"Noah, right?"
Umupo si Ate Pepper sa harapan ko at nilapag ang dala dala niyang mga libro, maraming bakanteng mauupuan dito sa loob ng library pero pinili niya ang pwesto ko. Hindi ako nagtungo dito sa library para magbasa ng libro o mag aral, pumunta ako dito para iwasan si Kuya August dahil gusto niya akong makita at kausapin, inaya niya din ako na sabay na kaming kumain sa cafeteria pero tinext ko nalang na busy ako at baka hindi makasabay sa kaniya.
I feel bad at hindi naman dapat ganito ang dapat na pakikitungo ko kay Kuya August dahil hindi ko pa naman alam ang buong kwento, pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sinabi ng lolo nito na may anak silang dalawa ni Peach ngunit pinalaglag ni Peach sa hindi ko alam na dahilan at gusto kong malaman kung ano talaga ang totoong nangyari noon, wala na akong pake kung sabihan man akong chismoso.
Pinaglaruan ko ang mga daliri sa ilalim ng lamesa at tinignan si Ate Pepper na nakangiti habang nagbubuklat ng mga libro, ang ganda niya, babaliko ang mga babae kay Ate Pepper.
Naramdaman nito ang tinging ibinibigay ko sa kaniya kaya inangat nito ang mukha at nagtama ang mata naming dalawa, nginitian niya ako
"Ang tahimik mo....kanina pa kita pinapanood, may problema ka ba?" She asked nicely
"Ate Pepper, gusto ko lang pong magtanong tungkol kay Kuya August"
Nasabi ko na wala nang atrasan pa
Napataas ang dalawa nitong kilay "what do you want to ask?"
"Totoo po ba ang sinabi ng lolo niyo na may anak si Kuya August at pinalaglag ng girlfriend niya?" Pahina ng pahina yung boses ko dahil sa hiya
"Curious?" She chuckled lowly
Tumango ako dahil yun naman ang totoo, curious ako sobra.
"Well....uhmmm, based sa kwento sakin ni August hindi naman totoo na sa kaniya yung bata dahil isang beses niya lang ginalaw ang kasintahan. Nag break si August at Peach nang mahuli ni August na nagloloko si Peach sa isa sa mga estudyante din dito sa school which is si Clark i bet you know him already since August told me, Clark scared you. Hahahaha Clark loved Peach at pilit na inaaako ni Clark yung nasa sinapupunan ni Peach little did he know na talagang si Clark ang ama....we found out na siya ang ama dahil pinaimbestigahan namin silang dalawa. Nagalit si August---"
Sumandal ito sa kinauupuan
"Si Peach lang ang sineryoso nito at talagang minahal, binigay ni August ang lahat lahat sa babaeng ito. Hanggang mag away si Clark at Peach, nalaman iyon ni August at dahil mahal pa din niya ito pinuntahan kaagad niya si Peach sa bagay nito, muling nahulog ang loob nila sa isa't isa at tinanggap na ni August ang bata later on inanunsyo ni August sa buong clan na may anak na siya at the same time pinakilala niya si Peach sa buong pamilya namin."
She sighs
"May mga masaya dahil sa balita may iba ding disappointed lalo na si lolo dahil si August ang pinaka paborito nitong apo, lagi nang inuuwi ni August si Peach sa bahay nila at inalagaan na ang mag ina ngunit habang tumatagal mas nagiging bossy si Peach at pati sila tita ay wala na siyang galang, nahuhuli din ni August si Peach na kausap si Clark at lastly nahuli nanaman nito na naghahalikan ang dalawa, doon na umayaw si August at tinatak sa isipan na hindi na bibigyan pa ng pagkakataon na makapasok si Peach sa buhay niya"
"Umiyak si Peach at lumuhod pa sa harapan ni August nag mamakaawa na huwag hiwalayan pero buo na talaga ang desisyon ni August, ilang linggong hindi nagpakita si Peach at doon nalang namin nalaman na pinalaglag niya ang bata"
Ang samang ina ni Peach, hindi na siya nakuntento kay Kuya August. Na kay August na ang lahat lahat bakit kailangan pa niyang mag cheat? Kung mahal niya si Kuya August hindi niya gagawin iyon, binigyan na siya ng second chance at inako ni Kuya August ang bata kahit alam nitong kay Clark iyon dahil mahal niya si Peach pero wala....niloko pa din niya.
Masakit para kay Kuya August na malaman na buntis yung babaeng mahal na mahal mo sa ibang lalaki.
"Nasaan na po si Ate Peach?" Tanong ko
"Nowhere to be found" kibit balikat na sabi nito
Lumabas ako ng library at tahimik na naglakad papunta sa cafeteria, sumilip ako doon at nakita ko ang magkakaibigan na nasa gitna at nagtatawanan. Kinagat ko ang ibabang labi ng makita si Kuya August na hinahampas ang lamesa habang tumatawa.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang itong tumigil at napalingon sa paligid, bumuntong hininga muna ako at tinaas ang isang kamay, he saw me! Ngumisi ito at lumambot ang expression ng mukha, tinapik nito ang mga kaibigan at nagpaalam na aalis, inayos ko kaagad ang uniporme at buhok.
"Carrots"
Yumuko ako
"Sorry Kuya August" pikit mata kong sabi "hindi ko po kayo pinansin kaninang umaga ng sunduin niyo ako sa bahay, sorry po dahil pinili ko sa kotse ni Kuya Yvo at hindi sa big bike niyo at sorry din po dahil maikli lang ang mga sagot ko sa inyo sa text"
"Huwag kang mag sorry, alam ko naman ang dahilan kung bakit ganun ang pakikitungo mo"
Nanlaki ang mata ko, alam niya? Paano niya nalaman?
Ginulo nito ang buhok ko "nagbibinata ka na, handa na din ako sa rebellion phase mo" he chuckled
Naginhawaan naman ako sa nalaman, akala ko ba naman ay nalaman niya kung bakit iwas ako sa kaniya.
"Kumain ka na ba?" He asked
Umiling ako "hindi pa po"
"Wait for me, bibili lang ako ng pagkain"
Bumalik si Kuya August na may dala nang sandwich at malamig na tubig, pumunta kami sa park dito lang din sa loob ng school at umupo sa silong ng puno.
"I like having you here" he said
I blushed.
"You're kind, innocent and you have a good heart. You're perfect to me, Noah" he called me by my name parang musika talaga kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko "i hope you don't change"
"Hindi naman po ako magbabago, pinalaki ako ni inay na mabait kaya lalaki akong mabait." Nakangiti kong sabi
"Promise?" August
Tinaas ko ang pinky finger ko "promise po" kinuha nito iyon at dinala sa kaniyang labi "Ku....Kuya August?"
"That's the way i sealed promises"
(Read well)