Chapter 4

1.1K 88 3
                                    

Hindi ako makatulog kaya napagdesisyunan kong bumangon sa kama at sinuot ang binili sakin ni inay na fluffy slippers na may disenyong carrots naka pajama akong kulay orange at may disenyo ding carrots. Hindi ko alam kung bakit ito ang pinili kong suotin ngayong gabi, lumapit ako sa pinto at hinawakan ang seradura bago iyon buksan at sumilip sa labas nang walang makitang tao at unti nalang ang nakabukas na ilaw ay lumabas ako at tahimik na naglakad.










Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa kusina, dim lights nalang ang nakabukas na ilaw dito sa kusina hindi na din ako nagtangka pang buksan ang main lights dahil nakikita ko naman ang paligid. Kumuha ako ng baso at nagtimpla ng gatas, binuksan ko ang ref at naghanap ng pwedeng makain, ngumuso ako sinarado ang itaas bago lumuhod at binuksan ang baba, inabot ko ang isang gallon ng ice cream at inilabas tsaka kumuha ng mangkok at kutsara, mahilig si Uncle Rick at Kuya Yvo sa ice cream linggo linggo silang nabili ng stock ng ice cream kaya puno lagi ang ibaba ng ref. Mag to-toothbrush nalang ulit ako pagkatapos kumain para hindi sumakit ang ngipin ko.









Naglagay ako sa mangkok ng tamang porsyento ng ice cream yung mauubos ko lang para hindi sayang, ibabalik ko na sana nang may pumasok sa loob ng kusina, hindi niya ako napansin dahil diretso siya sa ref at kumuha ng malamig na tubig at nagsalin sa baso, humikab ito at ginulo pa ang magulong buhok. Nahihiyang nag iwas ako ng tingin dahil tanging kulay abong pajama lang na nasa baba ang suot niya at wala na sa itaas kaya kitang kita ko ang sobrang puti niyang katawan, well-toned abs at yung v-line niya. Hindi din papatalo ang kaniyang collarbone at ang tattoo niyang sobrang astig mas nakakadagdag sa pagka manly niya.









"Its one in the morning and you're still awake?" paos ang kaniyang boses halatang kakagising lang








Umupo ito sa harapan at nilapag ang hawak na baso sa ibabaw ng lamesa.








"Kakagising?" tanong nito sakin at kinamot ang dibdib







"O...opo" pinakita ko sa kaniya ang hawak "gusto niyo po?"








"I don't like Ice cream"








Tinapunan ko siya ng tingin bago binalik ang ice cream sa ibaba ng ref, umupo ako at nagsimulang kumain. Ramdam ko ang titig na binibigay niya kaya naiilang akong gumalaw para bang kunti maling magawa ko ay nakakahiya, nag inuman sila ng mga kaibigan nila sa pool side at matapos nun pumasok sila sa kwarto ni Kuya Yvo at hindi ko naman kung ano ang nangyari, alam ko din na dito sila matutulog pinaalam kasi ni Kuya Yvo sakin, kay Uncle Rick at inay.










"You're such a quiescent" pagputol niya sa katahimikan








Nag angat ako ng tingin at nagtama ang mata namin, he looks so perfect. Lahat ng gawin niya ay bagay niya at nakakamangha, bagay siyang maging artista o di kaya ay maging model, katawan at mukha ay wala kang makikitang kamalian. Tinukod nito ang siko sa ibabaw ng lamesa at sumimsim sa baso.








"Ano po yun?" hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng last word na sinabi niya







He chuckled at sinuklay ang buhok gamit ang daliri, akala ko nung una masungit siya at nakakatakot pero tama nga ang sabi ni inay sakin don't judge the book by its cover pero kung masungitan man ako ni Kuya August ay hindi nalang ako iimik dahil baka mas lalo lang akong mamangha sa kaniya. Dahil gaya ng sabi ko lahat ng gawn niya ay nakakamangha.








"Oh Quiescent means uhmm a quiet person or a soft-spoken soul" he said








Tumango ako at muling sinubo ang kutsara








"Matutulog ka na ba pagkatapos mong kumain?" tanong niya








"Opo"










Kinuha nito ang baso kong may lamang gatas, namula ang pisngi ko nang ngumisi ito. Nakakahiya baka isipin niya na isip bata ako dahil hanggang ngayon gatas pa din ang iniinom ko ang gatas kasi ay nagpapatulong sakin kapag hindi ako makatulog at yan din ang laging pinapainom sakin ni inay nang nasa probinsiya kami.









Mas lalong namula ang pisngi ko ng gamit ang hintuturo inilibot niya iyon sa bibig ng baso, paulit ulit niyang ginawa bago binalik sa harapan ko.









"Ano ang mga hilig mong gawin?"








Nilapag ko sa ibabaw ng hita ang dalawa kong palad








"Mahilig po akong mag.....mag pinta kapag....kapag may free time po ako" nauutal kong sagot








"A painter" sabi nito sakin gusto ko sanang tumanggi dahil base sa pagkakasabi niya nun parang ang iniisip niya na sobrang galing kong magpinta, I don't want to disappoint him.








Nakita nito na natigil ako sa pagsubo ng ice cream








"Eat faster para makatulog ka na" tumayo ito "may pasok ka pa bukas" lumabas na ito ng kusina








Babalik na ba siya sa itaas? gusto ko sanang itanong pero kapag gusto kong makipag usap sa kaniya umaatras ang dila ko, kinagat ko ang ibabang labi at ininom ang gatas. Hinugasan ko ang mga ginamit bago lumabas ng kusina gulat akong napatigil dahil nakita ko si Kuya August na nakahiga sa sofa at nakapikit.








"You're done?" dumilat ito








"Opo"








Bumangon ito at nag unat unat kaya nag flex ang mga muscle niya sa katawan








"Let's go upstairs" yaya niya sakin "akala ko matagal ka pang matatapos kaya pumikit muna ako"







I fidget my fingers at lumunok ng ilang beses, binuksan ko ang bibig nakita niya ang ginawa ko








"May sasabihin ka?" nakataas ang dalawa niyang kilay









"Hi....hinintay mo po a...ako?"








Gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa tanong ko, kinurot ko ang likod ng palad.








"Yeah, para masigurong aakyat ka kaagad baka tumakas ka eh" kunot noong nilingon ko siya "just kidding, you're a good boy and escaping to go on a party is not your thing"







Sinamahan niya ako hanggang nasa harap na kami ng kwarto ko








"Nice Pj's" bulong nito "Carrots" napayuko ako ng kaunti ng ipatong niya ang palad sa ibabaw ng buhok ko at ginulo iyon "sweet dreams"







Binuksan ko ang pinto ng kwarto at dahan dahan iyong sinarado, ngumiti siya at napailing na umalis at nang masarado ko na ang pintuan ay patakbo kong tinunga ang harapan ng salamin at tinignan ang itsura ko doon, napahawak ako sa magkabilaang pisngi dahil sobrang pula na nun pati na din sa nagulo kong buhok na siya ang dahilan. 





( ;> )

Stolen HeartWhere stories live. Discover now