila para makipag kwentuhan at makita ang mga kaibigan.





Lahat ng nakapwesto sa tabi ng bintana ay nakatingin sa labas ng bintana at pinapanood ang mga estudyanteng nasa field, nasa harapan ang blackboard. May mga palihim pang kumakain, nagkekwentuhan at nag c-cellphone.





Tumalikod si Ms. Ramos at nagsulat sa blackboard.





"Are you secretly dating someone that's why absent ka ng apat na araw?" Masungit na tanong sakin ni Maddy "may pumapatol sayo?" Mapangutya ang tono nito





I cleared my throat at pinigilan ito sa pagkuha nanaman ng notes ko.





"Makinig ka kay Ms. Ramos baka pagalitan ka nanaman" kalmado kong sabi





Nanlaki ang mata nito at kinuha ang kamay niyang hawak hawak ko na pala.





"Stop touching me!" She hissed






Tumalikod na ito, nahuli ko naman si Dandilia na nakatingin samin habang may nakaguhit na ngisi sa labi tila nagugustuhan ang nakikita. Matapos ang klase, may kaniya kaniya nanamang mundo ang mga nasa paligid ko, pinasok ko sa loob ng bag ang notebook at pen bago tumayo at lumabas ng classroom pero humarang ang grupo ni Dandilia, napaatras ako pero may nabangga naman ako sa likuran at nang sulyapan ko kung sino yun si Maddy at ang kaniyang grupo.






Masama ang tingin nito sa pinsan, mag aaway nanaman ata sila. Nakaharang ako.





Gumilid ako at nagbabalak na sa kabila nalang harapan nalang lumabas pero nagsalita si Dandilia.





"You know what my ginger Noah, my cousin really likes you, nagseselos siya kasi akala niya you're dating someone na" nakangusong sabi ni Dandilia habang nakatingin kay Maddy





"Are you kidding me? Saan mo naman napulot yang mga sinasabi mo? Sa basura? Oh well salitang basura ay nababagay sa mga taong basura" Maddy





"Anong sabi mo?!" Humakbang si Dandilia papalapit kay Maddy ganun din ang ginawa nito





"Don't make me repeat what i've said Dandilia baka umiyak ka pa" pang aasar na sabi ni Maddy





Stolen HeartWhere stories live. Discover now