Sophia Katelyn OlsenArgh! Why me pa kaya. So asar.
Derederetso na lang akong pumasok ng store hilahila tong sambol na to. So maarts kailangan pang hilahin.
Kumuha na lang ako ng dalawang lingerie na una kong nakita at tinanong kung anong mas maganda. Aba lalake siya sa e malamang alam niya yung mga ganito.
Nanlaki ang mata niya at umiwas siya ng tingin. So it's no good huh?
Naglakad ulit ako at kumuha ng ibang style.
"How about these?"
"Bat hindi si Beatrice ang sinama mo dito?" Mahina niyang tanong.
"E she's busy kase. She's gonna get her book na inorder niya last time" paliwanag ko.
Binalik ko ulit sa rack yung mga kinuha ko at kumuha ulit ng bagong pair. Maybe laces would be good.
"These?" tanong ko sa kanya at umiwas siya ng tingin.
Wait don't tell me. He thought na ako ang magsusuot hahahahaha never. Pero I'm gonna tease him a little. The Scarlett Style. Buti na lang naiimpersonate ko talaga siya hahahaha.
"What? Anong mas maganda to or to?" sabay lapit ko sa kanya hawak ang mga lingerie sa kqtawan
Lumayo naman siya ng konti at umiwas pabrin siya ng tingin. Hahahaha caught you mister.
"You're so dirty minded" sabay tawa ko ng malakas. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"I would never thought that you like wearing these kind of things! So who's dirty minded huh?" depensa niya.
Agad ko naman tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
"Hey for your info, It's not me who's gonna wear these it's my mom's friend who recently got engaged. And my ask for a favor to buy it myself" mahaba kong explain sa kanya. "So who's the dirty minded now huh?" dagdag ko na nagpatahimik sa kanya.
Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa paghahanap. Duh ayoko naman mapahiya si mommy sa kaibigan niya dahil lang sa di ako marunong maghanap ng sexy or whatever na lingerie.
Kumuha ako ulit ng dalawang magkaibang style para ipakita dito sa malibog na sambol.
"How about these?" poker face ko nang tanong sa kanya. Enebe amsogutoms na kaya.
"I think you should take the black laced and the red silk one" mabilis niyang sabi. Sabay labas niya ng store.
Natawa na lang ako sa ginawa niya at naglakad nako papuntang counter.
"Ang sweet niyo naman ma'am. Sana yung asawa ko ganun din sinasamahan akong bumili ng ganitong bagay" nasimangot na sabi nung babae sa counter. Habang binabalot niya yung pinamili ko
"Oh you got the wrong idea"
"But I think you're a great couple" sabay ngiti niya sakin. Nu-uh.
"Well, too bad" sabi ko at naglakad nako palabas.
Naglakad nako papunta sa meeting place namen ni bestie. Huhu amsogutoms na. Pumasok ako sa isang jollibee at nabutan ko nang andun na si bestie. At pinagorder na rin niya ako ng favorite kong choco float. Agad nakong umupo at kumain. Umorder siya ng isang bucket meal at sandamakmak na fries. Waaaahhhhhh heaven.
"Seryoso dito tayo kakain?" tanong ng maarteng sambol.
"Malamang kung gusto mo kumakain ka sa labas" sabay roll eyes naman ni bestie sa kanya.
Umupo na rin siya sa tabi ko at kumain. Habang yung isa naman naming kasama e enjoy na enjoy yung mga bago niyang laruan.
"Kamusta na pala yung pinapabili ni tita" tanong ni bestie.
"Oh Karl helped me to chose"
"Ah I see" at tumango tango siya.
"Ano ba yung binili niyo?" curios na tanong ni Blaine habang kumakain ng spaghetti.
"Lingerie" casual kong sagot at sumubo ng fries with gravy.
Nabuga naman niya yung iniinom niya at buti naman hindi sakin. Eww.
"Like seriously? Karl?" di makapaniwalang tanong niya habang nakatingin siya sa katabi ko.
"O ebidensiya" sabay pakita ko sa kanya nung paperbag.
"Wow Karl I didn't know you like these kind of things" sabay tawa niya.
"Shut up!" inis na sabi niya habang makatingin siya ng kasama kay Blaine.
"So ano ba yung mga tipo niya?" habang nakangiti siya ng nakakaloko.
"He chose laced and silk one"
Mas natawa naman ito sa pagsagot ko. At mas lalo namang sumimangot tong sambol. Hahahaha ang epic ng mukha niya sarap picturan tapos ilagay sa yearbook this year. That would be nice.
Pagkatapos ay pinabalot yung ibang pagkain na di namin nagalaw. It's so sayang kaya. Pagdating namin sa parking nagkasundo kami na sila magmamaneho kaya binigay ko kay sambol ang susi nung sasakyan namin. Habang si bestie naman sa kabilang sasakyan siya sasakay. Pumasok na ko at umupo sa back seat kasama ang mga shopping bags ko.
Nakita ko namang nakatingin siya sa kin nang sumakay siya ng driver seat.
"What?"
Nagbuntong hininga lang siya at pinaandar na ang kotse pauwi.
===============================
Yiz! Done nanaman ang next chapter. Tho agad ko tong natapos pero hindi ko lang agad pinublish. Anyways, iniisip ko na tuloy tuloy nakong magtatype hanggat di pa nagkakamemory loss tong author niyo at di pa sinusumpong ng kanyang malalang sakit na katamaran.
Next update: 01/25/17
Sophia in the media.
Don't forget to vote and leave a comment
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction