TBBMTTM 24 ☆

6K 198 2
                                    


Lance Randall Schwarz


Nagsimula ang game sa jumpshot na nakuha naman ng girls. Nabigla kase ako na mataas din palang tumalon tong si Roxie. Na agad naman niyang pinasa kay Scarlett. Kanya kanyang sigaw ang mga tao. Tae nakakabingi dapat pala dinala ko yung earplugs ko.


Agad naman silang nakapuntos sa lay up shot ni Scarlett. Ang bilis din niyang tumakbo. Agad naman silang bumalik sa court nila para sa depensa. Pinasa agad sakin ni Karl ang bola.


Dinribol ko ito hanggang sa mapunta ako sa kabila. Mabilisan ko itong pinasa kay Ash na nasa left side ng court. Agad naman siyang binantayan nung isang kasama nila. Kaya pinasa niya ito kay Blaine na nakapwesto na para magthree points. Pero dinoble team siya nina Sophia at Beatrice nakakuha naman ako ng pagkakataon na makalampas kay Scarlett na siya namang nagbabantay sakin.


"Bola!" sigaw ko.


Pinasa naman agad sakin. Hinarangan naman ni Karl si Roxie para hindi makalapit sakin. Tinaas ko ang bola at aakto ng magshoot ng biglang nawala ang bola sa kamay ko. Pagtingin ko nakuha na ni Roxie ang bola at pinasa sa kabilang court kung nasaan na open na open si Sophia para magthree points. Agad niya itong nakuha at shinoot. Pinilit habulin at pigilin nina Ash kaso pasok ang bola.


Naghiyawan ang mga manunuod. Nakita ko namang nainis sina Ash na sumeryoso na ang mga mukha.


Tumabo na siya habang hawak ang bola. Kinross-over sina Sophia at Beatice. Pinasa niya ang bola kay Blaine at agad itong shinoot. Three points. 



Bumalik na kami sa kabilang court para kami naman dumepensa.


-----


Maganda na ang laban kahit 1st quarter pa lang. Maganda rin kase lamang kame ng 10 points. Nakita ko namang nagbubulongbulungan ang kabilang kampo. Ano naman kayang strategy ang gagawin nila?


Pumito na ang referee at bumalik na lahat ng players sa court. Nagtaka kami ng biglang tinanggal nila ang suot nilang shirt. In short, nakasports bra na lang sila ngayon at jersey shorts. Kaya nahiyawan nanaman ang mga tao lalo na ang mga lalake. 


 Samin ulit ang bola. Tatapusin na namin to tutal napagusapan namin na hanggang second quarter lang ang laro dahil late na rin nagsimula. 


Pinasa sakin agad ni Karl at agad ko namang pinasa kay Ash kaso nakuha ni Beatrice. Agad niya tong pinasa kay Scarlett na pinasa naman kay Roxie. Dinuoble team siya nina Blaine kaso lusot pa din. Kaya pumuntos nanaman sila ng dalawang puntos. Agad ng kinuha ni Ash ang bola at ipapasa sana niya kay Blaine kaso nakuha ulit. Nakuha pang makapagfast break ni Scarlett.


Anim na lang ang lamang pero mahaba pa ang oras. Nang samin ulit na uli ang bola si Roxie na nakabantay sakin. Napatulala ako kase di ko inaasahan na siya ang magbabantay sakin. Parang bigla akong nabingi wala akong naririnig ni bulong. Ngumiti naman siya sakin at bigla siyang nawala sa paningin ko.

The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon