Chapter 3

1.2K 89 9
                                    

Nauna na akong bumaba ng sasakyan ni Kuya Yvo, habang hinihintay ang pagbaba niya sa kotse niya ay inilibot ko muna ang paningin ko, nagtaka kaagad ako dahil sa mga babaeng nasa di kalayuan at nakatingin mismo sa sasakyan ni Kuya Yvo at nang makalabas ito sa sasakyan ay biglang nagtilian ang mga grupo ng kababaihan kaya napatakip ako ng bahagya sa tenga.









Nandito kami sa parking lot ng Romero University, ang daming magagara at mamahaling sasakyan ang naka park parang pati pagtingin sa mga sasakyang nakahilera ay nakakatakot, ngayon na ang unang araw ng pasukan at kinakabahan ako, sana naman ay magkaroon ako ng kaibigan kahit isa lang kapag wala namang gustong makipag kaibigan sakin ay sana naman ay hindi ako mapasok sa gulo o di kaya ay walang mam-bully sakin.









Mahigpit ang pagkakakapit ko sa strap ng bag nang madaanan namin ang grupo ng mga kababaihan, yumuko ako at sa sahig nalang tumingin dahil ramdam ko ang binabato nilang tingin sakin, grade ten ako ngayon si Kuya Yvo naman ay first year college. humarap sakin si Kuya Yvo nang mahatid niya na ako sa magiging classroom ko ngayong year maraming nakasilip sa bintana at tinitignan si Kuya Yvo, ngayon ko lang na realize na baka may gusto sila kay Kuya dahil na din sa tinging ibinibigay nila dito, pati na din sa mga salitang sinasabi nila kay Kuya kasabay ng hampasan sa braso.









"Sino ang kasama ni Yvo?"







"Si Yvo nandito sa harap ng classroom"








"Ang gwapo talaga"








Rinig kong bulungan sa paligid








Tinapik ni Kuya Yvo ang balikat ko









"I need to go, if you need anything call me" nag call sign ito sakin








"Salamat"








Umalis na ito kaya nakayukong pumasok ako sa loob ng classroom, lahat ng mata ay nasa akin pinapanood ang mga susunod kong galaw, kaya nagmadali na akong naghanap ng bakanteng upuan at nakita ko ang katabi ng bintana kaya dumiretso ako doon at inokupa na ang upuan. Nagbulangan ang lahat habang nakatingin sakin, lahat sila ay amoy mayaman piling ko tuloy para akong basahan dito. Yung katabi ko naman ay may relo na touch screen, binilhan pala ako ni Uncle Rick ng cellphone na kagaya kay Kuya Yvo at kahapon tinuruan niya ako kung paano gamitin dahil ngayon lang ako nakahawak ng touch screen na cellphone. Nandoon na din ang number ni inay, Uncle Rick at Kuya Yvo.








nakapatong lang ang bag ko sa hita ko, nakasabit ang mga bag nila sa likod ng upuan nang kaharap. Pero nahihiya naman ako na isabit din yung akin.









"Kaano ano mo si Yvo?" nabalot ng mabangong amoy ang aking ilong ng lumapit ang isang babaeng maganda ang pag kakaayos ng buhok, maputi, brown ang kulay ng mata at matangos ang maliit na ilong "why are you with him?"









Nakataas na ang manipis ngunit magandang kilay nito sakin









"S....Step brother ko siya"








Nanginig ang mga kamay ko dahil nagsulputan nalang sa harapan ko ang mga babae









"He's handsome"








"He looks scared"








"Talk to him"








Stolen HeartWhere stories live. Discover now