Sinipa agad ni Glamorous ang kamay ng lalakeng sumugod sa kanya dahil dito na bitawan nito ang hawak niyang patalim. Di niya ito hinayaan pang lumayo sa kanya kaya agad niya itong hinila palapit at sinikuan sa mukha dahilan ng pagbagsak ng katunggali. Naiwasan naman niya isa pa pero nagtuloy tuloy itong sumugod kay Goddess na nakatalikod."Goddess!" sigaw niya.
Sakto naman niya naman itong iniwasan kaya imbes na ang kalaban ang masugatan, ang kakampi nito ang nasaksak sa tagiliran. Napahiga ito sa sakit.
"SHIT!"
Niroundhouse kick naman ni Goddess ang sumugod sa kanya dahilan para mawalan ito ng malay. Lumuhod agad siya at tinanggal ang patalim na nasa kalaban.
"A-ANONG G-GINAGAWA MO?! ARGH!" sigaw nito habang namamalipit sa sakit.
"Kung gusto mo pang mabuhay manahimik ka diyan" malamig na sabi ni Goddess at pinunit ang kapiraso sa kanyang damit at nilagay sa sugat ng kalaban. "Idiin mo ang hawak kung ayaw mong mamatay" paalala pa niya.
"B-bat mo ba to g-ginagawa? Pautang na l-loob?" sabay tawang mahina ng lalaki.
"Bakit gusto mo na bang mamatay?" sabay irap sa kanya ng kausap at tinanggal ang jacket na suot.
"O-oy anong g-ginagawa mo?!" taranta niyang tanong at pumikit.
Naghiyawan ang mga tao nang biglang hinubad ni Goddess ang suot na t-shirt na pinunit niya kanina. Sinuot niya ulit ang jacket niya pero nakasports bra nalang siyang itim sa loob.
"What?" blanko niya tanong sa lalaking nakahiga habang pinupunit ang shirt para gamitin sa pagbenda.
Sa kabilang banda naman parang sumasayaw habang nakikipaglaban sina Genius at Gorgeous. Tila controlado nila ang buong laban. Sipa dito suntok doon. Nabilib ang mga manonood sa nakikitang magandang bakbakan. Di rin nagpahuli ang mga Beast na abala din sa pakikipaglaban.
"WAG!" biglang sigaw naman ng taong ginagamot ni Goddess na ikinatingin din ng mga ibang kasama.
Nasa likod na niya pala ang leader ng Wards habang may hawak na patalim.
"Tignan natin ngayon kung sinong takot" sabi nito at sinugod ang nakaupong kalaban.
Agad namang tumakbo papunta sa kinaroroonan niya si Crow at Glam para sana tulungan siya pero agad niya itong napatumba. Hinagis niya ang patalim na hinila niya kanina at tumama ito sa paa ng lalake.
Nakahiga itong sumisigaw habang di alam kung anong gagawin niya sa patalim na nakasuksok sa paa nito.
"R-really?" sarcastic tanong ng kanyang pasyente.
"Tss. He deserves it" at hinigpitan niya ang pagkakatali ng telang ginawa niyang bandage sa lalaki
"Aray! P-pwedeng hinay hinay naman? Tsk!"
"Arte. Umalis kana kung ayaw mong maubusan ng dugo" sabi niya sabay tayo.
"Opo doctor Goddess"
Nilapitan sila ng isa sa mga kasamahan nito na walang hawak ng ano mang armas. Tinulungan siyang makatayo ng isa pang kasamahan at umalis na sila sa ring. Agad naman niyang nilapitan ang namamalipit sa sakit na leader ng Wards. Nagsisigaw siya nang tapakan niya ang sugat nito.
"F-FUCK YOU!"
"You're welcome"
"Di pa t-tayo t-tapos! Argh!"
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction