Ashton Haley Johansson
Nakauwi naman kami ng maayos kaso 3am ng madaling araw na kami nakarating. Sinigurado muna namin na kaya ng magmotor nung dalawa. Balak nga sana naming iwan yung motor ni Blaine at iaangkas ko na lang siya kaso di siya pumayag.
Agad nakong humiga dito sa couch sa may sala dahil tinatamad nakong umakyat sa kwarto ko.
Di ko napansing nakatulog ako agad kong kinapa ang phone ko at nakitang andaming missed calls. Puro galing kay Peklat. Ganun na ba niya ako namiss? Tsk! Tsk! Kaya umakyat nako sa kwarto ko para maligo at magbihis.
Dumaan muna ako ng cafe ni tita para bumili ng black forest cake para pambawi naman sa kanya hahaha
Dumeretso agad ako sa cafeteria dahil maglalunch na rin. Sakto namang andito na sila. Nice! Nagtinginan sila ng bigla akong umupo sa table nila at nilapag sa harapan ni Peklat ang cake niya. Grabe iba talaga kapag ako na ang tumatabi sa mga girls. Tsk!
Pero kahit ganun, nakatulala lang si Peklat. Luh? Tinamaan na ata talaga to sakin. Aish! Wala talagang babae ang nakakatiis ng charms ko.
"Oy Ashton lumayas ka muna halata naman kailangan mapagisa ni Scar" taboy sakin ni Beatrice.
"Yah! Chupi!" taboy din ni Sophia.
May nangyare ba habang wala ako? Bigla naman nagring ang phone ni Peklat. Ringtone pa lang alam ko na. Pinabayaan niya lang nagring habang nakatulala pa rin siya sa kawalan. Ano ba alagang nangyayare? Kinuha naman ni Roxie ang phone ni Peklat na nakapatong sa table. May pinundot siya kaya namatay yung ringtone.
"Audie! Please talk to me. Just let me hear my explanation. Please. I'll be waiting at the library"
Audie?! Who the hell is this guy?! Nagkibit balikat lang si Roxie at pinatay ang tawag.
"Kailangan talaga iloud speaker?" nakapoker face na tanong ni Beatrice.
"Aish! Why did you patay na? huhu May sasabihin ako e" sabay pout naman ni Sophia.
"Sino yun?" tanong ko na ikinatingin nilang tatlo.
"Curious?" sabay smirk ni Roxie.
"Or"
"Jealous?"
Aish! Dapat pala di nako nagtanong. Bigla namang nagbuntong hhininga si Peklat at binuksan ang binili kong cake. Ang nakakapagtaka tinignan niya ang to. At balik nanaman siya sa pagkatulala.
"Ano bang nangyayari sa kanya?"
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction