Chapter 25

931 77 20
                                    

Four hours ang haba ng biyahe at nang makarating kami ni Kuya Yvo sa destinasyon namin ay magkaakbay naming tinungo ang loob ng malaking bahay, may tatlong katulong na nakahilera sa harapan ng pintuan at iginaya kami sa sala, hindi ko alam kung saan lupalop ng mundo itong pinuntahan namin hindi ko naman natanong kay Kuya Yvo kanina sa biyahe dahil nakatulog ako, anong oras na kasi kami natulog ni Steel kagabi dahil nanood kami ng Lord of the rings at lumabas pa para bumili ng ice cream sa seven eleven malapit lang sa condo naming dalawa.










Humihikab kong inalis ang aviators at isinabit sa polo ko, hindi nagtagal ay sinabi sa amin na nasa bukid daw ang lahat kaya walang tao dito sa loob ng bahay, ngayon ko lang din narealize na maliban sa mga katulong kami lang ni Kuya Yvo ang nandito, doon na daw nagluto ang mga taong hindi ko naman kilala sa bukid sila kakain ng tanghalian, tinapik ni Kuya Yvo ang hita ko.









"Pumunta tayo sa bukid" yaya nito sa akin









"May mga bike po sa likod ng bahay gamitin niyo po  iyon upang magtungo sa bukid, nagamit na po kasi yung mga garong" wika ng katulong









Kinuha nila ang mga dala naming gamit, umiling ako ng magtama ang mata namin ni Kuya Yvo, ayokong sumama lalo na at tirik na tirik ang araw gusto ko na din mahiga at makatulog ng maayos, sakit ng katawan ko sa kotse, sinamahan ako ng katulong na tumungo sa guestroom namin ni Kuya Yvo habang si Kuya Yvo naman ay nagpaalam na at kung magbago daw ang isip ko ay sumunod nalang ako, nagpasalamat at sinarado na ang pinto ng kwarto, bago humiga inalis ko muna ang sapatos at medyas, naghilamos din ako at nag dive na sa kama, binaon ko ang mukha sa unan at binunot ang phone sa bulsa.









I'm going to take a nap, mamaya nalang ako kakain hindi pa naman ako gutom.









Pinunasan ko ang naluluhang mga mata dahil sa ilang ulit kong paghikab.









Pinikit ko na ang mga mata at hinayaang lamunin ng dilim.










Nagising ako at nag unat unat, pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at niyakap ang unan, tahimik lang akong nakatitig sa kisame kahit wala namang magandang makikita doon kundi kulay puting pintura lang. Nang makakuha ng lakas ay tumayo na ako at tinignan kung anong oras na and it's two pm, akala ko nakatulog na ako ng apat na oras pero isa't kalahating oras lang pala.









Napahawak ako sa tiyan dahil nagsimula itong mag ingay









"I need to take a shower first" tamad kong sabi sa sarili










Pumasok ako sa loob ng banyo at pinuno ng tubig ang bathtub, kinuha ko din ang bath bomb na naka display sa transparent drawer at tinapon sa tubig.










My phone vibrated, tinignan ko kung sino ang caller and it's Steel








Hinubad ko muna ang kasuotan at nilublob ang katawan sa bathtub bago sinagot ang tawag












"Yow man, you're here?!" bungad nito










"You dreaming?" I chuckled










"Gagi, diba sabi mo aalis kayo ni Kuya Yvo?"











"Oo, bakit?"










"He's with us!"












Kumunot ang aking noo hindi maniniwala sa sinabi niya pero nagpadala siya ng picture, nang makita ko iyon ay si Kuya Yvo nga, nakaupo ito sa mahabang upuan na gawa sa kawayan habang nakakamay na kumakain ng pritong isda at kanin, nilapag ko ang phone sa gilid at minadaling maligo.











Stolen HeartWhere stories live. Discover now