Lance Randall SchwarzPagdating ko nang resto ay sumalubong sakin ang tunog ng violin at piano. Agad kong hinanap kung saan nanggagaling ito.
"Lance!" tawag sakin ni Ash na nakaupo kasama sina Karl at sina Beatrice.
Pinuntahan ko naman sila at umupo sa bakanteng upuan. Di mawala sa tingin ko si Roxie ngayon na nagbaviolin sa may stage kasama si Scarlett na nagpapiano sa may side. So siya yung sa music room? Di ko kase masyadong maaninag yung mukha niya nun e. Pero for all this time pala siya lang pala yun? Noong time kase na yun nagpabalik balik ako ng music room pero di ko na siya nakita or narinig ang violin niya
Sa wakas nakita ko na rin siya. At alam kong siya din yung babaeng ngumiti sakin noong masquerade party. I know her smiles. Pero bakit ngayon ko lang narealize? Dahil ba di ko siya pinapansin? O sadyang di lang siya palangiti? I saw a small smile escaped while she's playing. Siya nga di ako pwedeng magkamali.
Pagkatapos nilang tumugtog tumayo ako at sumunod kina Ash. Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Sorry for not noticing it until now.
Nabigla na naman ako nang bigla niya akong tinulak. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkabigla. Habang nagbabangayan ang kaibigan namin sumigaw siya at naglakad palabas.
"Roxie!"
Agad ko nang pinuntahan kung saan nakapark ang kotse ko at pinaandar ito.
"Hay nako nagwalk-out nanaman"
"Woy! Lance!"
Nagdrive nako at sinundan ang taxi.
Kanina pa sila nagbabyahe pero bigla siyang pumara sa may bay. Pinark ko lang ang sasakyan ko sa tabi at pinuntahan siya.
-----
"Pinaka ayoko yung pinapanood akong kumakain" pambabasag niya ng katahimikan.
"I really don't eat this kind of food"
"Why don't you try it? Daming arte" sabay roll eyes niya.
Tinignan ko ang pagkain na nasa harapan. Mukang normal naman. Pero kung di masarap I'll stop. Kinuha ko ang kutsara at tinikman ang sabaw.
"Ang sarap" nabigla naman siya sa sinabi ko.
"First time mo lang ba kumain ng mami?"
Tumango lang ako at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Saglit lang yun pero bumalik din ito sa pagkapoker face niya. Kumain lang kami ng tahimik. Nauna pa nga akong natapos e. Sobrang sarap kase matry nga ulit minsan. Tumayo lang ako at kumuha ng tubig. Nakita ko kase yung isang kumain ganun ang ginawa. Tutal nauuhaw na rin ako. Pinangkuha ko din tong kasama ko. Nilagay ko to sa table namin at umupo ulit ako. Ininom naman niya ito.
Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. Pumunta kami kay manong para magbayad.
"Manong magkano po?" tanong bigla niya.
"45, tsaka dalawang pandesal. 51 lahat iha. Yung iho 45 lang"
"Ako na" sabi niya. Edi siya na sayang din ang libre. "Shit" rinig ko habang kumakapa siya sa mga bulsa niya. Napailing na lang ako.
"Manong oh tip ko yung sukli" sabay abot ko ng pera sakanya. Nagbuntong hininga naman tong kasama ko.
Nagpasalamat si manong at umalis na kami.
"Ako na pala huh?" pambabasag ko ng katahimikan.
"Tsk"
Magwowalk out nanaman ata to kaya hinawakan ko siya wrist niya.
"Ano ba!?" at pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Wala kang pera diba? Hatid na kita" at hinila ko siya papunta sa kotse ko. Nagkakatak siya at nagmumura pero wala akong pake. Binuksan ko agad ang passenger seat at sinakay siya doon. Pinigilan naman niya ako sa pagsara ng pinto.
"Problema mo?! Punyeta kanina ka pa" inis niyang sabi.
"Ikaw na nga tong ihahatid ikaw pa tong galit"
"Bakit sinabi ko bang 'uy pwedeng ihatid mo ko samin?' Ha?!" singhal niya.
"Kakasabi mo lang" at sinara ko ang pinto at nilock ang sasakyan aba baka pagsakay ko ng kotse ko e siya naman ang takas neto. Nagsisigaw siya at halatang galit na siya habang hinahampas ang bintana ng sasakyan. Nagstay lang ako sa labas habang tinitignan siya. Bigla naman siyang napahawak sa ulo niya at nawalan ng malay.
Hay buti naman nanahimik na kaya pumasok nako sa may driver seat. Inayos ko siya ng upo at medyo inadjust ang sandalan ng kinauupuan niya. Sineatbelt ko na rin baka bigla akong hulihin ng mga pulis dahil di siya nakaseatbelt.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nung nawalan siya ng malay e di ako nagpanic. Nilagyan ko kase ng powder ng sleeping pill yung ininom niya tubig. Pero wala akong balak ng gawan siya katarantaduhan. Yun lang kase nakita kong paraan para maihatid ko siya sa kanila na hindi nanlalaban at tahimik.
Nagdadrive lang ako ng matapat kami sa may stop light. Pula. Hay. Napatingin naman ako katabi ko na ang himbing ng tulog. Para siyang bata kung matulog, inosenteng tignan. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Bigla namang siyang gumalaw pero tulog pa din. Nakaharap na ang mukha niya sakin. Napatitig lang ako at medyo lumapit ako ng makita ng malapitan ang mukha niya. I can smell her sweet scent. Even her eye lashes are long. Her nose is small like I want pinch to it. And her lips...
Nabigla ako ng biglang bumusina ang sasakyan sa may likod. Green na pala ang stop light. Umayos na ko ng upo at nadrive. Tangina Lance umayos ka.
===============================
Ayieee!! Hahahahaha medyo naeverwhelm ako sa mga nagcomment, nagvote at nagmessage sakin. Kahit konti lang kayo naapreciate ko yung effort huhuhu tahnk you talaga kaya para sainyo ang chapter nato. Thank you guys for pushing me and inspiring me para ituloy tuloy na yung pagaupdate ko. Tho di pa Feb 3. MaguUD nako today hahahaha so two chaps in one day huh? Kayo na hahahahaha
Lance on the media
Next update: 03/02/17 (seryoso na to guys hahahaha)
Thank you guys. God bless us all :*
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction