Chapter 10

1K 89 8
                                    

Bumisita kami sa butterfly garden at walang tigil si Steel sa kakakuha ng litrato lalo na at ang ganda dito, maraming mga bulaklak at puno nang mansanas nasa malaking bilog kami at kita namin ang mga tao sa labas pero hindi nila kami nakikita dito sa loob, iba't ibang kulay ng paro paro ang lumipad sa gawi namin at minsan nalapag sila sa mga damit at buhok, may mini fountain sa gitna at tig iisang bench sa silong ng punong mansanas.





Para akong pumasok sa loob ng fantasy world kung saan kasiyahan at kagandahan lamang ang makikita, para ayoko nang umalis dito kung pwede lang na magpatayo ng maliot na kubo ay gagawin ko para kapag nagigising ako sa umaga magandang tanawin ang nakikita ko at mga paro parong masayang lumilipad lipad at dumadapo sa mga bulaklak.








Matapos naming magtungo sa Butterfly garden, sunod naming pinuntahan ang mini zoo, may mga unggoy, buwaya, lion, tiger, agila hindi makikita dito ang lahat ng makikita sa mga zoo dahil mini zoo lang ito limitado lang ang pwedeng alagaang hayop.








Marami pa kaming pinasyalan at nang sumapit ang gabi, lahat kami ay nakapalibot sa apoy na ginawa nila Kuya Yvo kanina, bonfire daw ang tawag dito sabi ni Steel. Binigyan kami ni Kuya Simon ng marshmallow na nakatusok sa stick at tinuruan nila ako kung paano iyon kainin, itatapat mo sa apoy at para bang lulutuin mo matapos nun kapag kinagatan na ang marshmallow sobrang lambot at nag me melt sa loob ng bibig.









"Kumanta naman tayo para naman sumaya" humihikab na sabi ni Kuya Christ








Wala si Kuya August at si Ate Sam, kanina pa sila wala hindi na sila nakasama sa paglilibot at pamamasyal namin.








"Marunong ka bang kumanta, Noah?" Tanong ni Kuya Alex sakin








Napakamot ako sa braso bago dahan dahang tumango









"Ang dami mong talent" ani ni Kuya Yvo at binigay sakin ang gitara na hiniram lang "you know how to play guitar?"









Tumango ako at kinuha ang gitara sa kaniya, matagal na simula ng makahawak ako ng gitara yun ay sumali ako sa contests sa school at ako ang nanalo.










"Ano pong kanta yung gusto niyo?" Tanong ko at inangat ang tingin








Nag isip naman sila kaya napangiti ako.










"Let her go nalang!" Suggest ni Kuya Stephen









Hinanda ni Steel ang camera niya para kuhanan ako ng video "say hi to the camera Noah" nag hi naman ako pero mahina lang dahil sa hiya "say hi guys!"










"Artista na ba ako?" Ngiwing inilayo ni Steel ang camera kay Kuya Alex dahil halos halikan na nito yung camera "sakin mo iharap!"








"Hindi ikaw ang kakanta" inikutan siya ng mata ni Steel









Nag strum na ako kaya natahimik na sila.








Well you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when its starts to snow
Only know you love her when you let her go
Only know you've been when you're feeling low
Only hate the road when its missing home
Only when you love her when you've let her go
And you let her go






Im swaying my head while strumming the guitar, sumasabay din sila sa pagkanta ko.






Stolen HeartWhere stories live. Discover now