Chapter 24

870 79 17
                                    

Nakatukod ang dalawa kong siko ko sa railings habang si Steel naman ay nakasandal ang likod sa railings, sabay namin tinitignan ang kabilang side ng building kung saan labas masok ang mga estudyante sa kulay asul na classroom which is yung laboratory, may natitipuhan kasi si Steel na isa sa kanila at dahil wala naman akong magawa sumama nalang ako sa pagmamasid, three years passed since Steel's birthday and we are now a college students, tumigil si Dandilia sa pag aaral dahil busy na ang schedule niya she's now a model and an actress while her cousin Maddy sumasama pa din siya sa amin pero hindi lagi dahil law student ito, mahirap ayain sa galaan dahil maraming ginagawa.










Siniko ni Steel ang tagiliran ko at nginuso yung natitipuhan kaya umayos kami ng tayo at sabay na pumunta sa kabilang side ng building, ngising sumandal ako sa poste habang si Steel naman ay pumasok sa loob ng classroom, silang dalawa nalang ang nasa loob, hinintay talaga namin na mapag isayung babae para walang istorbo kapag nag aya si Steel ng date, walang tumatanggi kay Steel lahat ay pumapayag na makipag date sa kaniya kahit alam nilang babaero ito.









Girls nowadays wants to have a bad boy boyfriend, like Steel.









Sinubukan ko na ang ginagawa niya pero hindi ko kaya, hanggang pang aasar lang ang kaya kong ibigay.











Maya maya pa ay nakita ko si Maddy na may dalang plastic na logo ay starbucks, humikab itong naglalakad sa hallway, sumilip muna ako sa loob ng classroom upang tignan kung anon a ang nangyayari kala Steel and I saw both of them kissing, napaikot ako ng mata at tinakbo ang kinaroroonan ni Maddy.










Napahawak ito sa dibdib ng gulatin ko siya mula sa likod.









"Stupid!" she shouted and pinched my arm








"Nag aaya si Dandilia mag bar mamaya, free ka?" tanong ko









"May recitation kami bukas kailangan ko mag review" naiiyak na sabi nito "i don't want this, I want to be a doctor" 











Gusto kasi ng parents niyang mag abogada siya.










"Where's Steel?" kunot noong tanong nito at tumingin pa sa likuran ko "don't tell me may kasama nanaman siyang babae at iniwan ka nanaman mag isa?"









Bumuntong hininga ako at nag thumbs up, napa face palm ito...habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niya, naging kami ni Maddy kinabukasan ng paghahalikan namin nung birthday ni Steel dahil pinilit kami ni Dandilia, subukan lang daw namin baka mag work, nagtagal ang pagsasama namin ni Maddy sa una ay nagkakailangan pa pero tumatagal ay mas nagiging komportable kami sa isa't isa yung tipo na nagagawa na namin mag holding hands sa public, magkayakap at umakto talagang magkasintahan, isang taon ang tinagal namin hanggang maging busy na kaming dalawa sa pag aaral at minsan nalang mag usap at magkasama.









Napagdesisyunan namin na maghiwalay muna, hindi ko I d-deny na napalapit siya sa puso ko, nagawa kong mahalin siya, pero mas mahal niya nga lang ako.









"Ahh shit, I forgot to buy some bread to eat habang nag aaral ako" inis na sabi nito










"Ako na ang bibili" taas kamay kong sabi








"Dalian mo, ayoko yung may mga toppings at ayoko din may sugar"









"Alam ko"










Stolen HeartWhere stories live. Discover now