Chapter 22

966 78 24
                                    

"Happy birthday motherfucker---" hindi natapos ang pagbati sa akin ni Steel ng makatikim siya ng batok sa kaniyang nakatatandang kapatid







"Your mouth" saway ni Kuya Stephen "makapag mura ka parang kaedad mo kami ah, 17 ka palang"








"Next week 18 na ako!" singhal ni Steel







"Next week pa" Kuya Stephen








Nagkuyom nalang ng kamao si Steel at sinundan ng tingin ang Kuya nitong lumapit na sa mga kaibigan, napatakip ako sa bibig upang pigilan ang tawa na gustong kumawala







"I hate him" bulong bulong nito sa sarili at binigay na sa akin ang dala niyang gift








"Salamat"







"Ako magiging photographer mo ngayon " pinakita nito ang canon na nakasabit sa kaniyang leeg








"May bayad ba yan?"








Nilapag ko ang bigay nitong regalo sa ibabaw ng lamesa kung saan nandon din ang ibang mga regalo galing sa mga kaibigan ni Kuya Yvo at mga ilang inimbitang friends ni Uncle Rick, sa garden cinecelebrate ang birthday ko, six pm na at maya maya pa naman ang simula, ngumiti ako sa harapan ng camera ni Steel ng magsimula itong kunan ako maya maya ay may kamay na humawak sa braso ko at ng nilingon ko I saw smiling Dandilia she's wearing a light blue above the knee dress habang ang kasama nitong si Maddy ay hindi makatingin sakin, bagay nito ang suot na fitted jeans at off shoulder, nakataas ang buhok nito.








Hinila ko si Maddy nagulat ito sa ginawa ko pero tumingin nalang ako sa camera, nasa pagitan ako ng dalawang mag pinsan at dahil nainggit si Steel binigay niya kay Kuya Simon na kakadaan lang sa harapan namin ang camera at inutusan itong kuhanan kaming apat, nag wacky kami at habang tumatagal nakikita ko kung paano nagiging komportable si Maddy at ngumingiti na din ito na ngayon ko lang nakita, maganda ang ngiti niya , gummy smile at may dimple siya sa kanang pisngi.








Naramdaman nito na nakatingin ako sa kaniya kaya nilingon niya ako, her eyes widen at tinulak ako.








Hinawakan ni Dandilia ang aking likod para hindi ako mabangga sa kaniya.








"Maddy!" sita ni Dandilia









"What? he's looking at me, what do you want me to do?!" nilapag nito ang paperbag sa lamesa "restroom muna ako"








"She's blushing" siniko ako ni Dandilia








"Sa inis" sabi ko







"Sa kilig" Steel







"Look, pati si Steel ay alam na gusto ka ni Maddy ikaw nalang talaga ang manhid" Dandilia "by the way happy 18th birthday Noah my ginger handsome, pwede ka nang uminom ng alak mamaya"







"Ako pwede na" nakangusong sabi ni Steel habang tinitignan ang mga kuha namin sa camera niya







Tinawag ako ni Uncle Rick na kasama si Inay, nang makalapit sa kanila ay pareho nilang hinalikan ang pisngi ko kaya humagikhik ako at nahihiyang napakamot sa batok. Pinakilala ako ni Uncle Rick sa mga kaibigan niya, ang masasabi ko lang ay wow dahil lahat ng mga kaibigan nito ay may mga itsura, may mga halos ibalandra na ang mga ginto sa katawan habang ang iba ay simple lang. Nagpakilala ako at dahil ako ang may birthday in-entertain ko sila, they're nice and easy to talk with.







Stolen HeartWhere stories live. Discover now