Nakayuko habang dala dala ko ang paperbag na laman ay sweatshirt na pinahiram niya sakin kahapon, nandito ako sa building ng mga college students at hinahanap ko kung nasaan ang classroom ni Kuya August para maibigay ko na sa kaniya ito.
Inangat ko ang ulo upang pagmasdan ang paligid, madaming estudyante na matatangkad at maaayos ang mga uniporme, may kaniya kaniya silang mga grupong kasama at may mga bitbit ding folders at libro na sa tingin ko mga notes nila at pinag aaralan, wala akong makitang nagtatakbuhan sa hallway hindi katulad sa building namin na halos gawing field yung hallway at naglalaro pa ng basketball.
May napapatingin sa akin kaya nababalik ako sa pagyuko, madali akong mapansin dahil sa kulay ng buhok ko, ako lang ang naiiba ang kulay dito sa school lahat sila ay kulay itim, brown at light brown ang mga buhok. Bawal kasi ang may kulay dahil kapag nahuli ka ng mga teachers sila ang magkukulay ng black sayo.
Nahihiya man ay lumapit ako sa grupo ng mga lalaki na sa tingin ko naman ay hindi gagawa ng kalokohan dahil ang se-seryoso ng kanilang mga mukha.
Nilingon nila ako kaya bahagya akong napaatras, doon ko lang napansin na may kasama silang bad boy looking kagaya ni Kuya August pero ang kaharap ko ngayon ay masungit at parang ayaw akong palapitin pa sa kanila.
"What?" Maangas nitong tanong habang may kagat kagat na toothpick
"Huwag mo takutin yung bata, Clark." Naglahad ng kamay yung nasa kanan, matangos ang ilong, may nunal sa pagitan ng kilay at maganda ang ngiti "im Kreg, bakit ka napadpad dito?"
Natawa si Kuya Kreg ng mapasinghap ako dahil kinuha nito ang kamay ko upang ipahawak sa kamay niyang nakalahad.
"May girlfriend ka ba dito?" Tanong ng nasa kaliwa, he's wearing a glass at medyo pouty yung lips niya "Trevor, you are?"
"Noah po" pagpapakilala ko
"So.....Noah po, sa girlfriend mo ba ibibigay yan?" My name is not Noah po gusto ko sana iyon sabihin pero baka mapahiya siya
"Kilala niyo po ba si Kuya August?" Tanong ko
Napasipol si Kuya Kreg at napatingin sa katabi na mas nadagdagan pa ata ang kasungitan
"Kaano ano mo si August?" Kuya Trevor
"Kaibigan po ng Kuya ko"
Napatango ang dalawa maliban kay Kuya Clark na napa tsk, kung babae lang siguro siya pag iisipan ko na may dalaw dahil sa sobrang kasungitan, sabi ni inay ang pagsusungit ay hindi maganda dahil tatanda daw ang mukha at makakalbo, ganun ang nangyari sa a.p teacher namin sa probinsiya sa sobrang kasungitan niya napanot siya.
"Look" tinuro ni Kuya Kreg si Kuya Clark "inagaw ni August girlfriend niya"
"Sino po sa kanila?"
Maraming naging girlfriend si Kuya August kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Kuya Kreg na inagaw ni Kuya August kay Kuya Clark, hindi ko magawang isipin na mang aagaw ng kasintahan si Kuya August.
"Peach----fuck it hurts" hinimas ni Kuya Trevor ang tenga ng pingutin ito ni Kuya Clark
Peach? Hindi ko kilala si Peach dahil walang Peach na naging girlfriend si Kuya August nang nandito na ako. Napaatras ako ng magsimulang maglakad papalapit sakin si Kuya Clark hanggang maramdaman ko na ang pagdikit ng likod ko sa malamig na pader, nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa. Baka sipain nalang niya ako bigla o di kaya ay iuntog ang ulo niya sa ulo ko.
"That asshole stole my girlfriend" madiin niyang sabi sakin
Hindi magpapaagaw ang gifriend mo kung mahal ka niya, kung nagpaagaw siya kay Kuya August ibig sabihin hindi ka niya mahal at hindi mo siya deserve, sa katunayan nga mas malakas talaga ang appeal ni Kuya August kaysa sa kaharap ko, mabait pa si Kuya August at caring!
"Tell to that asshole to rot in hell!"
He's about to corner me when someone pulls me away from him.
"No need to corner my Carrots Clark and stop scaring him, he looks like his about to pee on his pants" natatawang sabi ni Kuya August at pinagpagan ang uniporme ko "why are you here?" Tanong nito sakin, hindi pinapansin si Kuya Clark na gusto ng dakmain si Kuya August
Pinakita ko ang paperbag, napangiti naman ito at kinuha iyon tsaka tinignan ang loob. Pumikit ito at inamoy ang sweatshirt buti nalang inispray ko sa sweatshirt yung perfume na binili sakin ni Uncle Rick.
"Smells great" wika nito
Kuya August cleared his throat bago hinarap si Kuya Clark
"Let's talk about the scene i saw earlier, you are about to corner carrots. May plano ka din na alisin ang space na namamagitan sa inyong dalawa, why?" Ngumiti si Kuya August ngunit halatang peke
"Why do you care?" Inis na wika ni Kuya Clark
"Why do i care? Bakit nga ba?" Kunyaring nag isip isip si Kuya August tila inaasar ang kaharap
Nagtilian ang ilang mga kababaihan dahil sa biglaang pagkulog, oo nga pala hindi pa din matigil ang pag ulan, madilim pa din ang kalangitan. Pero nagdala na ako ng payong at pumasok na si Kuya Yvo, si Kuya August naman kotse na ang gamit pati kahapon naman kotse ang gamit dahil kapag big bike ang gamit niya mababasa siya at maaaring masira yung big bike niya.
Pero aaminin ko na mas hot si Kuya August kapag big bike ang gamit, nag fe flex kasi ang muscle niya kapag nag da drive ng big bike.
"Stop cornering and scaring this kid, Clark" nawala ako sa pag iisip ng mahagilap si Kuya August na hawak hawak na ang collar ni Kuya Clark
Ngumisi si Kuya Clark "don't tell me what to do August" tinulak ito ni Kuya Clark "piss off"
Binangga pa ni Kuya Clark ang balikat ni Kuya August bago mawala sa paningin naming dalawa kasabay ang dalawa pa nitong kaibigan.
"Stupid" rinig kong bulong nito
"Kuya August, inagaw mo daw yung girlfriend niya"
Biglang nagbago ang emosyon nito at naging seryoso iyon, may nasabi ba akong mali?
"Go back to your building" he said
Tatalikuran na sana niya ako ng pigilan ko ang laylayan ng uniporme nito, kinunotan niya ako ng noo.
"Galit po ba kayo sakin? May nasabi po ba akong masama?"
"I didn't steal anyone" seryoso nitong sabi "nauna ako sa kaniya, siya ang nang agaw sakin kaya inagaw ko pabalik"
"Nasaan po siya?" Tukoy ko sa pinag aagawan nilang dalawa
Nagkibit balikat lang ito
"Go back Carrots" tinulak tulak nito ang balikat ko "let's watch spongebob later"
Nagningning ang mata ko sa narinig
"Matutulog po ba kayo sa bahay ngayon?"
"You look happy, am i the only one who plays with you? How about Yvo? Is he playing with you?" Nakangisi nitong tanong
"Busy po si Kuya Yvo kaya hindi ko siya mayaya na manood kasama ko"
"Go now"
Tumango ako at patakbong umalis sa lugar na iyon.
(Spongebob lang sakalam)