Chapter 32

948 74 12
                                    

Simple lang ang bahay ni Mira at Joseph, nandito ako sa kanila dahil sasamahan ko si Mira na magluto ng mi-miriendahin ng mga nagtatrabaho sa Rice mill dahil may sakit daw ang lola ni Isabella, gagawa kami ng banana cue at magtitimpla ng juice.






Tinapik ni Mira ang braso ko nang madaanan niya ako upang kunin ang chopping board, naglagay ako ng asukal sa plato at binalatan ang mga saging....






Nandito din si Isabella kasama namin, tahimik lang siyang nagtitimpla ng maiinom at nagpapainit ng mantika, hindi naman siya namamansin kaya hindi ko nalang din papansinin ayoko naman na masayang ang laway ko sa kaniya no! I dip the peeled banana sa asukal bago inilagay sa kumukulong mantika, napaatras ako ng magtalksikan ang mantika sa kamay ko, Mira laughed and rubs her belly.






"Dahan dahan lang Noah" she said







"Pahinaan mo yung apoy" nilingon ko si Isabella na nasa malayo ang tingin






Pinahinaan ko ang apoy at pinagpatuloy ang paglalagay ng saging hanggang wala nang matirang space, pinunasan ko ang pawis sa leeg at mukha.






"Uupo muna ako dahil nangangalay na ako" Mira said






Pinagpagan ko ang upuan at inalalayan siyang makaupo, ako na ang nagpatuloy sa pagluluto...






Mababa lang ang bubong nila Mira kaya sobrang init, tagos na tagos dito ang init ng araw parang any minute ay mahihimatay na kami. Kulang ang malamig na tubig pampawi ng init, hindi maganda kay Mira kapag ganito ang klima dahil baka mapaano pa siya, kakausapin ko mamaya si Kuya August tungkol dito...may space pa naman sa bahay, marami pang mga kwarto at kilala naman namin ang mag asawa kaya walang problema kung doon sila muna tumira pero kailangan nang aproba ni Kuya August dahil hindi naman ako ang may ari ng bahay kundi siya.







Kung hindi man ito pumayag ay gagawa nalang ako ng paraan.







Narinig ko ang ilang tawanan sa labas ng bahay, sumilip kami at nakita si Joseph kasama si Kuya August pati si Job Job na papasok dito sa loob ng bahay, aishh ang init na nga makikisingit pa sila, ang lalaki ng katawan nila eh!






Gamit ang thong ay inilagay ko na sa container na may tissue ang luta nang banana cue, pumasok si Joseph dito sa kusina upang mahalikan sa noo ang asawa at makakuha ng malamig na maiinom para sa mga kasama.






"August,  gusto mo?"






Si Isabella na hindi nanaman maalis alis ang tingin kay Kuya August, nilahadan niya ito ng juice.







"Salamat" ngumiti si Kuya August at kinuha ang baso tsaka ininom iyon







Napaikot ako ng mata, bakit si Kuya August lang ang binigyan niya? Hindi ba niya nakita si Job Job? Hinihintay ni Job Job na bigyan mo din siya ng maiinom!






Lumilipad na ang isip ko at hindi ko sinasadyang malagay ang banana cue ng padabog sa kumukulong mantika kaya nagtalsikan iyon sa kamay ko, i hissed in pain and caress my the back of my palm.






"What happened?"






Hinila ni Kuya August ang kamay ko at siya ang humaplos haplos nun, ang hapdi!






Hinipan niya iyon kaya hindi ko maiwasan mapaiwas ng tingin







Dinala niya ako sa likod ng bahay kung saan nandon ang gripo nila Mira, siya ang naghugas at naglagay ng sabon sa kamay ko, tahimik lang akong pinapanood siya....






Stolen HeartWhere stories live. Discover now