Chapter 9

1K 91 19
                                    

(Tell me about your first crush, gusto ko lang basahin🙂)




-


"Welcome to Paiso Mansol, the luxury beach resort were all of the things you want is inside caves, white sand, hotels, bars, restaurants and so on. There are also a butterfly garden, hills, rock formation, a good scenery para mawala ang stress lahat nandito na-----"






"Enough talking" Kuya Simon said






Inikutan naman siya ng mata ni Kuya Alex.






Binigay na samin ang room card at magkasama kami ni Steel ng kwarto.






Nang makapasok kami ni Steel sa pagtutulugan namin ay pinasadahan ko ng tingin ang paligid, binuksan nito ang makapal na kurtina kaya nagkaroon ng liwanag dito sa loob, may dalawang single bed at pinili ni Steel ang malapit sa bintana habang ako naman ay malapit sa pintuan, maliit na drawer ang nagpapagitna sa dalawang kama at may flatscreen pa sa harapan at dalawang speaker.






Light blue at white ang combination ng kwarto na nagbibigay kaginhawaan sakin, nakakawala ng stress. Sunod na tinignan namin yung banyo, nagtatalon si Steel at nalapitan yung bumubulang tubig, hindi ko alam kung ano iyon kaya tinanong ko siya at sinabi niya na Jacuzzi daw iyon at pwedeng ibabad ang buo mong katawan para mag relax, pwede din daw palitan ng iba't ibang kulay at pinakita niya sakin kung papaano.






Maraming pinakita sakin si Steel at willing siyang sagutin lahat ng katanungan ko, wala akong makitang bahid ng inis dahil sa dami ng tanong ko. Lalo na sa mga bilog na button na kahit paulit ulit niyang ipaliwanag sakin ay hindi ko pa din maintindihan dahil pare pareho ang kulay, mahaba ang pasensiya niya sa pagpapaliwanag kaya ang ending kumuha siya ng sticky notes nagsulat doon at idinikit sa tatlong bilog na button.






Button 1: pipindutin mo ito kapag gusto mong magpakuha ng pagkain at ipadala sa kwartong ito







Button 2: kung may sira mang mga gamit sa kwartong ito, o di kaya ay may hindi gumaganang mga gamit.






Button 3: kung gusto mong ipalinis ang kwarto







"Shades tawag dito" pinakita niya yung tatlong shades na galing sa bag niya "sayo na yung isa oh"






Kinuha ko ang shades na binigay nito at sinuot, nag dim ang paligid. Hinila ako ni Steel papunta sa bintana at sinabi nito na tignan ko ang araw kaya ginawa ko naman, napangiti ako dahil hindi na masakit sa mata. Kaya pala marami akong nakikitang nakashades sa beach sa probinsiya upang hindi masiyadong maliwanag ang kanilang paligid at hindi masinag ang mata dahil sa araw.






Tama ba ang pagkakaintindi ko? Hmm ang mahalaga ay nagandahan ako sa binigay ni Steel.






"Let's take a picture" ani nito at nilapag ang cellphone sa kama at upang hindi mapahiga ay ginawa niyang sandalan yung unan






Nag pose kami sa harap ng camera at nang icheck namin ang mga larawan halos sumakit ang tiyan namin sa kakatawa dahil ang ilan sa nakuha ay hindi maganda ang mukha naming dalawa, continous shot daw kasi sabi ni Steel kaya pose lang dapat ng pose.






-




"Carrots"







Napalingon ako nang may magsalita, nasa tabi ko na si Kuya August he's wearing a black khaki shorts and a black sando, nakalabas ang astig nitong tattoo. May suot din siyang shades kagaya ko, as usual messy hair at ginto na ang kwintas na may disenyong cross. Humagin ng malakas kaya nagsayawan ang malambot nitong buhok at nagsilabasan ang kaniyang mga piercing sa tenga dahil yung buhok niya humahaba na dahilan ng pagkakatakip ng kaniyang tenga, bagay naman ata sa kaniya lahat kahit na magpakalbo pa siya.






Stolen HeartWhere stories live. Discover now