Chapter 16

1K 83 9
                                    

Naabutan ko si Eloisa na nasa kusina at inaayos na ang mga pinamili sa palengke kaninang umaga, binati ako nito ng makita akong papalapit sa ref ngumiti ako at bumati pabalik, kumuha ako ng malamig na tubig at nagsalin sa baso bago kumuha ng sandwich at lumabas na sa kusina, patakbo akong lumabas ng bahay at tumingin ako sa kanan at kaliwa tinungo ko pa ang parking lot ni Kuya Yvo pero wala na yung kotse niyang ginagamit namin papunta sa school.






Nakalimutan ba niya ako?







Bumalik ako sa loob ng kusina at tinanong kay Eloisa kung nauna na bang umalis si Kuya Yvo






Napatampal ito sa noo






"Nakalimutan kong sabihin sayo na isinama nila Sir Rick si Sir Yvo sa kanilang lakad, balak kasing bumili ng lupa si Sir Rick at kailangan niya ng tulog kay Sir Yvo, alam mo naman yung kuya mo.....magaling pumili at future engineer pa" ani nito






Sa tagal ko nang nandito kasama sila Kuya Yvo ngayon ko lang nalaman na mag e-engineer pala siya, akala ko ay gusto niyang maging isang car racer dahil mahilig siya sa mga kotse, mali apala ang akala ko.....







"Nandiyan po ba yung driver?" Tanong ko kay Eloisa







"Saglit lang tatawagin ko---ma la-late ka na!"







Nagmamadaling lumabas ito ng kusina, sumunod naman ako pero natigi, tatlong busina ang narinig namin galing sa labas ng bahay, nagkatinginan kami ni Eloisa at sabay na lumapit sa pinto at sinilip kung sino ang bumubusina, binuksan nung guard ang gate at pumasok ang itim na big bike ni Kuya August, sumaludo ito sa guard at pinark ang big bike niya sa harapan namin







Nag slow mo ang buong paligid ng alisin niya ang suot na helmet at sinuklay ang buhok gamit ang daliri, may kung anong humahalukay sa loob ng tiyan ko, biglang tumibok ng malakas at mabilis ang puso ko. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko ang mga nararamdaman ng mga bida sa mga napapanood kong romance movie at nababasa sa mga kwento.







Na glue na ako sa kinatatayuan hindi ko na maigalaw ang paa ko para lapitan si Kuya August, tumaas ang isang kilay niya, nakapatong ang helmet nito sa hita at ang isang kamay niya ang naging suporta upang hindi mahulog iyon.







"Noah" tawag sakin ni Eloisa "baka naman matunaw sa sobrang titig mo"







Natawa si Kuya August dahil narinig nito ang sinabi ni Eloisa, napahiya naman ako sa ginawa kong pag titig. Kinurot ko ang likod ng palad at kinagat ang ibabang labi. Ang aga aga napahiya kaagad ako sa harapan niya! Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Baka pinagtatawanan na niya ako!







"Nag text si Yvo sakin ako muna daw ang mag susundo at maghahatid sayo ngayong araw, papayag ka ba?" Ngumisi si Kuya August na kahiligan niyang gawin







"Ay naku Sir August papayag tong alaga ko" si Eloisa yung sumagot kaya tumango na din ako







"Hop in"






"Ingat sa daan"






"Bye Eloisa"






Tinulungan ako ni Kuya August na makasakay at pinayakap nanaman ako sa kaniya, naalala ko nanaman yung pinag usapan namin ni Steel! Haiishh bawas points na ako sa langit nito....dumudumi na ang isipan ko.






Mas dumiin ang katawan ko kay Kuya August ng bigla itong tumigil dahil naabutan na kami ng red light, habang hinihintay na mag green umayos ito ng upo, dalawa na yung helmet na dala niya ngayon sa kaniya ay kulay itim habang sakin ay kulay orange. Ayokong umasa na binili niya ito para sakin dahil baka hindi lang ako ang gagamit nito kundi yung mga magiging girlfriend pa niya.







May tumigil na kotse sa tabi namin, nirolyo pababa ang bintana at naglabasan ang mga ulo ng mga babae, nakatingin sila kay Kuya August at tinatawag nila ito.






"Kuya, single ka daw?" Sabi ng isa sa kanila






Baka makadampot nanaman si Kuya August ng bago niyang girlfriend sa isa sa mga to.







Kuya August chuckled lowly and shakes his head "sorry girls, im taken"






Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig, wow that's new...akala ko ba naman makakasaksi ako ng harutan sa gitna ng kalsada.







"Yung kasama niyo daw po, single or taken?"







Naramdaman ko ang isang kamay ni Kuya August na mas pinahigpit pa ang pagkakayakap ko sa kaniya, natahimik ang mga babae at maya maya ay kinikilig na nirolyo pataas ang kanilang bintana, anong nangyari? May sinabi ba si Kuya August na hindi ko narinig?








Binaba ako ni Kuya August sa big bike niya at siya na din ang nag alis ng helmet ko, may kinuha ito sa likod ng bulsa at maliit na panyo iyon, pinunasan niya ang pawis na namuo sa noo, ilong at itaas ng labi ko. Amoy menthol din yung panyo niya.








"I can't remember the last time i did this to someone" bulong niya sa sarili







Binuka ko ang labi ko pero tinikom lang din







"Good morning, August"







Lumapit ang isang babaeng naka pixie cut ang buhok at maganda ang ngiti, nagniningning din ang mata nito siguro lahat ng taong lalapitan niya ay mapapasabi nalang ng awwww dahil napakaamo at inosente ng mukha niya!






Bagong girlfriend ni Kuya August?







"May family dinner tayo mamaya, sumipot ka! Stop being stubborn, miss ka na din ni Lola"






"Im busy, i can't go----"







"Busy? Sa mga babae mo?" Napunta ang tingin sakin nung babae "who is this kid? Did you bully him August?!"






"Bakit ko naman gagawin yun? Kapatid siya ni Yvo, he's Noah"







"Im Pepper, pinsan ni August" ngumiti ito, naglabasan ang pantay pantay at mapuputing ngipin! "Pumunta ka mamaya August! Sinasabi ko na sayo"






Nagpaalam na ito kaya naiwan nanaman kami ni Kuya August, 5 minutes nalang start na ng klase hindi ko naman magawang iwanan si Kuya August dito, parang gusto ko nalang na samahan siya hanggang uwian.







"You should go now"







"Kayo po?"






"Huwag mo kong alalahanin, wala kaming klase sa dalawang subject kaya maya maya pa ako papasok. Sa court muna ako baka nandon sila Alex"







"Si.....sige po"







Binagalan ko ang paglalakad







"Walk faster, carrots" rinig kong sabi niya







Mas binagalan ko pa ang paglalakad, napasigaw ako nang umangat ako sa sahig, karga karga na ako ni Kuya August at malalaki ang hakbang na lumabas ng parking lot.






"I think you need my help, kulang ka ba sa tulog? Hindi ka ba nag breakfast?" Natatawa nitong tanong






Binaba na ako nito ng tuluyan na kaming makalabas ng parking lot, he ruffled my hair







"If you're not going to walk faster, im going to carry you until we reach your classroom" pagbabanta nito "ayaw mo naman atang makita ka ng lahat na nagpapakarga"






Nahihiyang tumakbo na ako dahil hindi ko na kinaya pa ang halo halong emosyon na nararamdaman.






(Pakarga din ako August mwehehehe, read well Mysties and don't forget to vote and comment)

Stolen HeartWhere stories live. Discover now