Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Dandilia, nasa passenger seat si Steel habang nasa backseat naman kami ni Dandilia. Tinext ko na sila Kuya Yvo na kasama ko si Steel umuwi mamaya at hindi kami gagabihin. Nilahadan ako ni Dandilia ng snickers pero umiling lang ako, mahilig siya sa chocolates pero hindi siya tumataba ang dami niyang chocolates dito sa loob ng kotse at galing iyon sa iba't ibang bansa ang pinaka paborito niya at lagi niyang shinashare sa amin ni Steel ay kisses nang makapunta nga kami sa bahay nila ay may isang room siya na puno ng kisses. Nasusuka nga kami ni Steel kapag nahuhuli namin itong pinapasok sa loob ng bibig ang apat na kisses, kami lang nakakakita ng ganun na ugali niya.
Nakapasok na kami sa loob ng mall at iniwan nalang ang mga backpack sa kotse ang dinala nalang namin ay mga wallet namin, may mga estudyante din na nandito sa mall kasama ang mga kaibigan at kasintahan mamamasyal din kagaya naming tatlo. Nasa gitna namin si Dandilia she really wants to stand in the middle, inabot ni Steel yung balikat ko para tapikin at ituro yung natipuhan nanaman niyang babae, napailing ako at hinila na ang dalawa sa arcade.
"Saan unahin natin?" tanong ni Steel
Pinasadahan namin ang buong paligid, swerte kami ngayon dahil hindi gaano karami ang nandito sa Arcade kaya hindi siksikan at wala kami maririnig na reklamo at daing kay Dandilia.
"Basketball tayo" yaya ko kay Steel
Nagliwanag ang mata nito habang si Dandilia naman ay tumango at tamad na sumunod sa amin, naglagay kami ng dalawang token sa machine at hinintay na dumulas ang mga bola pababa, sumandal si Dandilia sa gilid at pinag cross ang dalawang braso
"Kung sino yung loser magiging utusan ko ngayon" nakangising sabi nito
"Si Noah na yan ah" mayabang na tumawa si Steel
Hindi na ako nagsalita at sinimulan na ang laro, mabilis ang pag sho-shoot ni Steel para siyang nagmamadali at nag pa-panic kaya yung ibang mga bola na binabato niya patungo sa ring ay hindi na so-shoot at tumatalbog pabalik sa kaniya, napangisi ako sa kaloob looban dahil mas lumalamang ako, ayokong maging utusan ni Dandilia knowing her segu-segundo siya kung makapag utos, naranasan ko na dahil last na punta namin dito sa arcade natalo ako ni Steel sa video games which is yung teenage mutant ninja turtles magaling si Steel sa mga video games ehhh
"Ang loser talaga ni Steel!" pang aasar sa kaniya ni Dandilia
Inikutan siya ng mata ni Steel at sinabunutan ang sarili ng matapos na ang laro, lamang ako ng limang points, natawa ako dahil sumimangot ang mukha nito ng makita si Dandilia na papalapit sa kaniya
"Carry my purse" Dandilia
"May bulsa ka naman" Steel
"Diba sabi ko kanina ang loser ay magiging isang utusan? bingi ka ba?"
Wala ng nagawa si Steel kundi kunin ang pink na purse ni Dandilia
"Good boy" Dandilia
"Good boy my ass" Steel
Sunod na tinungo namin yung claw machines
"I want that blue fluffy bear keychain"