Lance Randall Schwarz
Nakahinga ako ng maluwag nang sinabi ng doktor na the surgery went well. Concern na lang ako kapag di pa siya nagkamalay for three consecutive days. Nagkamalay o hindi kailangan niyang magpa ct scan sa ngayon kailangan niyang magpahinga.
"Hey ano bang passcode ng phone mo?" tanong ko habang hawak ang phone niya. As if naman sasagot siya. Hay.
I find myself staring at her phone for a while. Nang bigla itong nagring. Unknown number. At first I hesitated pero sinagot ko na. Baka sakaling makakuha ako ng impormasyon kung sakali.
"Hello? Hello?" Weird. Bat walang sumasagot? Chineck ko baka inend na tapos hello lang ako ng hello dito.
'Where is Roxie?' nabigla ako nang lalaking boses ang narinig ko.
"Who's this?"
'His cousin. Where is she?' Pinsan? Di ko alam kung sasabihin ko sa kanya. Masyadong delikado. Pero pano kung pinsan nga niya? I think they have the right to know what happen right? Tsk!
'Hello?' Damn! Bahala na si batman!
"She's at the hospital"
'WHAT?! Saang hospital?!' halatang nagpanic siya kaya mukhang pinsan nga niya si Roxie.
Sinabi ko kung saan saka na niya pinatay ang tawag. Mukhang may dadalaw. Kaya inayos ko muna ang pagkakakumot niya.
"Labas muna ako ha? Mukhang darating yung pinsan mo daw"
Pinindot ko ang nurse call para may maiwan dito paglabas ko.
"Nurse pwedeng pabantay muna ng pasyente? Lalabas muna ako saglit"
Tumango naman siya kaya lumabas nako at dumeretso sa malapit na convenience store. Bumili ako ng iilang prutas na meron sila. Apples and oranges. Bumili din ako ng mga chips at biscuits. Bumili na rin ako ng mga bottled water.
Pagbukas ko ng pinto ng room ni Roxie sumalubong sakin ang isang lalake. Tinignan niya ako mula taas hanggang baba ganun din ang ginawa ko sa kanya. Pinsan niya ba talaga to? Parang hindi naman.
"Kris" seryoso niyang sabi sakin.
"Lance" pakilala ko. Tumango lang siya saka na niya tinuon ang atensyon niya kay Roxie. Nilapag ko na sa table ang mga pinamili ko saka umupo sa may couch. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa phone ko para bigyan silang magpinsan ng privacy.
Bigla namang nagring ang phone niya at sinagot ito.
"Hello? At my house" Huh? Kelan pa naging bahay ang ospital? "Let's just meet tomorrow morning" at binaba na niya ang telepono niya saka siya nagbuntong hininga.
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction