Pagpasok ko sa Cafeteria nakita ko kaagad ang grupo nila Kuya August na may mga kasamang cheerdancers, sila ang naghari dito sa loob ng cafeteria at halos umecho na sa buong school ang kanilang mga tawanan at biruan. Tahimik akong pumunta sa pwesto namin ni Steel na ngayon ay nakatutok ang mga mata sa phone na hawak.
Kinatok ko ng tatlong beses ang lamesa para makuha ang atensyon nito.
"Look at this" inihirap niya sakin ang screen ng cellphone
"Para saan yan?" Tanong ko
May mga pagkain na sa harapan namin, si Steel na kasi ang nag o-order kapag siya ang nauuna dito kapag ako naman ang nauna ako ang mag o-order para sa aming dalawa.
"Magpapalit na ako ng profile sa IG" he said
Tumango ako
"May IG ka ba?" Tanong nito sakin at binaba ang hawak tsaka sumimsim sa lemon juice
"Wala akong IG, facebook lang pero hindi ako nag po-post at wala pa ding profile picture" hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganiyan tamang nood lang ako sa youtube. Youtube lang ata ang bumubuhay sa phone ko
"Gusto mo bang gawan kita?"
Umiling ako dahil baka masayang lang at hindi ko naman magagamit, muling umalingawngaw ang tawanan sa kabilang lamesa. Hindi ko na maiwasan na mag angat ng tingin, i saw Kuya August na may akbay akbay na isang cheerdancer nag uusap silang dalawa, nakangisi si Kuya August habang yung babae naman ay patingin tingin sa labi nito, gusto ba niyang halikan si Kuya August?
Mukhang hindi pa ako napapansin ni Kuya August, sa kaakbayan lang umiikot ang mundo niya ngayon.
Natapos muli ang isang araw, hindi ako dumiretso sa loob ng bahay ng makauwi kami ni Kuya Yvo, pumasok ako sa loob ng painting room ko at umupo sa matibay na upuan na gawa sa matibay na kahoy. Inabot ko sa likod ang isang canvas na wala pang kahit ni isang bahid ng kulay at ipinatong sa Easel, i mix the colors hanggang makuha ko ang kulay na gusto ko, nilapat ko ang dulo ng brush sa canvas at naalala si Kuya August na may hawak hawak na maliit na pusa kanina sa loob ng parking lot.
Dahan dahan akong puminta, sa bawat pag slide ng brush nakangiti ako dahil ang ipinipinta ko ay ang lalaking crush ko ang hinahangaan ko at masasandalan ko.
Nagabihan ako dito sa loob ng painting room ko, natagalan man at umabot ng ilang oras ang aking pagpinta ay hindi naman ako na disappoint dahil maganda ang kinalabasan ng pininta ko, ibibigay ko sa kaniya ito kapag dito ulit siya matutulog.
Nakatulog akong may ngiti sa labi.
Hindi pumasok si Kuya August yun ang sinabi sakin ni Steel, bagsak ang balikat na naglalakad ako sa hallway, hindi na nga kami nag usap kahapon dahil busy ito sa bago niyang cheerdancer na girlfriend ngayon naman ay absent siya.
Napaupo ako sa sahig dahil may bumangga sa balikat ko, ngiwing napahimas ako sa pang upo.
"Tsk"
Tumingala ako at si Kuya Clark iyon!
"Hindi ka ba tinuruan na tumingin sa dinadaanan?" Inis nitong tanong