Lance Randall Schwarz
Sino ba talaga sila? They are not just ordinary girls doing bitch stuff. Tinignan ko naman si Karl na nagtatype pa rin sa laptop niya.
"Karl"
"What?"
"I need some information"
"I know"
"Ash, Blaine I'm counting on you too"
"Yeah" sabi naman ni Ash
"Sure" sabay sa,ubo pa ni Blaine.
Iniwan ko na sila sa caf at pumunta sa music room para matulog. Sana. Pero nasa may pinto pa lang ako may naririnig akong tunog mula sa loob. Tunog ng violin. Mahina lang ito pero kung medyo nakabukas ang pinto ay maririnig mo ang mahinang musika na nililikha nito.
Napatulala ako ng makita ang taong lumilikha ng magandang musika. Umupo ako sa may sulok ng tahimik para hindi mapansin.
She is really something. I can feel the emotion of the song. Every little notes, I can feel them all. Parang hinihila ka nito sa ibang dimensyon. Kung saan puno ng lungkot at hapis.
Patuloy lang siya sa pagtugtog habang nakapikit. Unti unti naman akong dinalaw ng antok. Patapos na ang kanta nang bigla siyang tumingin sakin pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtugtog. Bigla niyang binuksan ang kanyang bibig pero walang boses na lumabas.
'Sweet dreams' ang basa ko sa labi niya
At unti unti ng nabalot ng kadiliman ang paligid.
Sophia Katelyn Olsen
OMAYGAD AM SO EXCITED!!! Buti naman pumayag si Roxie huhuhu there can be miracles when you believe.
Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa room namin. Medyo nagustuhan na din namin yung pwesto nung room kase malapit lang sa caf. Pagpasok namin sa room halatang tensyonado ang lahat. Grabe sa gorgeous kong to matatakot sila.
"Today onwards they'll be joining in your class" malumanay na sabi ng prof.
"Hello I'm Sophia" sabay wave ko sa kanila. Isa isa naman silang nagwave pabalik
"Hi I'm Beatrice" sabay smile naman ni bestie.
"Scarlett" sabay smirk naman niya
"Roxie" cold na sabi niya.
Ano ba yan ang ganda na ng intro namin ni bestie bat parang nagbalik naman yung tensyon nung sila na. Hay. Naglakad na kami papunta sa mga tables namin. Ang cute panaman ng mga tables namin sakin kulay pink kaya bestie naman is blue, black naman ang kay Scar and gray naman ang kay Roxie.
Napansin ko naman nakatingin din yung mga boys samin. Well di ko naman sila masisi e.
Umupo na kami at nagpatuloy nang magdiscuss ang prof. Nilabas ko ang phone ko para tignan ang mga reviews sa mga photos namin. Si bestie naman naglabas ng libro. Si Scar naman nakaearphones and I have no idea kung nagbabasa din ba siya o nanunuod ng vid. Si Roxie naman ayun tulog.
Bigla namang tumayo ang isang babae na ikinagulat ng lahat.
"What's this special treatment?" sabay turo niya sa mga tables namin.
"Please take your seat miss Angelika"
"It's so unfair!" maarteng sabi niya. Sakit niya sa bangs.
"Just take your seat or else in going to force you out of my class"
"Whatever" sabay flip hair pa niya.
Bigla naman bumukas ang pinto at dumating yung lalaking kulang sa mga pinagtripan namin kanina.
"MR. SCHWARZ WHERE HAVE YOU BEEN?" all my life? dugtong ko sa isip ko.
Derederetso lang siyang naglakad pero tumigil siya at tumingin samin nag wave naman ako sa kanya at nagsmirk naman si Scar. Umupo na siya sa upuan niya kaharap ni Roxie na nasa side bintana.
Napansin ko naman na may nakatingin sakin, este nakatitig samin. Tinignan niya kami na nanlilisik ang mata. Grabe sa sobrang gorgeous ko talang nageffort pa siyang tignan ako buong klase.
"Class dismissed" sabi ng prof at lumabas na siya.
"Who the hell are you?!" confront niya samin. Sino pa nga ba? edi yung nagiinarte kanina. Hay.
"Ano ba yan gaano ba kababa yang IQ mo for you to learn new things such as names?" sarcastic na tanong ni bestie.
"How dare you talk to me like that?!" inis na sabi niya. Konti na lang may lumabas na usok sa ilong at tenga niya.
"Please stop acting like a person to be respected, especially when you're not a human being. Wait what kind of animal are you?" pangasar kong tanong sa kanya
"Wait are you some kind of new species of amphibians? or reptiles?" dugtong na pangasar naman ni bestie
"We're not done yet!" sigaw naman niya at nagwalk out. May mga kasama pa nga e kapawa amhibians siguro
Nagtinginan naman kami ni bestie at tumawa na lang habang napailing naman sina Scar at Roxie sa mga nangyare.
===============================
Nasa media yung tinutugto ni mystery girl.
Credits to the person on the video.
See you next week hahahaha regular updates will be on weekends. Sa ibang stories naman siguro ihohold ko muna. Para tuloy tuloy ang flow ng story
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction