Chapter 39

2K 98 60
                                    

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at tumingin sa labas ng bintana, buti ay madilim na kaya hindi ako gaanong maaninag ni Kuya Yvo dito sa backseat.






"Sir, nandito na po yung kaibigan niyo" humigpit ang pagkakakapit ko sa gym bag kong nakapatong sa luggage ko






"Paaalisin mo na ba talaga ako?" Mahina kong sabi pero alam kong nadinig niya iyon dahil nakatayo lang siya sa harapan ko






"Noah---"







Ayoko na siyang marinig, lumabas ako ng kwarto at bababa na sana ng hagdan ng pigilan niya ang braso ko. Hinila niya ako pabalik sa loob ng kwarto at nilock ang pinto, tumingin ako sa kisame upang hindi magsituluan ang mga luha.





"Noah, look at me"






Tinapik ko ang kamay nitong hinawakan ang baba ko upang mapatingin sa kaniya, he heaved a sigh





"Kung mahal mo ako, hindi mo ko hahayaang makaalis ngayong gabi August." Nagtama ang mata naming dalawa "kung mahal mo ako hahayaan mo akong manatili sa tabi mo, i need you....you need me. We need each other"





"Ako mismo ang kukuha sayo kapag maayos na ako---"






"Kapag maayos ka na? Nagtataka ako August, bakit hindi ka pa ba maayos?! Yung mga mixed signals na pinaparamdam mo sakin? Mga matatamis mong salita? Mga actions mo towards me?! Ano lahat yun? Pinaglalaruan mo ba ako? Tell me! Are you playing with my feelings----ohhh si Peach nanaman to siguro, mahal mo pa ba si Peach?"





"Noah"






Akala ko ay may idadagdag siya pagkatapos tawagin ang pangalan ko pero wala, natawa ako ng mahina at kinagat ang ibabang labi.






"Ginagawa mo ba akong panakip butas?" My voice is shaking "bakit hindi ka sumagot? Kasi totoo?"






"Wala na akong gusto kay Peach, matagal na kaming wala at malaki ang galit ko sa kaniya....niloko niya ako Noah"






"Kung ganon....bakit kailangan mo pa akong paalisin? Bakit ano bang kailangan mong gawin para ayusin ang sarili mo? Bawal ba akong tumulong? Papayag ako sa lahat ng gusto mong gawin sakin August kasi mahal kita"






He mess the back of my hair






Nagising ako ng itigil ni Kuya Yvo ang sasakyan mini stop, ayoko sanang bumaba pero pinilit lang ako ni Kuya Yvo. Tahimik kaming pumasok sa loob, humiwalay kaagad ako at pumunta bilihan ng maiinom, kumuha ako ng coke in can at pasimpleng dinampi dampi sa ibaba ng mga mata ko upang hindi mahalatang umiyak ako.





Bakit kapag hindi ako nagbabalak na kunin si August ay mas inilalapit kami ng tadhana, pero kapag malapit ko na siyang makuha ay doon kami pinaglalayo.....he's hard to reach, naguguluhan na ako sa kinikilos niya, parang noon lang ay halos isulsol niya ang sarili sakin.





"Noah, wala ka na bang bibilhin?" Kuya Yvo asked






Sinagot ko siya ng tango at nauna na akong lumabas, nilagay ko ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng jogging pants na suot at umupo muna sa hood ng kotse. Nagsimulang manigarilyo si Kuya Yvo at katulad ko ay hindi pa siya pumasok sa kotse, napapikit ako ng maamoy ang usok na nagmumula sa sigarilyo...





Naalala ko si August, lahat ng bagay na makita ko dito sa paligid ay si August ang naaalala ko.






"Ang tahimik mo, may nangyari ba?" Siniko ako ni Kuya Yvo






Dinilat ko ang mga mata at lumanding ang aking tingin sa mga daliri kong hindi matigil sa pangangalikot sa coke in can na hawak.






"Si August ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" Malaki ang matang nilingon ko siya, natawa ito ng mahina dahil sa itsura ko "paano ko nalaman? Tayong dalawa lang ang nasa kotse kaya dinig na dinig ko ang pagsinghot mo"






"Alam kong may gusto si August sayo....."







"H....how?"






"Nalasing ang loko noon, tapos sinabi niya na gustong gusto ka niya." Binuga nito ang usok sa malayo "as your brother nagalit ako ng una pero habang tumatagal hinayaan ko nalang din siya, malaki ka na Noah at ayokong humarang sa mga desisyon mo sa buhay lalo na at alam kong gusto mo si August simula ng una mo siyang makita"






Namula naman ako






"Hindi kayang maitago ng ganung edad ang nararamdaman nila sa isang tao, kitang kita ko sa mga mata mo ang pagkinang habang nakatingin sa kaibigan ko....." umusog ako ng itinulak niya ako pagilid upang makaupo din sa tabi ko






"Sabi niya kailangan pa niyang maging maayos Kuya Yvo, ano pa ang kailangan niyang gawin?" I desperately asked






"Magulo ang takbo ng utak ng kaibigan ko pero kapag sinabi niyang mahal ka niya totoo iyon." Tumingin ito sa wristwatch "let's wait for him"





Kumunot ang noo ko






"What do you mean?" Pinakita nito ang relo sa akin






"He's an asshole Noah" ngumisi ito "hindi ka na nun hahayaang makalayo sa kaniya---"







Napatakip ako ng mata ng may ilaw na tumama sa aming pwesto, malakas na kalabog ang ginawang pagsarado sa kotse at ng maidilat ko ang mga mata nakita ko si August na nakatayo na sa harapan naming dalawa ni Kuya Yvo





"Akala ko matatagalan ka pa" ngising sabi ni Kuya Yvo sabay tapik sa balikat ng kaibigan "take care of my brother August, gusto kong eto na ang huling beses na makita siyang umiiyak at malungkot dahil sayo."





Umalis na sa tabi ko si Kuya Yvo at binuksan na ang kaniyang kotse, umalis ako sa pagkakaupo sa hood ng start na niya ang makina






"Im going back na" he said "Noah, call me kung naging loko nanaman tong kaibigan ko"





Naiwan na kaming dalawa ni August, hinawakan nito ang kamay ko. Mabilis ang mga pangyayari, hindi ako makapag react kaagad.






"Fuck" binaon nito ang aking mukha sa kaniyang dibdib at halos naka tiptoe na ako ngayon dahil sa pagkakayakap na ginagawa niya sakin parang hindi kami nagkita ng ilang taon "fuck, im sorry.....hindi ko na kayang mawalay ka sakin. Im sorry.....Noah"






"Don't.......don't do that again August."







"Akala ko kapag pinaalis kita kaya ko ang sarili ko pero hindi, ilang minuto ka palang wala sa paningin ko ay hindi ko na nakayanan pa. Ikaw lang ang gusto ko Noah, ikaw lang ang taong mamahalin ko hanggang pagtanda, ikaw lagi ang isasama ko sa mga pangarap ko. Ikaw lagi...ikaw lang."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stolen HeartWhere stories live. Discover now