Chapter 7

1.2K 101 18
                                    

(Don't forget to vote and share your thoughts, *wink* read well everyone and kindly listen to "Those eyes* By New west. Magagandahan kayo sa kantang iyan at baka paulit ulit niyong pakinggan!)


-





Ang tatlong katok sa pinto ang nagpatayo sa akin mula sa pagkakahiga sa kama nang buksan ko iyon ay naamoy ko kaagad ang aroma ng dala dala ni inay which is cookies, she baked it. Pumasok ito sa loob at inilapag sa study table ang dala bago ako nilapitan at sabay kaming nagtungo sa kama, ang laki na ng pinagbago ni inay mas lalo siyang nag glow, nakasuot ito bg berdeng bistida na hindi naman hapit sa katawan niya dahil medyo flowy iyon, she slightly curled her hair na bumagay sa maliit nitong mukha.







Ang saya sa pakiramdam na nakikita ko siyang masaya, hindi na siya napapagod araw araw sa pagtatrabaho, hindi na siya magkakasakit dahil sa pagbababad minsan sa tirik na tirik na araw at hindi na siya makakarinig ng masasakit na salita. She's a good mother, she raised me well kaya walang karapatan ang iba na sumbatan siyang pabayang ina.






Hinaplos nito ang pisngi ko.






"Kamusta ang school? Mahirap ba?" Malambing ang tonong tanong nito sakin






Tumango ako at kinuwento kung anong itsura ng school na pinapasukan ko, maliban nalang sa part tungkol kay Maddy at sa pinsan nitong si Dandilia. Kinuwento ko din kung paano ko nakilala ang mga kaibigan ni Kuya Yvo at kung gaano sila kabait kahit na iba't iba ang ugali at pamamaraan ng pakikipag usap, nasisiyahan si Inay sa naririnig dahil halata din kasi sa boses ko na sobrang saya ko at kuntento ako sa mga nangyayari sakin.






Pinakita ko din kay inay ang laman ng cabinet ko pati na din ang cellphone ko, tinuruan si inay ni Uncle Rick gumamit ng cellphone kaya ng maibigay ko sa kaniya yung phone ko alam na niya kung saan pipindot at gagawin.






"Akala ko ba ay kaibigan mo na ang mga kaibigan ng Kuya Yvo mo?" Tinignan nito ang contact lists ko "bakit hindi mo pa hinihingi numero nila? Sabi sakin ni Rick ay kapag may mga bago akong nakilala pwede kong kunin ang numero nila at ilagay dito sa contact lists ko"






"Inay, nakakahiya" ngumuso ako at niyakap ang unan






"Ang laki laki mo na at punong puno ka pa din ng kahihiyan, paano nalang kung may matipuhan ka?" Pa iling iling na sabi nito






Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa unan, natitipuhan? May natitipuhan na ba ako?






"Kainin mo na yung cookies na binake ko at bumaba ka na din dahil nandiyan mga kaibigan ng Kuya Yvo mo, may balak ata silang mag beach sa sabado at linggo" tumayo ang inay






Nandiyan sila? Dali dali akong bumaba sa kama at sinuot ang pambahay na tsinelas, tinawag pa ako ni inay dahil nagulat sa pagmamadali ko pero kinawayan ko lang ito at lumabas na ng kwarto, bumagal ang pagbaba ko sa hagdan, nandito nga sila! Umupo ako sa hagdan at sinilip kung ano ang kanilang ginagawa.





Nakaupo sa armrest si Kuya Simon habang humahalaklak sa kinukwento ni Kuya Alex, si Kuya Stephen naman ay pinaglalaruan ang mahabang buhok, si Kuya Christ naman ay kausap si Kuya Yvo.






Napalunok ako at may hinanap ang aking mata, wala siya? Hindi ko siya makita, ilang minuto pa ang lumipas hanggang lumabas si Kuya August sa kusina na may hawak hawak na bowl na may lamang popcorn. Patalbog ang ginawa niyang pag upo sa tabi ni Christ kaya ang ilang popcorn ay nahulog sa sahig na pinulot naman ni Kuya Alex at shinoot sa trashbin malapit lang sa kanila.






Stolen HeartWhere stories live. Discover now