Chapter 11

1.1K 102 48
                                    

"Bro" tapik sa balikat ang nagpagising sakin "breakfast na sa baba"









Humikab ako at nag unat ng katawan, tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at 8 na ng umaga medyo inaantok pa ako dahil napuyat ako kagabi hindi kaagad ako nakatulog, hinintay ako ni Steel na matapos maligo siya ang nahuling natulog sa aming dalawa pero ang aga niyang nagising busy kasi siyang mag transfer sa laptop  niya ng mga kinuhang litrato kahapon para daw hindi mapuno ang card ng camera.











Nagsuot ako ng tshirt na asul at puting shorts bago pinatuyo ang buhok at sabay na kaming lumabas, sinabi sakin ni Steel na pupunta daw kami sa isa sa mga cave dito sa Paiso Mansol sasakay kami ng bangka para makarating doon ngunit kakain muna ng umagahan.









Nakatali ang buhok ni Steel at wala siyang pang itaas na damit nakasabit kasi yung polo niya sa balikat niya wala pang planong isuot.









Nakalabas kami ng elevator at lumabas ng hotel, tinext ni Kuya Yvo kung saan sila at nang mahanap namin nakaorder na ng kakainin at nakalagay iyon sa dahon ng saging, punong puno ng mga isda, hipon, pusit at iba pang mga seafoods.









"Let's dig in!" Masayang sabi ni Kuya Alex










Grabe ang sunburn ni Kuya Simon at Kuya Christ, sunog na sunog ang balat kaya ayaw nila iyon ipahawak sa mga kasama dahil mahapdi daw, nagbabad kasi sa dagat kaya ayan ang napala ang puputi pa naman nila. Wala din akong nakita na isa sa kanilang gumamit ng lotion na para hindi masunog ang balat o umitim, nakalimutan ko na ang tawag dun. Napanguso ako ng unti at napailing, marami pa akong dapat malaman para hindi na ako nag aabala pang mag tanong sa kanila.









Nahuli nanaman si Kuya August hindi ko kasi siya mahagilap dito sa loob ng seafood restaurant, dahil ba kagabi? Nagsisi na ba siyang pinauwi mag isa yung girlfriend niya? Si Steel kasi hindi nalang itikom ang bibig kailangan pang sabihin, hindi nakinig sakin. Parang ako tuloy ang may kasalanan kung bakit wala dito si Kuya August.










"Babe, i want a shrimp" tinuro nung girlfriend ni Kuya Simon yung hipon na nasa harapan nito







"Abot mo naman, babe" ani ni Kuya Simon









"Pero ikaw want ko mag abot then balatan mo for me" inilingkis nito ang braso kay Kuya Simon









Natikom ko ang bibig kahit puno ng laman ang bibig dahil naitulak ni Kuya Simon yung babae.









"Chill, Simon" Kuya Yvo











"Mahapdi balat ko tapos lilingkis ka?" Naiinis na sabi ni Kuya Simon sa girlfriend








Napatingin ako kay Steel na inilapit ang mukha sakin at bumulong "si Ate Chantel lang magpapatino diyan"









Chantel? Siya yung narinig kong pinag uusapan nila Kuya Alex









"Sasama sana siya dito kaso ininis niyang kasama ni Kuya Simon kaya umuwi nalang" dagdag ni Steel










Napatango ako, nagmumukha tuloy akong chismoso nito. Kaya pala walang Chantel na nagpakita sa van dahil hindi na sumama, may sinabi pa sakin si Steel sabi nito ay ex iyon ni Kuya Christ pero ngayon magkaibigan nalang ang turingan at sa ilang taon daw na magkasintahan si Kuya Christ at Ate Chantel gusto na din pala ito ni Kuya Simon, nalaman lang nila dahil cinonfess ni Kuya Simon sa mga kaibigan ang totoong nararamdaman niya.








Stolen HeartWhere stories live. Discover now