Chapter 33

847 68 14
                                    

"Nag away ba kayo ni Boss?" Tanong ni Joseph nang mapalapit sakin







"Bakit mo naman naisip yan?" Natatawa kong tanong







"Kanina pa kayo walang imikan tsaka parang badtrip si Boss" tinuro nito si Kuya August na kakalabas sa opisina nito







Kunot ang kaniya noo at nakapameywang pang lumapit sa mga sako ng bigas, ewan ko ba diyan at hindi siya namamansin simula kaninang umaga, at dahil hindi siya namamansin hindi ko din siya pinapansin.








Hindi ko na pinansin si Joseph at pinagpatuloy nalang ang pag nguya ng bayabas, muli kong tinignan si Kuya August, he brushed his hair using his fingers...dahil sa init ng panahon at pinagpapawisan kaagad siya, ang ibang mga trabahador ang iinit ng suot halos lahat sila ay naka faded jeans na pinartner-an ng long sleeves buti nalang ay naka sandong puti at shorts na abot sa tuhod ang suot ko ngayon, mamaya kasi ay pupunta kami nila Kuya August kasama si Mira at Joseph sa manggahan para tumulong mag ani.







Wala pa naman si Mira dito baka nag aayos palang siya, bumuntong hininga ako at pinagpagan ang sandong suot.







Pumunta ako sa kuhaan ng malamig na tubig yun ay sa likod lamang ng kinatatayuan ni Kuya August, i bent my knees at nilagyan ang plastic bottle, palihim kong tinignan mula sa likod si Kuya August, ang tangkad talaga....namumula ang balat dahil sa init ng panahon at kumikintab ang pawis nito, parang daddy slash gangster siya tignan dahil sa tattoo niya sa braso at sa mga piercing sa tenga.







Napamura ako ng mahina ng makitang umaagos na sa kamay ko ang tubig, lumingon ito sa akin pero agad din nag iwas ng tingin. What's wrong with him?







Naglalakad na kami papunta sa manggahan, magkasabay kami ni Kuya August habang ang mag asawa ay nasa likuran namin at busy magharutan, iwinasiwas ko ang stick na hawak sa hangin at sinilip si Kuya August.






"Naglalaway na ako" sabi ni Mira sa asawa







Humarap ako kay Mira kaya ngayon ay patalikod na akong  naglalakad.







"Masarap isawsaw sa bagoong Mira" ngumiti ako ng napalunok ito "ano ba ang gusto mo yung hinog o hindi hinog?"






"Ay naku basta mangga kahit hindi hinog gusto niyan" sabi ni Joseph







Ngumuso si Mira "basta mangga masarap" she said






I agreed.







May humawak sa braso ko at pinaharap na ako







"Bakit?" Tanong ko kay Kuya August







Hindi niya ako nasagot dahil may matanda nang lumapit sa amin






"August napabisita ka?"







Tahimik lang akong tumutulong pa minsan minsan ay nililingon si Kuya August na umaakyat sa puno ng mangga kasama pa ang ibang mga lalaki, si Mira naman ay kumakagat na ng mangga, bawal naman kasi siyang magpagod ng sobra at mag gagalaw dahil madali siyang mapagod.







"Wooh" pinunasan ko ang pawis na namuo sa noo ko








"Salamat Noah" pasasalamat nila ng matapos ang ginagawa namin







Stolen HeartWhere stories live. Discover now