Blaine Ramstein EvansHay wala naman akong nakikitang kakaiba e. I think this is just a regular party. Like typical ancient party to be exact. E kung nanuod na lang sana ako ng Ben 10 baka nauna pako sa mga ungas na kasama ko sa forum magkwento.
Naglakad ako papuntang pool para magpahangin ng may nakita akong na puting gown na babae. Nakatayo siya sa may bandang pool. Itulak ko kaya? Hahahahaha Tas sasabihin ko pasensya na kase di ko siya nakita hahahahaha
Lumapit ako ng dahan dahan. Nang malapit nako sa kanya bigla siyang lumingon. Our eyes met. Kahit nakamask siya I can feel na maganda siya. From the way she looks she's not an ordinary woman. With her blue and gold gown it's like I've seen a princess.
"Can you remove your mask?" natanong ko na lang bigla.
Ngumiti lang siya at nilagay ang index finger niya sa mga labi ko.
"Shhh"
Natulala na lang ako sa ginawa niya na para bang binabawalan niya akong magsalita. Tsaka umalis ng walang pasabi. Tae di ko man lang natanong yung pangalan. Argh!
-----
Pagkatanggap ko sa text ni Lance hinanap ko na lang si Karl para ipahanap yung aking "mystery girl". Si Karl lang naman maasahan ko sa ganung research lalo na kung konti lang ang impormasyon ang nakalap mo. Siya na bahala.
Nakita ko siya sa bar na nakaupo. Lalapit na sana ako nang bigla siyang tumayo at umalis. Anyare dun?
Sinundan ko siya at nakita kong nay kausap siyang babae. Nakaputi ito at nakamask.
Aalis na sana ang babae nang hawakan niya ito sa wrist.
"Where are you going?" tanong niya sa babae.
Iiwan ko muna tong mga to. Iiwan ko muna talaga sila promise. Maghahanap muna ako ng pagtatagu- este paglilibangan dito sa party nato.
Hindi umimik ang babae at pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak sa kanya.
"ANSWER ME!" sigaw ni Karl na ikinagulat ko. Minsan lang naman kase siyang manigaw kapag naiinis lang talaga siya ganun.
Napatigil din ang babae sa pagsigaw niya.
"Are you mute?"
Bumaba naman ng tingin ang babae. So pipi nga? Nagbuntong hininga naman siya sa ikinilos ng babae.
Yayakapin na sana ni Karl ng bigla siyang kinagat nung babae sa kamay.
"OUCH!" sigaw nito.
Kumaripas naman ng takbo yung babae. Grabe runner ba yun? Ang bilis atang tumakbo.
Hahabulin sana si Karl nang bigla siyang tinawag ni Lance at Ash. Panira ng moment oh! Ako nga nageffort pa kong maghanap ng taguan tapos sila hay.
"Napano ka?" tanong ni Ash sa kanya
"Nothing"
"I think we have to call it night" sabay buntong hininga ni Lance
"No" sabi ko.
Napatingin naman sila sa direksyon ko
"Really? Nilamon ka na ba ng sistema ng party na to?At san ka nanggaling?" pabirong sabi ni Ash sakin.
"I need to find that girl first"
Nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko. Bakit? May nakakashock ba sa sinabi ko? E gusto ko ngang mahanap si mystery girl e.
"I agree with you" pagsasaang ayon naman sakin ni Karl na ikinabigla naming tatlo.
"What?"
Natawa na lang kame at bumalik na lang kami sa may bar.
Sorry mystery girl I'm gonna hunt you tonight.
===============================
Hello hahaha short update lang muna for today hahaha medyo nangati yung daliri ko e hahahaha
Nasa media ulit ang mga gowns with matching mask ng ating 2nd batch of mystery girls hahaha
Love your comments and votes. Mwa!
『laiterangdyosa』
BINABASA MO ANG
The BadBoys meets The TroubleMakers [DISCONTINUED]
Teen FictionWhat if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fiction