"Mr. Toledo, kindly stand up and answer my question" Ms. Ramos said
Napalunok ako at binaba ang hawak na ballpen at tumayo, inikutan ako ng mata ni Maddy habang ang ilan ay nakangiti sakin at hinihintay na magtanong si Ms. Ramos at hinihintay ang aking pagsagot.
"A group of tissues working together to perform a common function is called?"
"Organ system Ms. Ramos" sagot ko
Tinaasan ako nito ng isang kilay bago tumango, nakapasok sa bibig ko ang dalawang labi nang makaupo at binuklat ang notes, Science ang lesson namin ngayon at nagtatawag si Ms. Ramos which is ang adviser plus science teacher namin, wala siyang ni isang estudyanteng kinakalimutan kapag oras na ng klase niya at inaral namin tungkol kahapon ay itatanong niya samin isa isa para malaman niya kung sino ang mga nakinig at sino ang hindi.
Hinarap ako ni Maddy ng may tinawag nanaman si Ms. Ramos. Kinuha nito ang notes ko tsaka iyon tinignan binalik niya din kaagad sakin pero inikutan nanaman niya ako ng mata, hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Maddy sakin lagi nalang niya akong sinusungitan at binubully pero kapag nakikita niya na may mga nalapit sakin o di kaya ay inaasar ako paaalisin niya, napapansin ko naman na hindi siya ganiyan sa ibang mga kaklase namin
"Bakit ka nakatingin?" masungit nitong tanong
"Ms. Raya, nasa mukha ba ni Mr. Toledo ang blackboard?"
Ngumuso si Maddy at umayos ng upo
"Stand up"
"But im finished na kanina" pagmamaktol nito
"Stand up"
Tumayo si Maddy at nagsimulang magtanong si Ms. Ramos, an hour passed at vacant nanaman namin sa next subject dahil may sakit ang math teacher namin na ikinasaya ng mga kaklase ko imbes na mag alala dahil ayaw nila math teacher dahil terror iyon at laging galit, galit dahil hindi naman sila nakinig at mahirap turuan kaya sino ang hindi magagalit?
Nililibang ko ang sarili sa pagbubuklat ng mga libro at pag hi-highlights sa mga importanteng salita, sabi ni Kuya Yvo puntahan ko nalang siya mamaya sa court dahil may laro sila ng basketball kasama ang mga kaibigan, ibig sabihin ay maglalaro din si Kuya August. Niyayaya nga ako pero tumanggi ako dahil hindi ako marunong at paghagis lang ng bola sa ring ay hindi ko magawa, madali din naman akong mapagod at ang lalaki ng katawan nila baka kapag mabangga nila ako nang hindi sinasadya at madapa baka sabihin nila na lampa ako, nakakahiya iyon. Hindi ko din close iba niyang mga kaibigan maliban lang si Kuya Yvo dahil siya lang naman ang laging natambay sa bahay.
Naagaw ng atensyon ko ang isang estudyante na pumunta sa gitna at pinatahimik ang buong klase
"I'm Dandilia Raya" pagpapakilala niya
Magpinsan sila ni Maddy at pareho ding masungit.
Medyo kulot ang buhok ni Dandilia, maganda ang pilik ata, matangos ang ilong, ang puti ng kutis at puno ng magagandang alahas ang leeg, daliri, ankle, at wrist. Vlogger din siya at sa pagkakaalam ko ay mahigit isang milyon na daw ang subscribers niya sa youtube.
"I'm here standing in front of y'all cuz you know three years na akong laging binoboto for the position of being a president and now since the school has begun magsisimula nanaman ang botohan, well sana naman matitino parin ang brains niyo para ako ang iboto niyo, I can make this classroom more better because ughh" nandidiri nitong tinignan ang paligid "this room is so boring" inikot nito ang mga mata at pinilantik ang pilik mata