"Are you ok?" Kuya Yvo asked while fixing his car
It's Sunday kakagaling lang din namin sa church sa labas na din kami kumain, patalikod akong umupo sa upuan na nakaharap kay Kuya Yvo, Kuya Yvo came out while laying on the board with wheels. He's wearing a boxer and he is topless. Nagkatinginan kaming dalawa at muli niyang ginulong papasok sa ilalim ng kotse ang hinihigaan, bumuntong hininga ako at inaabot ang mga pinapaabot niya sakin, wala akong magawa kaya pinili ko nalang na tulungan si Kuya Yvo, hindi nag aya si Steel dahil grounded siya ni Kuya Stephen, nahuli kasi na may kahalikang babae sa loob ng school.
Isang linggo nalang birthday ko na, kinausap ako ni Inay at Uncle Rick kung ano ang gusto kong mangyari sa kaarawan ko at sinabi ko na kahit kunting salo salo lang at iimbitahan ko mga kaibigan ni Kuya August at mga kaibigan ko. Hindi ko naman hinahangad na magkaroon ng eleganteng kaarawan ang gusto ko lang makasama yung mga taong napamahal na sakin, sasama kaya si Kuya August? tinext ko na siya about doon pero wala pa naman siyang paramdam, Sila Kuya Alex nalang ang napunta dito sa bahay.
Matapos kong tumulong kay Kuya Yvo pumasok na ako sa loob ng bahay at nginitian si Eloisa na naghatid ng juice kay Uncle Rick na nakaupo sa sofa dito sa sala, nagbabasa ito ng dyaryo.
"Noah" umupo si Inay sa tabi ni Uncle Rick at sinenyasan akong lumapit
Nilapag ni Inay ang mga envelope na kulay asul sa ibabaw ng lamesa, tinaas ko ang dalawang kilay at kumuha ng isa bago binuksan, ohh it's an invitation.
"Gusto mo bang ikaw na ang magbigay niyan sa mga iimbitahan mo?" mahinahong tanong ni Inay
"That's a nice idea, para masanay sa labas si Noah" segunda ni Uncle Rick
Dinampot ko na ang mga invitation card
"Kaya mo ba?" Inay
"Kaya po"
Patakbo kong tinungo ang kwarto at nagbihis, tinernuhan ko ang puting tshirt ng shorts na hanggang tuhod, nilagay ko ang mga cards sa sling bag na kulay itim at nagsuot na ako ng flat shoes. Nagpaalam na ako at sumakay sa kotse nila Uncle Rick siya ang maghahatid sa akin sa mga bahay ng pagbibigyan ko ng mga cards, tahimik lang akong nakaupo sa backseat habang nakikinig sa radio ng kotse, una naming pinuntahan ang bahay ni Kuya Simon pinagbuksan niya ako ng gate ng pindutin ko ang doorbell at tanging jogging pants lang ang suot niya at halatang kakagising dahil magulo ang buhok at medyo maga ang mata.
"What's this?" he asked
"Invitation card po para sa kaarawan ko"
He hummed
"Thanks"
Napatagal ang pag stay namin sa bahay ni Kuya Stephen dahil kay Steel na ayaw akong paalisin, matapos ang pagbibigay ng mga cards ay tinignan ko kung ilan nalang ang nasa loob ng sling bag at dalawa nalang ang natitira, kay Dandilia at Kuya August nalang. Sumandal ako sa kinauupuan at pinuntahan na ang bahay nila Dandilia gaya ng ginawa ko sa ilang bahay na pinuntahan pinindot ko yung doorbell at yung katulong nila ang nagbukas, sinabi ko ang pangalan ko kaya tumango ito at pinapasok na ako