Nakalimutan kong magdala ng payong sa lahat pa ng pwedeng makalimutan yung payong pa talaga hindi naman ako makahiram kay Kuya Yvo dahil wala silang pasok ngayong lunes at nahihiya din akong tawagan siya kasi kaninang umaga masakit ang ulo niya dahil daw sa pagbababad sa tirik na tirik na araw, hindi din pumasok ang mga kaibigan nito nagpapahinga napagod kasi sa biyahe kahapon.
Ayoko namang lumiban ng klase dahil ayokong may hinahabol na lessons, kanina maaraw naman biglaan lang tong pagbagsak ng ulan. Minamalas nga naman...naglakad ako sa hallway at hanggang maabot ang gate, ginawa kong payong ang bag ko at tumakbo ako palabas, nagmamadaling nagtungo ako sa waiting shed at nang makarating napangiwi ako dahil sa basa nang sapatos at medyas pati din ang laylayan ng pants ko basa na.
Iniwan ko naman mga gamit ko sa locker ko maliban sa lunchbox na binibigay ni inay sakin, i huffed and puffed my cheeks, humangin ng malakas kaya nagtaasan ang balahibo ko.
Walang dumadaang mga tricycle dito sa harapan ng school, puro mga sasakyan lang at big bike na gamit ng estudyante o kaya sa mga sundo nila. Kapag lalakarin ko naman papunta sa sakayan ng tricycle limang minuto pa at basang basa na ako nun, kumikidlat din nakakatakot naman na sumugod sa ulan baka tamaan pa ako ng kidlat.
May puting sasakyan ang tumigil sa harapan ko, nirolyo kaunti ang bintana sa backseat at sumilip si Dandilia, kinawayan niya ako.
"Where's your sundo?" Tanong nito sa maarteng tono
Kasama nila inay yung driver sa bahay kasi sinabi ko na mag co-commute nalang ako papauwi.
"Bye bye Ginger boy" she blows me a kiss at nirolyo pataas ang bintana
Hintayin ko nalang tumila yung ulan.
Kinuha ko yung cellphone ko na nasa bulsa at pinunasan yung medyo moist nang screen, nag pop kaagad ang message ni Kuya August 30 minutes na ang nakakalipas, aishhh nakalimutan kong replyan siya kasi busy ako sa paghihintay na tumila yung ulan.
Kuya August: nasaan ka? Sakin ka na sumabay.
Pumasok si Kuya August? Akala ko hindi siya pumasok.
Me: nasa labas ako ng school Kuya August nakasiling ako sa waiting shed
Kuya August: wait for me🏃♂️
Hindi na ako nag reply, napatayo na ako ng tumigil ang itim na sasakyan sa harapan ko at lumabas si Kuya August na may dala nang payong binuksan niya iyon at nilapitan ako, hinila niya ang braso ko upang mapadikit sa kaniya at hinawakan ang aking ulo upang masiksik sa katawan niya upang hindi ako mabasa pa ng ulan, pumasok ako sa passenger seat at pinanood ko siyang patakbong nagtungo sa driver seat at sinarado na ang pinto.
Nilagay niya sa likod ang payong na ginamit at pinatay ang aircon.
"Kunin mo yung sweatshirt ko sa likod, suotin mo yun baka magkasakit ka" ani nito
"Ikaw Kuya August?" Inabot ko ang dilaw na sweatdshirt at sinuot iyon, tamang tama lang sa size ko paanong nagkasya to kay Kuya August?
"Your safety first" he mumbled
Tinext ko si Eloisa na pauwi na ako para hindi na sila mag alala pa anong oras na din kasi, buti nalang hindi pa nakakauwi si Kuya August baka magabihan na ako, wala atang balak humina ang pag ulan ehh