TBBMTTM 84 ☆

2.7K 80 9
                                    



Agad napatingin ang lahat kung saan nanggaling ang narinig nilang putok. Putok na galing sa baril.

Napatayo si Karl at nagaalalang tinignan si Sophia na halatang natatakot dahil sa narinig. Sumeryoso ang tingin ni Lance at naging alerto sa buong paligid niya. Agad tumakbo si Roxie papasok ng rest house habang tangay si Blaine.


"Saan mo ba ako dadalhin?" takang tanong niya pero siya kinakausap nito.


Deretso niyang binuksan ang pinto ng kwarto saka pa lang niya ito binitawan. Nagtakang inoserbahan ng binata ang ginagawa ni Roxie. May kinalkal sa bag niya naglabas siya ng flash light at may binulsang itim na pahabang parisukat sa likod ng pants niya saka na siya tumayo. Nabigla siya sa hawak niya nang humarap ito sa kanya.


"A-anong gagawin m-mo?" kinakabahan niyang tanong.


"Just stay here and protect her" utos ng dalaga saka na siya lumabas at iniwang tulala ang binata.


Napatingin naman siya kay Beatrice na mahimbing na natutulog kaya umupo si Blaine malapit sa kanya kahit na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari sa labas.


Dali daling lumabas si Roxie para balaan ang mga kasamahan. 


"Scar, Sof" tawag niya sa mga kaibigan na halatang natatakot sa sitwasyon nila ngayon "You have to go inside now!" kasabi niya nun umalingangaw ulit ang putok ng isang baril sanhi ng pagyuko at pagluhod ng lahat.


"Tsk! Let's go inside" sabi ni Ashton at inilalayan niya si Scarlett hanggang makapasok sila. Ganun din ang ginawa ni Karl kay Sophia.


"Let's go" yaya ni Lance saka naunang pumasok kaso kinuhang pagkakataon yun ni Roxie at tinulak niya si Lance papasok saka nilock ang pinto gamit ang isang upuan. "SHIT! ROXIE!! OPEN THIS DAMN DOOR!" nagwawalang sigaw niya habang nagpupumilit na buksan ang pinto.


"Karl! Wag na wag kayong lalabas! Wala kayong bubuksan na pinto! Understand?!" instruct naman ni Roxie habang nakasandal siya sa may pinto at tumitingin tingin sa paligid. Napatingin ang lahat ng nasa loob kay Karl. "And stay low on the ground!" pagkasabi niya nun umalingaw ngaw ulit ang putok ng baril at automatic silang lumuhod sa sahig. Nagbalik naman siya ng putok.


"ROXIE GET THE HELL INSIDE NOW!" sigaw ni Lance habang pilit pa ring binubuksan ang pinto.


"Stay safe and Lance... Please bahave para sa safety na rin ng lahat" sabi ng dalaga saka na siya naglakad palayo sa pinto.


"Pano ka??? Roxie? Hey! Argh! Fuck! " inis na sinuntok ng binata ang pinto at napaupo na lang. Naiinis siya sa sarili niya dahil di niya magawang protektahan ang babaeng mahal. Kahit gusto niya itong protektahan di niya alam kung paano at kahit gusto niya lumabas di niya magawa dahil iniisip rin niya ang sinabi sakanya ni Roxie bago umalis. Ginulo na lang ni Lance ang buhok niya dahil sa inis at umupo sa sahig.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon