TBBMTTM 94 ☆

2.1K 59 13
                                    


Lance Randall Schwarz


Nandito ako ngayon ako sa van kung saan sinabi ni Roxie na maghintay ako. Nakapagusap na rin kami at sinabi na niya sakin ang totoo na hindi daw totoo ang engagement nila ng kinakapatid niyang si Kris. It's just for a show.


Napakunot ang noo ko nang naano kong bukas ang van. Di nako nagdalawang isip na pumasok at dito ko na lang siya hihintayin. 


Nabigla na lang ako ng biglang bumukas ang van at tumabad sakin ang talong lalaking nakaitim na suit.


"Sir inutusan po kami ni Mam Roxie para iassist po kayo" sabi nung isa habang nakayuko. 


Tinignan ko muna sila mula ulo hanggang paa saka tumango. Mukha naman galing talaga sila sa pamilya ng mga Lambert. May inabot namang itim na panyo sakin ang isa sa kanila.


"Sir ilagay niyo po sa mata niyo"


"Why?"


"Napagutusan lang po" 


Knowing Roxie she's full of surprises kaya di nako nagprotesta at piniringan ang sarili ko.


"Yes mam okay na po" rinig kong sabi nung isa. "Sir eto po si mam" saka nilapat ang tingin ko ay phone sa tenga ko.


'Hey' rinig kong sabi ni Roxie sa kabilang linya.


"So what's this?" tanong ko at di ko na napigilan na ngumiti.


'What do you think?' tanong niya sakin pabalik. 'Anyways just enjoy the ride. See you' huling sabi niya at pinatay na niya ang tawag. I didn't even said good bye.


 Nagsimula na kaming bumyahe palabas siguro ng building at di ko na napigilan ang mapapikit at makatulog.


"Sir"


Nagising ako dahil sa paggiing sakin ng lalaki.


"Sir nandito na po tayo"


Tumango ako saka nila ako tinulungang makababa. Tinanggal nila ang piring ko at nabigla nang si Mrs. Lambert ang sumalubong sakin.


"Good evening po" saka ako yumuko.


"Raise your head I'm not a queen" malumanay niyang sabi. Kaya tinaas ko ang ulo ko at tinignan siya. Di ko alam kung anong nangyayare dahil wala akong nakitang Roxie.


"Please I want you to save my daughter" pagmamakaawa niya sakin. "Di ko kakayaning mawala siya samin" tila nanlambot ako dahil sa pagiyak ng mama ni Roxie sa harap ko. Ako din ayoko rin siyang mawala sakin. Naputol ang paguusap namin nang napatingin kami sa bagong dating na kotse. Napakunot ang noo ko dahil sa taong bagong dating.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon