"Kuya August tatawagan ko nalang po yung driver namin o di kaya ay mag commute nalang po ako pauwi"
Gusto ni Kuya August na isama ako sa family dinner nila, Family dinner! Bakit niya ako isasama e hindi naman ako part ng pamilya niya tsaka nakakahiya din lalo na at si Kuya August lang ang kilala ko doon baka mapahiya lang ako.
"Sumama ka na" pagpipilit niya
"Pero po---"
Sa huli siya panalo dahil napapayag niya ako, kinakabahan na napatigil kami sa malaking pintuan nahalata nito ang panginginig ng kamay ko kaya kinuha niya iyon at hinipan hipan namula ako at nagbaba ng tingin mas lalo lang niyang dinadagdagan ang pagbilis ng tibok ng puso ko! Mas nanaig yung kaba ko kay Kuya August kaysa sa pag meet ko sa pamilya niya ngayong gabi.
Inagaw ko na ang kamay kong hawak hawak niya ng magsimulang bumukas ang pintuan at sumilip ang isang katulong, umaliwalas ang kaniyang mukha ng makita ang katabi ko. Pumasok na kami sa loob at ang masasabi ko ay WOW dahil napaka simple lang dito sa loob ng bahay ni Kuya August as in! Walang nga vase akong nakikita pati mga painting, puting leather couch at mini table lang ang nakalagay sa sala at puti ang kanilang dingding.
May dalawang husky na nagsitakbuhan papalapit kay Kuya August at pilit na nagpapakarga kahit na ang lalaki na nila, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya August at kinarga ang dalawa bago ako tinignan, he winked and starts to walk, sinundan ko siya, tipid na ngumiti ako dahil sa pilit na pag abot nung isang husky sakin para dilaan ang mukha ko.
Bumaba ang tingin ko sa collar na nakasabit sa leeg nila, si Spike yung kulay abo habang Hipir naman yung kulay puti at pareho silang lalaki.
"Don't try to lick him" kausap ni Kuya August sa dalawang aso ng maibaba niya ito at sakin naman sila dumiretso
"Wala po bang babae Kuya August?" Pinantayan ko ng laki yung dalawang aso at doon na nila pinagdidila ang mukha ko, i giggled
Flash ng camera ang nagpatigil sa akin, nilingon ko si Kuya August, he waves his phone and smirked.
"For my wallpaper" he said
"Glad you came, Honey" yumakap kay Kuya August ang isang magandang babae at hinalikan ito sa pisngi, she's wearing a blue blouse partner with white sandals and white leggings "i miss you"
"Mom~~" ngiwing sabi ni Kuya August "i can breath"
"My bad, na miss ko lang yung lalaki kong anak na once in a blue moon lang magpakita sakin" umikot ang mata nito at saktong lumanding iyon sa akin "and who is this ginger cutie?"
Nag echo ang pagtapak ng heels niya habang papalapit sakin, tumayo ako at pinagpagan ang damit para matanggal ang ilang balahibo ng mga aso na napunta sakin, nagmano ako ng makalapit ito
"Well mannered" nakatingin kay Kuya August na sabi nito "your name is? What clan do you belong?"
Inunahan na ako ni Kuya August
"Rios Clan" Kuya August
"Kaano ano mo si Rick?" Curious na tanong nito sakin
"Step dad niya" si Kuya August nanaman ang sumagot kahit hindi naman siya ang tinatanong, that's rude.
"Oww" tatango tangong sabi ng kaharap ko "im Agatha, the mother of August. It's nice having you here"