Dumapa ako sa ibabaw ng kama habang nakadikit sa aking tenga ang cellphone dahil kausap ko ngayon si Steel, naliligo pa naman si Kuya August at kakatok nalang siya sa pinto kapag aalis na kami, yes isasama niya ako sa birthday ni Isabella dahil kagaya ng sinabi niya lahat ng pupuntahan niya ay dapat kasama ako, sino ba naman ang tatanggi diba? Masarap ang luto ng lola ni Isabella kaya mapapadami ang kain ko.
"Kamusta na diyan? Boring ba?" Steel laughs
"Hindi boring dito"
"Eh si Kuya August? May something na ba sa inyo? Crush mo siya---"
"Steel! Matagal na yun sabi"
Mas lumakas ang tawa nito at naiimagine ko na siyang nakahawak na sa tiyan niya at naluluha dahil sakin. Hinintay kong matapos ang pag tawa niya kung pwede lang ay patayan ko siya ng tawag ay gagawin ko pero baka hindi niya ako kausapin kapag nakabalik na siya, maya maya pa ay tumigil na din siya sa pagtawa at narinig ko pa ang pagpapakalma niya sa sarili
"Crush mo pa siya huwag mo akong lokohin, halata naman eh....pilit mo lang talagang iniwawasiwas ang totoo mong nararamdaman, stupid" he said
"Hindi ko alam na manghuhula ka na pala ngayon, Steel"
"Tama nga yung sinabi ko?"
"Sinabi ko na sa kaniya na magkaibigan nalang kami" mahina kong sabi at inihiga ang ulo sa unan
Kinuwento ko yung nangyari kahapon, muli itong natawa sakin kaya nagpaalam na din ako at sinabing ipagpatuloy nalang ang pag uusap mamayang gabi. Saktong may kumatok na sa pintuan, nagmamadali kong sinuot ang flip flops at binuksan na ang pintuan, pumuno sa paligid at sa ilong ko ang amoy ni Kuya August, mas nananaig pa din ang amoy menthol kaysa sa shower gel niyang amoy lemon.
He's wearing a dark tee partner with black pants and flat shoes, naka slick back ang buhok niyang medyo basa pa, bumaba ang tingin ko sa braso niyang puno ng tatto bago tinaas at sinulyapan ang mapula pula nitong labi. He's busy with his phone kaya hindi niya napapansin na pinag aaralan ko nanaman siya ngayon.
Nakasuot naman ako ng puting tshirt at may nakapatong na light blue sleeveless, naka short ako na abot sa tuhod at naka cap ako para hindi masiyadong maarawan ang ulo ko habang papunta kami sa handaan.
Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa likod, kinuha ko ang pulang bisekleta at sumakay na doon.
"Ingat sa pag b-bike" paalala nito sakin
Pinasok na niya sa loob ng bulsa ang phone at sumakay na din sa kaniyang bike, nagsimula na kaming magtungo sa bahay nila Isabella.
Kumaway si Mira nang makita kami, mabilis akong bumaba at inistand ang bike bago patakbong tinungo si Mira at niyakap ito, magkasama kami kahapon pero parang hindi ko siya nakita ng isang linggo, na miss ko siya sobra at ganun din siya sakin.
Parang magkapatid na kami ehh
"Boss"
Mainit na palad ang lumapat sa likod ko at isinilong ako sa terrace nila Isabella, may mga bumati sa amin ni Kuya August at halos lahat ng nandito ay mga nagtatrabaho sa Hacienda, si Job Job ay nasa mga kaibigan na nag iinuman na at may videoke pa, kumakanta sila ngayon ng "bed of roses"
Inalis ni Kuya August ang cap ko at nilahad sakin ang maliit na panyo na dala niya, sinimulan kong punasan pawis ko sa noo.
Hawak hawak ni Kuya August ang cap ko, tinaasan niya ako ng kilay ng makitang nakatingin ako sa kaniya.