Chapter 23

980 81 23
                                    

"Wala na si Kuya August" malungkot na sabi ni Steel ng magkita kami sa cafeteria


Tahimik lang ako at wala akong mahanap na magandang sasabihin at baka kapag binuka ko ang aking bibig hindi salita ang lalabas kundi luha, kinurot ko muna ang likod ng palad bago inabot ang sandwich na binili at kinagatan, he told me that he can't live without me, he's a liar, nalunod nanaman ako sa mga matatamis niyang salita, hinayaan ko nanaman siyang maghari sa akin, pero wala na din akong magagawa pa mahina ako kapag kaharap siya, sumusuko ako kapag nakikita siya at parang bulang nawawala ang galit ko sa kaniya.


Dalawang araw matapos ang kaarawan ko nagpaalam si Kuya August sa mga kaibigan niya at hindi sa akin, pinaabot niya lang kay Kuya Yvo ang mga gusto niyang sabihin sakin at doon namuo ang galit ko bakit kailangan pa niyang ipautos sa iba kung pwede naman kaming mag usap na dalawa? nagsisi ba siya sa mga matatamis na salitang binabato niya sakin nung gabing iyon kaya't nahihiya na siyang magpakita sa akin? dahil hindi niya kayang panagutan ang lahat ng sinabi niya?


Pumunta ng US si Kuya August dahil yun ang gusto ng lolo niya para sa kaniya dahil nag iiba nanaman daw ang landas na tinatahak nito, napapasama daw ito sa mga hindi magagandang mga grupo at gumagamit ito ng droga impluwensiya ng mga grupong nakakasama niya sa ilang linggong pagkawala, nalaman iyon ng pamilya ni Kuya August lalo na ang lolo nito kaya kahit sa ayaw at gusto ni Kuya August sinunod na lamang niya ang lolo niya, hindi din lingid sa kaalaman ko na dahil kay Ate Peach kung bakit nangyayari kay Kuya August to, gusto niya pa din si Ate Peach, mahal niya pa din si Ate Peach, kung ganon ay bakit ginawa niya sakin ang bagay na iyon? bakit niya ako hinalikan? bakit niya ako inangkin? nalaman ba niyang may gusto ako sa kaniya?


Bakit ba hindi nalang niya kalimutan si Ate Peach? niloko siya nito at nagpabuntis sa ibang lalaki, hindi pa ba sapat iyon?


"Doon na ipagpapatuloy ni Kuya August yung pag aaral niya , pinigilan nga siya nila Kuya at kinausap din nila yung lolo ni Kuya August pero hindi parin nagbago ang isip, hindi na din napilit pa dahil may sakit sa puso ang lolo nito" Steel said


Hinayaan ko lang si Steel na magsalita, tumatango lang ako kapag tinitignan niya ako, tatlong araw nalang din ay kaarawan niya na halatang excited na siyang mag eighteen.


Matapos ang walang katapusang pagsasalita ni Steel sa cafeteria ay nagtungo ako sa loob ng classroom at ipinatong ang ulo sa desk, nagpakawala ako ng hangin at itinagilid ang ulo, ang una kong nakita ay ang channel belt ni Dandilia katabi niya si Maddy na busy sa pagtingin sa salamin.


"You look so depressed" Dandilia said "wanna go somewhere?"


I groaned and shakes my head


"Baka nireject siya" Maddy


"He likes no one" Dandilia rolls her eyes


"There's no reason kung bakit siya ganiyan ngayon, baka nireject talaga siya ng nililigawan niya , sino ba naman ang magkakagusto sa kaniya? ayaw na ng mga girls ngayon ang mga innocent and shy type. Gusto na nila yung mga pa cool at may mga alam na sa bagay bagay" Maddy


"Nila? so ikaw you're into innocent and shy type like Noah?" Dandilia smirked


Stolen HeartWhere stories live. Discover now