"Nagandahan ka ba sa kwarto mo or do you want to choose a room that suitable for your taste?" tanong ni Uncle Rick
Nilunok ko muna ang laman ng bibig bago sumagot
"Hindi na po, maganda po yung kwarto. Salamat po Uncle Rick"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Yvo, natawa din si Uncle Rick kaya nagtataka akong napatingin kay inay na nakangiti at kumakain. Ano ang nakakatawa? may sinabi ba akong nakakatawa? dahil sa naramdamang hiya ibinaba ko ang ulo ko at nilapag ang dalawang magkasalikop na palad sa ilalim ng lamesa upang hindi nila makita ang panginginig nun.
"Huwag mo na akong tawaging Uncle Rick, dad nalang."
"Yeah, parang nadagdagan ng limang taon yung age ni dad kapag tatawagin mong Uncle" segunda ni Kuya Yvo
Parang nakakahiya na tawagin si Uncle Rick na dad, parang hindi bagay kung ako ang tatawag. nagpatuloy ang pagkain, nakikinig lang ako sa sinasabi ni Uncle Rick tungkol sa pagpasok ko sa school ni Kuya Yvo, may allowance daw na ibibigay samin hihindi na sana ako dahil ang balak ko ay maging working student para hindi na ako aasa pa kay inay at nahihiya akong tumanggap ng pera kay Uncle Rick pero inexplain naman ni Kuya Yvo kung paano kami magkakaroon ng allowance at yun ay kapag mataas ang grado namin, kapag mababa ay walang allowance. pumayag na din ako dahil alam kong paghihirapan ko ang allowance na iyon.
May ID na ako nasa kwarto ko na, kailangan daw ay laging dala ang ID kapag papasok dahil kapag walang ID hindi ka papapasukin ng guard nang school, sa dati kong school kapag lunes lang may guard at sa lunes lang din sinusuot ng mga estudyante ang mga ID nila.
Matapos kumain ay tinulungan ko ang mga kasambahay na ayusin ang lamesa, nginitian ako ni Eloisa siya yung nag guide sakin para makita ko ang kwarto ko at siya ang unang kasambahay na naging close ko, mabait siya at masayahin tsaka madaldal kaya siguro magaan ang loob ko sa kaniya. kulot na kulot ang kaniyang buhok na naka bun at kayumanggi ang kaniyang kutis, maputi ang ngipin at pantay pantay pa kaya maganda siya kapag ngumingiti.
Tatlong taon ang agwat niya sakin at tumigil siya sa pag aaral upang matulungan ang mga magulang niya sa probinsiya.
"Hey, Noah"
Nakahawak ang isang kamay ni Kuya Yvo sa hamba ng pintuan nang kusina, sinenyasan niya akong sundan siya kaya tumango ako at binaba ang hawak na baso
"I heard that you really like to paint" patalon na inabot nito ang tali na nakaattach sa itaas ng kisame, hinila niya iyon pababa kasabay ng unti unting pagbukas ng pintuan sa harapan namin "this is my old garage where I place my old cars, but dad made a new garage so I gave this garage to you"
Nauna itong pumasok sa loob kaya sumunod na din ako, napangiti ako at kinagat ang gilid ng pisngi. Ang daming gamit sa pagpinto dito sa loob at may mga paintings na nakasabit sa wall
Dad and I helped each other to clean this at gawing painting room, welcome gift na din namin ni dad sayo to" umupo ito sa mataas na upuan na umiikot lamang ang upuan at hindi yung sa baba na tv ko lang nakikita "do you like it?"
"Salamat ng ma....marami" I bend my back and he laughed
"Don't do that"